“Anak, aalis na ako!”
Unti-unti kong iminulat ang aking mata. Ang magulong lamesa ang bumungad sa'kin. Dito na pala ako nakatulog kagabi.“Maglalaba na ako anak at maaga akong pinapapunta ng Tita Glenda mo!” Itinupi ko ang kumot na nasa balikat ko, “Sige ma. Ingat ho kayo!”
Si Tita Glenda ay ang mayamang pinsan ni mama. May kaya ito sa buhay kaya kinukuha niyang labandera o di kaya'y tagapaglinis ng bahay nila si mama. Matapobre ito at kailanman ay hindi niya tinrato si mama bilang pinsan niya, katulong oo.
“Nagsaing nadin ako kasi alam kong puyat ka kakagawa ng project mo.” Napatingin ako sa mga papeles na nagkalat sa lamesa.
“Pasensiya na ma,” paghingi ko ng tawad. Alam kong pagod siya at nakadagdag pa ako.
“Naku anak naiintindihan naman kita at alam kong mahirap talaga 'yang kurso mo!” Napangiti na lamang ako. Napakaswerte ko talaga at naging anak ako ni mama.
“O siya aalis na ako ha! Gisingin mo na si Jeje at baka malate na naman 'yan!” saad ni mama.
“Opo ma. Mag ingat kayo!” sigaw ko dahil tuluyan na itong lumabas ng bahay.
Inayos ko ang mga papeles na nasa lamesa. Ang totoo'y kay Apollo ito. Alam ko namang hindi niya ito gagawin kaya nama'y ako na lamang ang gagawa. Sinasahudan ako ni dean at nakakahiya namang wala akong gagawin.
Dapat maaga akong makarating ngayon sa school at ipapaprint ko pa ito sa Dean's office. Mabuti nalang talaga at alam ko naman ang pinapagawa kina Apollo.
Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Mabuti na lamang at hindi nakita ni Mama na hinatid ako ni Apollo. Dinahilan ko na lamang na kasama ko si Joy at may ginawa pa ako.
Pumunta ako sa kusina at tinignan muna ang kanin kung tuluyan na nga ba itong naluto.
“Jeje gumising kana!” sigaw ko. Maaga pa naman pero mas mabuti nang hindi malate.
Hindi ako nakarinig ng tugon mula sa kapatid ko kaya nama'y nagdesisyon akong puntahan na lamang siya. Tulog mantika pa naman ang kapatid ko. Tsamba nalang siguro kung mauna siyang gumising saakin.
Napatitig ako sa kapatid kong mahimbing na natutulog. Yakap yakap pa nito ang teddy bear niyang wala ng isang tenga.
Gwapo ang kapatid ko. Hindi alintanang paglaki nito ay maraming babaeng maghahabol dito. Syempre hindi ko siya papayagan at pag-aaral muna dapat ang inaatupag.
Napangiti ako at may naisip akong trip. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at hinila ang kumot niya.
“Jeje may sunog!” sigaw ko. Agad naman itong tumayo at aakmang tatakbo pa ito palabas.
“Joke lang hahaha!” saad ko. Napatingin naman saakin si Jeje at bigla akong dinambahan.
“Ang sama mo ate!” wika niya. Hindi ko mapigilang matawa sa tuwing maalala ko ang reaksiyon niya kanina.
“Tulog mantika ka kasi! Hahaha!” saad ko. Nagulat ako nang kilitiin ako ni Jeje. Ginantihan ko naman ito nang kiliti rin.
“Hahaha ate tama na! Hahaha!” natatawang wika niya. Tumayo akong hinihingal at hindi parin mapigilan ang sarili sa pagtawa.
“Ang sama mo talagang ate!” reklamo niya ulit.
“Maganda naman!” tugon ko sabay labas sa kwarto.
“Kamukha mo kaya ang unggoy nila Aling Nisan!” rinig kong sigaw niya. Lihim akong napangiti. Kahit ganito lamang kami ay naeenjoy namin ang mga konting asaran.
Kinuha ko ang baonan ni Jeje at tsaka ang sa'kin. Lalagyan ko na muna ng kanin ang mga baonan namin para makaligo na ako.
May natitira pang ulam mula kagabi dahil birthday ng isa sa mga kapitbahay namin. Kakauwi lang ng mama niya galing abroad kaya marami talaga ang handa nila. Kaibigan naman ni Jeje ang birthday celebrant at kaibigan naman ni mama ang lola ng bata kaya invited talaga kami. Maypa bring house pa nga.
![](https://img.wattpad.com/cover/280366489-288-k269874.jpg)
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
Novela JuvenilHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...