His words stuck on my mind. Hindi ako makapagconcentrate sa mga ginagawa ko dahil sa sinabi niya.
Sad but true, whenever we like the person we always put meaning to their action kaya at the end of the day nasasaktan tayo.
Kahit sabihin nating wag tayo umasa pero hindi natin maiiwasang mangarap na sana may pag-asa tayo. Na sana isang araw masuklian ang pag-ibig na binigay natin.
Tuluyan na ngang lumalim ang pang unawa ko sa mga bagay-bagay. Hindi ganito ang nakasanayan ko. Hindi nga sumagi sa aking isip na isang araw ay magkakagusto ako sa isang tao. I thought my heart was not working but I was wrong.
Maaga akong nagising o nakatulog nga ba ako? Ewan ko. Nag aagaw na ang dilim at liwanag at heto ako nakatunganga sa aming bubong at nag-iisip ng mga bagay na hindi ko naman dapat isipin.
Bumangon na ako. Ako na lamang ang magsasaing total ako ang naunang magising. Sinikap kong mahanap ang lampara at posporo para naman ay may liwanag ang bahay.
Napatingin ako sa kapatid ko na mahimbing ang pagkakatulog. Mabuti na lamang talaga at hindi siya napuruhan sa nangyari sa kaniya at hindi nga ako nagkamali sa rason na nasa isip ko kung bakit humantong ng ganon si Jeje.
Binully siya ng kaklase niya kaya nagalit siya. Medyo malaki ito sa kaniya kaya natulak siya sa ding-ding at natamaan ng matulis na bagay ang noo niya.
Alam kong hindi na nakapagtimpi ang kapatid ko dahil alam niyang tinapakan na ang pagkatao namin. Bata pa si Jeje pero ayaw na ayaw niyang inaapi kami at pinakikialaman ang pamumuhay namin. Pero ayokong lumaki siya na may galit sa puso.Maingat akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Kinuha ko ang kaldero at nilagyan ng bigas.
Umupo muna ako saglit at babantayan ko muna ang sinaing ko. Napatingin ako sa labas at unti-unti na ngang sumisikat ang araw.
“Oh anak ang aga mo naman yatang magising?” Napatingin ako kay mama na kakagising lang at humihikab pa nga ito.
“Napaaga lang gising ma. May ibebenta ba ako ngayon ma?” tanong ko. Umiling naman si mama at naglakad patungo saakin. “Wala muna anak at birthday ng isang kapitbahay natin at umorder ng kutsinta.” Napatango na lamang ako.
Tumayo ako at hinipan ang kahoy dahil mukhang humihina na ang apoy. “Maligo kana anak at baka may dapat ka pang gawin sa school mo?” Kung alam mo lang ma wala pa akong tulog.
“Wala naman ma. Napaaga lang talaga ang gising ko. Kayo po baka may gagawin kayo? Labahin? Tulungan muna po kita hanggang may oras pa?” wika ko.
Nagtimpla si mama ng dalawang kape. Ang kape namin ay mais. Masarap ito at para talaga siyang original nescafe kahit hindi naman talaga. Bumibili lang si mama ng mais sa palengke at siya na ang gumagawa nito para maging kape. Masarap naman at tipid pa at isa pa. atagal naming nauubos.
“Wala na akong labahin anak. At tsaka ikaw gusto kong tutukan mo lang ang pag-aaral mo dahil kaya ko pa naman!” aniya. Inilapit niya ang isang tasang kape saakin.
“Ma ayoko namang masyado kang mapagod. Minsan kailangan mo ring magpahinga.” Ngumiti lang si mama saakin at humigop na sa kape niya.
“Kaya ko pa anak at hanggang sa kaya ko hindi ako magdadalawang isip na gawin lahat maging maayos lang ang buhay niyo.” Bigla akong napatigil. May pag asa ba talaga kaming makaahon sa kahirapan?
“Okay ka lang ba anak?” Napatingin ako kay mama at binigyan siya ng isang ngiti.
Humigop ako ng kape. “Maliligo na ho ako ma,” pagpapaalam ko.
“Sige anak. Hindi mo ba tatapusin ang pagkakape mo?” Napatingin ako sa kape na nasa harapan ko.
“Hindi na muna ma. Ibigay mo nalang kay Jeje.” Tumango si mama kaya tumayo na ako.
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
JugendliteraturHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...