12: Devoured by Fear

44 6 1
                                    

"Don't let Cris get too close to Harika, do you understand?"

Pinagmamasdan ni Harika si Constancio Levantine sa foyer ng mansion habang may kausap itong lalaking naka-formal suit at tumatango-tango sa mga ibinibilin nito. Nakasilip siya sa pagitan ng wood balusters ng hagdan paitaas. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito dahil tungkol iyon sa mga samo't saring negosyo at pagmamay-ari ng mga Levantine—pati na sa taong nagngangalang Cris na palaging bukambibig ng matanda. Constancio makes it clear to this man that all of the properties and businesses belong to Harika and Harika alone.

Aandap-andap na ang mga mata niya sa antok habang nakahalumbaba. She's waiting for her Lolo Dad; she can't sleep without him by her side. Maging ang paborito niyang stuffed toy ay hindi magawang maipalagay ang kalooban niya upang tuluyan nang makatulog.

Huminga nang malalim si Constancio at tinalikuran na ang lalaking kausap na hinayaang lisanin ang mansion. When her Lolo Dad looked at her, Harika tiresomely grinned. He will bring her to her room till she falls asleep.

"How come you haven't fallen asleep yet? It's past midnight," he questioned as he approached her.

"I was waiting for you, Lolo Dad. I thought you were leaving me again at this hour."

Nagtaka ang matanda. "I didn't leave you, my Precious Little Princess. May kailangan lang akong asikasuhin noong isang gabi. Nagising ba kita noong mga oras na 'yon?"

Harika pouted her lips and nodded. She put her arms around Constancio's neck as he carried her. Umilig siya sa balikat ng matanda at agad na nakatulog habang karga nito.

Kinabukasan ay inayusan na si Harika habang suot-suot ang puting mamahaling knee-long dress na iniregalo sa kanya ng tanyag na seamstress na si Morion Jane Fortich. Kilala ang pamilyang Levantine kahit na saang dako ng Windercoln, sino pa ba ang kailangang gumawa ng mga isusuot ng mga ito kung hindi ay mga sikat at maimpluwensya ring tao gaya nila. Harika had no idea how pricey her things were; all she knew was that everything around her made her happy and giving people a wide smile, because it was what her Lolo Dad taught her.

"Napakaganda mo talagang bata, Harika!" puri ng make-up artist na nag-ayos sa kanya. "Kahit anong mga damit ang suotin mo... lahat bagay sa 'yo. Only a true Levantine has that kind of beauty and elegance!"

Nakangiti si Harika sa papuri ng mga ito. Venus, on the other hand, had a dagger expression on her face, crossed her arms irritably, and made a face. Harika makes her envious, dahil halos lahat ay siya ang tinututukan, inaayusan at maya't mayang pinupuri ng mga taong nakapaligid. Samantalang ito, nang matapos ayusan ay nawalan nang pakialam ang mga tao.

"Ma'am Harika, hinihintay na po kayo ni Councilor Levantine sa ibaba. Nakahanda na po ang limousine sa labas na maghahatid sa inyo sa inagurasyon ni Mayor-elect Abellanosa," saad ng babaeng helper ng dumating upang abisuhan siya.

Before Harika went downstairs, the make-up artists and designers gave her a final touch.

Constancio rose from his seat in his pressed suit as he noticed his twelve-year-old granddaughter looking stunning in her costly dress.

"Lolo Dad, kasama po ba natin ang mga Ishida sa inauguration ni Mr. Abellanosa?" tanong ni Harika nang mahawakan ang kamay ng kanyang lolo.

He lowered his gaze on her. "Yes, my princess. Don't worry, hindi lang naman ikaw ang batang dadalo sa inagurasyon ni Mr. Abellanosa, kasama natin si Venus pati na ang auntie Lymareva mo."

"Dad, tapos na bang ayusan si Harika?" Lymareva interrupted them and she saw Harika was ready, "finally... Harika, you looked beautiful in that dress. Magkamukhang-magkamukha talaga kayo ni Helen," she said with a hidden smirk.

The Sun in Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon