Chapter 25: His Please

50 7 0
                                    

Third Person P.O.V

Tulala sa kawalan si Safira, ilang araw nadin itong walang ganang kumain. Tanging pag-iyak lamang ang kaniyang nagagawa sa isang araw. Ilang araw nadin itong hindi pumapasok sa kaniyang klase.

Hindi parin ito makalimot sa kaniyang mga pinagdadaanan. Tila araw-araw ay hinihiwa ng paulit-ulit ang kaniyang puso. Tuluyan na nga itong nawalan ng pag-asa at nalilito kung paano nga ba bumangon muli.

Palaga'y niya'y tuluyan na nga siyang tinalikuran ng mundo. Ang kaniyang luha ay makukumpara sa ilog na walang hanggang dumadaloy.

Sa kabilang banda, ang kaniyang kapatid ay ilang araw nading nag-aalala sa kaniyang nakakatandang kapatid. Masakit para sa kaniya ang makitang nagkakaganon ang kaniyang ate. Nais niyang manghingi ng tulong kay Apollo ngunit ilang araw nadin niyang napapansin na hindi na ito dumadalaw sa kanilang bahay.

Paulit-ulit niyang dinadalhan ang kaniyang ate ng pagkain ngunit tinititigan lamang ito ng kaniyang nakakatandang kapatid. Hindi niya batid kung ano pa ba ang rason ng kaniyang ate kung bakit ito paulit-ulit na umiiyak sa gitna ng gabi. Isa lamang ang kaniyang napagtanto, ibang-iba na ang ateng nasa harapan niya ngayon kumpara sa ateng nakilala niya noon.

Habang abala si Jeje si pagwawalis ng kanilang bakuran inagaw ang kaniyang atensiyon sa mga kapitbahay nilang nagkakagulo.

Isa lamang ang ibig-sabihin nito, may dayo sa squatter area. Pati siya'y hindi na mapakali at gustong makita kung sino nga ba ang bagong dating sa kanilang lugar.

Hindi na lamang niya pinansin at bumalik sa pagwawalis. Marami pa itong wawalisin at kapag titignan niya pa kung sino ang bisita ay baka hindi niya matapos ang kaniyang ginagawa.

“Iho?” Napaangat ng tingin si Jeje, nagulat pa ito nang makita ang tatlong hindi pamilyar na lalaki sa kaniyang harapan. Maaaring sila ang pinagkakaguluhan ng kanilang kapitbahay, isip niya.

“Po? Anong kailangan nila?” magalang na tanong ni Jeje sapagka't bigla siyang nakaramdam ng takot nang makita ang dalawang kasama ng lalaki na may nakatagong baril sa kanilang tagiliran. Sa kaniyang isip ay wala siyang laban dito.

Ano nga ba naman ang magagawa ng isang batang katulad niya.

“Ito ba ang bahay ni Safira Ellison?” tanong ng lalaki. Kumunot ang noo ni Jeje at inalala kung saan nga ba niya nakita ang lalaki. Parang pamilyar ito sa kaniya.

Bumalik siya sa kaniyang sarili nang mapagtantong hindi pa pala niya nasasagot ang tanong ng lalaki.

“Ito nga po. Sino po sila?” balik tanong niya. Napapalakpak si Jeje nang maalala na niya kung sino ang kahawig ng lalaki. “Si master pogi!” isip niya.

“Gusto ko sanang makausap ang ate mo. I'm the father of Apollo.” Hindi nga siya nagkamali at ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang ama ni Apollo Fuevos.

Nagdadalawang isip si Jeje kung papapasukin ba niya ito gayong nahihiya siya sa estado ng kanilang bahay at natatakot ito baka anong gawin nila sa kaniyang ate Safira.

“Nasa loob po si ate pero dapat ikaw lang po ang pumasok!” paniniguro ni Jeje.

Tumango ang nasabing ama ni Apollo. Isinandal muna ni Jeje ang walis sa puno ng bayabas at sinenyasan ang lalaking sumunod sa kaniya habang naiwan naman sa labas ang dalawang gwardiya nito katulad ng gustong mangyari ni Jeje.

