Byernes ng umaga at abala ako dahil may requirements kaming ngayon ang deadline.
Nandito kaming dalawa ni Joy sa Dean's office at ginagawa namin ang requirements namin. Nahihiya man ako kay dean ay wala na akong nagawa pa dahil nasa last minute na kami ni Joy. Nakalimutan ko kasi ang deadline.
"Why I forgot about this!" usal ni Joy. Sa dami rin ba naman ng ginagawa ko hindi ko na matandaan ang iba.
Si dean ay nasa lamesa niya lang habang abala sa pagpipirma ng mga papeles.
Ngayon ko lang din nalaman na kilala pala ni Joy si dean dahil daw kaibigan ng parents niya ito.Nabaling ang tingin namin sa pintuan nang biglang bumukas ito at iniluwa si Apollo.
Nagtama ang tingin namin ngunit agad akong umiwas at nakaramdam ako ng hiya. Dumako ang tingin ko sa bracelet na binigay niya noong isang araw. Nangako siya na aayusin niya na ang pag-aaral niya.
These past few days ay hindi pumasok si Apollo dahil may out of town silang magpamilya.
"Oh you're back Apollo!" wika ni dean. Nagkunwari akong abala sa ginagawa ko kahit ang tenga ko'y sa kanila nakatoun.
"Yeah, dad said na sa bahay ka raw mamaya mag dinner," saad naman ni Apollo.
"Alright then!" tugon naman ni dean.
Lumabas na si Apollo ngunit bago ito lumabas ay tumingin muna ito sa direksiyon namin.
"Shems ang gwapo niya!" kinikilig na bulong ni Joy. Napatingin naman ako sa kaniya. Pati pala ito'y nagwagwapuhan din kay Apollo. Sino ba namang hindi?
"Kilala mo siya?" tanong ko. Napatingala pa si Joy sa ceiling at parang iniimagine ang masasayang araw niya.
"He's my childhood crush and my longest crush too. Magkaibigan ang pamilya namin kaya lagi ko siyang nakikita kaya nga lang masyado siyang snob kaya ang hirap lapitan!" kwento ni Joy. Ganiyan na pala kaclose ang pamilya nila. Hindi ko rin inaasahan na matagal na pala silang magkakilala ni Apollo at crush pa niya.
"Ah, hanggang ngayon crush mo parin siya?" usisa ko. Kinikilig na tumango ito.
"Oo naman. Never namang nawala ang feelings ko sa kaniya! Kyah!" Napalakas yata ang sigaw niya kaya napatingin si dean saamin.
Nahihiya kaming bumalik sa mga ginagawa namin.
Ilang minuto pa ay natapos na namin. Agad naman namun itong ipinasa and after that ay pwede na kaming umuwi.
"Birthday ko na bukas!" masayang anunsiyo ni Joy. Napangiti naman ako. Oo nga pala bukas na ang kaarawan niya.
"Punta ka ha tapos sleepover tayo! Ako na magpapaalam sa mama mo!" excited na saad niya. Gusto niya kasing mag sleepover kami bukas sa bahay nila at kahit 'yon nalang daw ang birthday gift ko sa kaniya.
"May magagawa pa ba ako?" tanong ko. Tumawa naman ito, "Syempre wala!" Natawa na lamang din ako. Wala nga.
"Sunduin nalang din kita sa bahay niyo bukas Safira para ako na ang makapag paalam!"
Nagdadalawang isip pa akong sumama dahil alam kong puro mayaman ang dadalo bukas sa birthday niya. Kilala ang pamilya ni Joy sa pagiging negosyante. Paniguradong mahihiya lang ako bukas.
"Nakakahiya talaga bukas panigurado!" saad ko. Inakbayan naman ako ni Joy. Patungo kasi kaming park ng University ngayon.
"Naku wag ka ngang mahiya! Birthday ko 'yon kaya isa ka sa mga special guest ko!" Lihim akong napangiti. Minsan ka lang sa tanang buhay mo makakatagpo ng kaibigang katulad ni Joy. Hindi ito matapobre katulad ng ibang mayayaman na kilala ko.
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
Novela JuvenilHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...