Pag dating ko sa bahay ay tahimik lamang at siguro ay wala pa si Mama at si Jeje naman ay nasa kapitbahay namin panigurado.Susunduin ko nalang siguro si Mama kina Tita Glenda kasi kung hindi pa siya tapos ay tutulungan ko na lamang siya.
Agad akong nagbihis ng pambahay bago ko siniguradong sarado ang lahat ng pinto ng bahay.
Malapit lang naman ang subdivision na tinitirahan nila Tita Glenda. Lalabas ka pa sa squatter area tapos tatawid ka sa highway bago mo marating ang Villa Subdivision. Mayayaman ang mga nakatira dun, syempre subdivision nga diba.
Tumakbo na lamang ako para madali akong makarating. Pagdating ko sa Gate ng subdivision ay kinausap ko muna ang dalawang gwardiya na kilala narin ako dahil lagi naman akong pumupunta rito sa tuwing sabado at tinutulungan ko si mama.
“Uy Iha!” bungad ni Manong Edgar. Napangiti naman ako.
“Papasok po sana ako at pupunta ako kina Tita!” pagpapaalam ko. Tumango naman siya kaya agad na akong tumakbo papasok.
Bumungad saakin ang malalaking bahay. Malapit lang naman sa gate ang bahay nila Tita Glenda kaya nama'y hindi na ako mahihirapang hanapin pa ito.
Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang dalawang andanang bahay nila. Gusto ko ring tumira sa ganitong bahay kasama sina Mama at Jeje.
Malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Tita Glenda.
“Jusko naman Celia! Bakit mo naman nilagyan ng zonrox 'tong dress ko! Tignan mo! Ang pangit na ng kulay!” Napatingin ako kay Mama na ngayon ay nakayuko lamang habang nakikinig sa sermon ni Tita Glenda.
“Yan kasi! Mga mahihirap kayo kaya hindi niyo alam gaano kamahal' tong dress ko? Mahal pa'to sa gastos niyo sa isang taon! Nakikinig ka ba? Sumasakit ang ulo ko saiyo!” Nagulat ako nang itulak niya si Mama sa damuhan kaya napaupo ito rito.
Dali-dali akong pumasok at tinulungan si Mama na tumayo mula sa pagkakaupo. Tinulungan ko siyang pagpagan ang damit niyang may mga damo.
“Okay ka lang ba ma?” tanong ko.
“Oh anak nandito ka pala, okay lang ako.” Bakas sa mukha ni Mama ang pagod at lungkot. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay parang dinudurog ang puso ko.
“Hindi ka okay Ma!” sagot ko. Sobra na talaga si Tita Glenda! Hindi man lang niya ginalang si Mama bilang pinsan niya!
Aakmang susugudin ko na si Tita Glenda na ngayon ay nakapasok na nang pigilan ako ni Mama.
“Hayaan mo na anak. Okay lang ako. Tara na at baka naghihintay na si Jeje saatin,” wika ni Mama. Huminga ako nang malalim bago inalalayan si mama na lumabas sa bakuran ng striktang si Glenda.
“Wag na kaya kayong maglaba para sa kanila ma? Kita mo namang ang sama ng ugali non!” Huminga nang malalim si mama bago humarap saakin.
“Kaya ko pa anak. Kasalanan ko naman eh kasi nilagyan ko ng zonrox ang damit niya. Hayaan mo na anak.” Hindi na ako sumagot pa at alam kong matatalo lamang din ako sa usapan na'to.
Ilang beses ko nang pinagsabihan si mama na magpahinga muna kahit isang linggo lang pero hindi parin ito nakikinig.
Bumili muna kami ng ulam kina Aling Delia bago tuluyang umuwi. Pagdating namin sa bahay ay naroon na si Jeje na abala sa pagsusulat ng kung ano sa kaniyang papel.
“Jeje saan ka galing kanina ha?” bungad ko. Napatingin naman saamin si Jeje at napangiti nang makita ang ulam na dala namin ni Mama. Agad naman itong lumapit kay Mama at nagmano.

BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
Novela JuvenilHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...