Naabutan nila si Safira na nakaupo sa nag-iisa nilang monobloc chair habang wala sa sarili. Mugto ang mata nito at namamayat nadin, resulta ng kaniyang hindi pagkain ng tama.

Nakaramdam ng awa ang ama ni Apollo nang makita ang dating nobya ng anak. Alam niya ang pinagdadaanan ng dalagita sapagkat nakwento na sa kaniya ni Apollo ang nangyari.

Tinapunan ni Safira ng tingin ang ama ni Apollo ngunit agad din itong umiwas na para bang wala siyang nakitang panauhin.

“Kakausapin ko muna ang ate mo iho. Okay lang ba?” pakiusap ng lalaki.

Biglang naalerto si Jeje. “Siguraduhin niyo lang po na hindi niyo sasaktan ang ate!” wika niya sabay pakita ng muscles niya.

Tumango na lamang ang lalaki. Umalis na si Jeje ngunit palingon-lingon parin ito sa direksiyon ng lalaki at ng kaniyang ate.

Alam ni Safira kung sino ang taong nasa kaniyang harapan ngunit mas pinili niyang manahimik. Wala siyang lakas na magsalita at makipag-away. Nais lamang niyang manahimik hanggang sa unti-unting kunin ng panahon ang sakit sa kaniyang puso.

Hindi alam ng ama ni Apollo kung saan siya magsisimula. Sa isip niya'y kailangan niyang mag-ingat sa mga salitang papakawalan niya lalo na't alam niyang mabigat ang pinagdadaanan nito.

Tumikhim ito ng dalawang beses at huminga nang malalim. “Safira iha, ako ang ama ni Apollo.” Sandaling napatingin sa kaniya si Safira nang madinig ang pangalan ng taong pilit niyang kinakalimutan.

“Nandito ako upang humingi ng tawad sa nangyari. Sa ginawa ng asawa ko, at sa lahat-lahat.” Gustong-gusto ni Safira na sumbatan ito ngunit wala siyang lakas.

“May pera akong ibibigay saiyo iha. Alam kong mahirap ang buhay niyo ngayon. Nais ko lamang na tumulong sana saiyo.

Sana maintindihan mo rin na... Nagawa lamang iyon ng mommy ni Apollo dahil unti-unti nang bumabagsak ang kompanya namin.” Tumigil ito sa pagsasalita at inalala ang kanilang kompanyang malapit na ngang mabankcrupt.

“At ang tanging magagawa lang namin ay ang sundin ang hininging pabor ng pamilyang Emmerson. Ang makasal si Joy at si Apollo. Sana'y maintindihan mo Safira. Umatras si Joy sa kasalan kaya ang isang kakilala namin ang dapat pakasalan ni Apollo.” saad nito.

May kinuha siya sa kaniyang bag. Isang sobre ng pera, inilagay niya ito malapit kay Safira. Hindi niya alam kung nakikinig ba ang dalagita o tuluyan na ngang nawala sa sarili.

“Ikanalulungkot ko ang sinapit ng aking apo. Pinapasabi rin ni Apollo na mag-ingat ka palagi at ingatan mo ang iyong sarili!”

Humakbang na papaalis ang ama ni Apollo habang naiwan si Safira na tulala sa kawalan. Sa oras na natanaw niyang nakalabas na  ang ama ni Apollo ay tsaka pa tumulo ang kaniyang luha.

Dali-daling pumasok si Jeje nang madinig ang hikbi ng kaniyang ate. Agad niya itong niyakap at nag-alala pa siya kung bakit umiiyak na naman ito.

“Ate anong ginawa niya sa'yo sinaktan kaba niya?” nag-aalalang tanong ni Jeje sa kaniyang nakakatandang kapatid.

Niyakap ni Safira ang kaniyang kapatid. Napatingin siya sa kaniyang kapatid na ngayon ay alalang-alala sa kaniya.

Unti-unti niyang napagtanto na mali ang kaniyang ginawa. Mali ang pagmukmok niya sa kaniyang kwarto. Hindi man lang niya naisip na narito pa ang kaniyang kapatid na handang umalalay sa kaniya sa kabila ng lahat.

“Patawarin mo ako Jeje. Hindi na ulit ako mawawala, babalik na ang dati mong ate.”

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon