~~~~~~~~ CHAPTER 6 ~~~~~~~~
Tapos na ang working hours. Lumabas na sila France sa hospital at sinalubong sila ng isang bata na may dalang piraso ng rosas.
“Ate, sayo daw to o.” iniabot nito sa kanya ang bulaklak.
“Ha? Sino nagpabigay?” tanong niya sa bata na siguro’y nasa siyam na taong gulang palang. Sa itsura nito, mukhang namamalimos ito sa tabing daan at napag-utusan lang. Tinanggap naman niya ang rosas.
“Yung poging lalaki po. Ayun o.” tinuro nito ang lalaking nasa tabi ng isang kotse. Si Ryan na may hawak ng isang boquet ng roses.
“Ganon ba,” kinuha niya ang mamon na nasa bag at binigay dito, “Sige sayo na ito. Ubusin mo ha.” sabi niya dito. Imbes na barya, nakaugalian na niya ang magbigay ng pagkain sa mga batang nasa lansangan.
“Salamat ate!” masayang sabi ng bata at umalis na. Siya namang lapit ni Ryan sa kanila.
“France, mahal, para sa’yo.” iniabot nito ang bugkos ng bulaklak.
“Bakit ko tatanggapin ‘yan?” tanong niya dito nang may pagtataray.
“Kasi ikaw lang naman ang mahal ko. Gusto ko sanang bigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag.” parang sincere naman nitong sabi.
“Hay nako. Magpaliwanag ka na habang may oras pa.” sabat ni Kaye na kumikilos na tila walang halaga ang sasabihin ni Ryan.
Tumingin si Ryan kay Kaye pagkatapos ay nagpakawala ng isang buntong-hininga.
“Pinilit lang ako ni Tricia na maging boyfriend nya ng isang linggo para tigilan na siya ng ex nya na nananakit sa kanya. Gusto ko lang siyang tulungan. Pangatlong araw lang na nagpanggap kaming magboyfriend kahapon.” kahapon kasi nila ito nahuli kasama ang babaeng iyon.
“Hindi ko na sinabi sayo kasi wala lang naman iyon. Hindi naman totoo iyon. Nakiusap siya sakin at hindi ko naman matanggihan dahil nakita ko na yung ex niya na lagi siyang sinusundan. Sorry, mahal. Hindi ko gustong saktan ka.” mahabang paliwanag nito, nagpapaawa ang mga mata.
“Sus.” bwelo ni Kaye. “Bakit ka niya sinampal kung wala lang pala ‘yon?” tanong nito, hindi naniniwala sa mga sinasabi ni Ryan.
“Nagalit siya kasi akala niya single ako. Kung alam lang daw niya na may girlfriend ako hindi niya ako pipilitin na magpanggap para sa kanya.”
“Bakit hindi mo sinabi sa kanya na may girlfriend ka nga?” si Kaye parin ang nagtatanong.
“Ikaw ba si France? Bakit ka ba tanong ng tanong?” naiirita na si Ryan kay Kaye.
“Sagutin mo nalang.” sa wakas ay sinabi ni France.
Nagulat naman si Ryan sa pagkakasabi ni France. May halong iritasyon at galit kasi ang salita nito. Halata rin sa mukha na hindi maganda ang mood nito.
“Ah, s-sige.” sabi ni Ryan sa kanya. “Hindi ko na sinabi dahil ang naisip ko lang ng time na iyon ay matulungan siya. Hindi naman masama ang intensyon ko. Pero ngayon, narealize ko na na malaki ang pagkakamali ko. Kaya humihingi ako ng tawad. Kahapon ay nag-sorry at nagpaliwanag na rin ako kay Tricia, may pagkakamali rin ako sa pagtulong sa kanya. Pero higit sa lahat, ikaw ang inaalala ko. Mahal, hindi ko magagawa iyon sayo. Mahal na mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako.” naluluha na ito sa pagsasalita pero pinipigilan lang. “Please, tanggapin mo na ito.” inalok ulit nito sa kanya ang bulaklak.
BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanfictionCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...