“Mommy saan po tayo pupunta?” Mula sa daan ay nabaling ang tingin ko sa aking anak.“Pupunta tayo sa Warriors Orphanage anak!” tugon ko. Kumunot naman ang noo nito.
“What we are going to do there mom?” she asked innocently. Nginitian ko siya. “Anak we will donate some toys and foods for them!” salaysay ko.
“Oh? Really mom? So we're like angels?” Marahan akong tumango. Tumingin siya bintana at masayang kumanta. Nagustuhan niya yata ang puputuhan namin ngayon.
Mikyla Jiesel Ellison, siya ang batang inampon ko mula sa Warrior Orphanage. Its been 4 years at hindi na ako nakapag asawa.
Napalapit ako sa mga bata dahilan nadin siguro sa wala naman akong gagastusan sa mga kinikita ko. Nagtayo ako ng mga shelter para sa mga batang kalye. Lagi akong pumupunta sa mga orphanage and that's the history bakit ko nakita si Mikyla.
She's a very smart kid at the same time sweet. Kahit bata pa ito'y ang dami niya ng nalalalaman sa buhay.
“Nandito na po tayo!” she excitedly announced.
Agad nagsilabasan ang mga bata. Lumabas ako at kinuha muna si Mikay.
“Hi kids!” bati ko sa kanilang lahat. Excited silang yumakap saakin habang si Mikayla naman ay enjoy na enjoy na nakikipaglaro sa mga bagong batang nakilala niya. I'm glad that she's friendly.
“Safira!” Nabaling ang tingin ko kay sister Lisa.
“Magandang umaga po sister!” bati ko. Ngumiti ito saakin. “Masaya ako't nakabalik kang muli rito?”
Dahil sa pabalik-balik na ako sa lugar na'to ay naging kaibigan ko narin ang mga madre.
“May dala po ako para sa mga bata!” masayang wika ko. Natuwa naman si sister Lisa sa sinabi ko.
Nagtulong kami sa pagdala ng mga pack lunch at mga laruan papasok. Lahat ng mga bata ay excited na pumila nang ianunsiyo kong bibigyan sila. Nakaugalian na kasi nilang pumila sa tuwing namimigay ako.
Bigla kong naalala na may pupuntahan pala ako.
“Sister Lisa gustuhin ko man pong manatili pero may pupuntahan pa po kami ng anak ko!” saad ko.
“Maraming salamat talaga Safira. Isa kang tunay na hulog ng langit. Ang Panginoon na bahalang bumawi sa kabaitan mo!” Ngumiti ako. “Walang anuman po 'yon!” tugon ko.
Kumaway ako sa mga bata bago tuluyang umalis. Ayaw pa sanang umalis ni Mikayla sapagkat naenjoy niya na ang maglaro kasama ang mga bata.
“Mom kailan po tayo babalik?” tanong ni Mikyla.
“Sa susunod na linggo anak. For now pupuntahan muna natin ang lola mo, okay?” Tumango lang si Mikayla.
Nakarating kami sa sementeryo na tulog na siya. Napatitig ako sa anak ko, aalagaan ko siya katulad ng pag-aalaga ni mama saakin. Hindi man siya ang tunay kong anak at hindi man ako ang nagluwal sa kaniya ako parin ang tatayong nanay niya. Everyone can be a mother.
Hinaplos ko ang noo niya at pinahiran ito dahil namamawis na. Pawisin pa naman ang ilong nito. Napangiti ako, she's like an angel.
Ilang sandali pa ay naalimpungatan na ito. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mata. “Mommy?” bungad niya. Ngumiti ako sa kaniya, hindi na yata mawala ang ngiti ko sa labi simula nang dumating siya sa buhay ko.
“We will visit Lola na?” Marahan siyang tumango. Lumabas na ako at agad ko naman siyang ikinarga.
Pumasok kami sa sementeryo. Medyo hiningal pa ako pagkadating namin sa harapan ng puntod ni mama.
“Hi ma!” panimula ko. Nakatitig lamang si Mikayla sa puntod ni Mama.
“Kasama ko po pala ang apo niyo!” dagdag ko. Winagayway naman ni Mikayla ang kamay niya sa harapan ng puntod.
“Kumusta kana diyan sa langit Ma? Maganda ba diyan? Miss na kita Ma! Madami narin ang nangyari sa buhay ko simula noong nawala ka. Matanda na po ako at si Jeje naman ay unti-unti na niyang tinutupad ang mga pangarap niya. Natupad ko na po lahat ng pangarap natin Ma!” Pinahid ko ang luha ko. “Akala ko po talaga noon na wala ng saysay ang buhay ko pero tignan niyo po ako ngayon Ma, natupad ko na lahat ng pangarap ko.”
Hindi ko naman matutupad ang lahat ng 'to kung hindi ko pinagdaanan ang mga' yon. Ang reyalidad ay hindi palaging makukuha mo ang gusto mo. Hindi pang fairytale ang buhay ko, hindi ako mayaman at hindi maganda ang mga napagdaanan ko pero isa lang ang napagtanto ko sa lahat ng mga nangyayari, there's a hope beyond deprivation if we continue fighting. Storms are not permanent and there's a rainbow after the rain.
Masaya ako at madami akong natutunan. Hindi ko rin pinagsisihang nakilala ko si Apollo dahil isa siya sa mga taong ginamit ng Diyos. Marami siyang tinurong aral sa akin na hanggang sa aking pagtanda ay madadala ko.
I've lost my child, my mom and even my first love. Hindi madali at nakakabaliw ang mga pangagayari. Nagulat ako at hindi makapanilwala. Once I asked myself, nangyayari ba talaga ang lahat ng 'to? But still at the end of the day I understand the purpose of everything. I understand His purpose at dahil doon mas lalo pa akong napalapit sa kaniya then I realised that all this time I'm not alone. I am now better and strong than before. Storms no longer scare me but what scares me is that being lost in His presence again.
I let go of my past. I moved on and now I can say that I finally found the real joy I'm seeking. The world will offer you the happiness but only God can give you the pure Joy that will indeed heal your emptiness.
I remember there's a quote I've read somewhere saying, “Happiness is a choice, not a result. Nothing will make you happy until you choose to be happy. No person will make you happy unless you decide to be happy. Your happiness will not come to you. It can only come from you.”
Live your life happily!
This is Safira Ellison and I believe that there's hope beyond deprivation!
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
Novela JuvenilHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...