~~~~~~~~ CHAPTER 10 ~~~~~~~~
She decided na sabihin sa kaibigan ang katotohanan.
"Si Vincent ang ama nito." diretsong sabi niya.
"Vincent? Sinong Vincent?" may hinala man, gusto paring makasiguro ni Kaye.
"Si Doc Vin. Yung boss natin. Si Mc Vincent Del Veo. Siya ang responsable sa dinadala ko."
"Si chairman???" namimilog ang mga mata na tanong nito. Hindi na naman ito makapaniwala sa sinabi niya. "P-pano nangyari?"
Ikinuwento ni France ang nangyari noong gabi na pumunta sila sa bar. Kinwento niya lahat ng naaalala niya. Hindi naman kasi niya naaalala ang buong detalye dahil nga halos lango na siya sa alak, pero may mga pasulput-sulpot na scenes sa memorya niya.
"Hindi niya ako kailangang panagutan. May kasalanan ako sa nangyari kaya wala siyang responsibilidad sa amin." Aniya.
"Pero siya ang responsable sa anak mo, I mean anak niyo. Kung ikaw hindi niya kailangang panagutan, ang baby mo dapat niyang panagutan! Anak din niya yan 'no!"
Tama, anak din ito ni Vincent. Anak namin, pero hindi na niya siguro kailangang malaman iyon. Isang malaking pagkakamali lang naman ang namagitan sa amin.
"Masisira ang pangalan niya. Okay lang. Kaya ko namang buhayin ang bata kahit mag-isa lang ako. Mas pinoproblema ko kung paano ito sasabihin sa tatang."
Napabuntong-hininga nalang ito bago magsalita ulit. "Malaking problema nga ang kaharap mo. Malaki ang magiging epekto nito sa buhay mo."
Malaking epekto pero hindi ko iyon iindahin. Kahit malaki ang magbabago sa buhay ko o kahit isipin pa ng ibang tao na nabawasan ang moral ko, ayos lang. Basta, I will keep this baby.
"Jona, pakidala naman dito yung report sa mga accounting staff for last month," utos ni Vincent sa sekretarya gamit ang intercom. May sariling cubicle ito sa labas ng office niya. Tapos na niyang basahin ang report ng ibang department, huling set na ang sa accounting department.
"Okay, Doc."
Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto at pumasok si Jona dala ang isang makapal na portfolio.
"Ito po, Doc Vin." iniabot nito sa kanya ang dala.
"Thanks." sabi niya at sinenyasan itong lumabas na.
Parte ito ng trabaho niya bilang boss. Ang reviewhin ang performance ng mga empleyado niya.
Nakita niya ang file ni France. Binasa niya ito at natuwa sa mga nakasulat. Maganda ang report tungkol kay France. Asset daw ito ng department nila dahil bukod sa masipag at mabilis magtrabaho, siguradong maayos ang outcome ng lahat ng pinapagawa dito.
Tinitigan niya ang 2x2 picture na naka-staple sa report.
She has cute, rounded eyes. Bagay sa kanya, A real beauty.
Hindi niya kaagad napansin na napatagal na ang titig niya dito.
Matagal na rin silang hindi nagkakaharap ulit. Pero mula sa malayo, lagi nya itong tinatanaw. Gusto lang niyang masiguro na maayos ang kalagayan nito mula nang umalis ito sa hotel nang araw na 'iyon'.
Dahil sa naisip, bumalik sa ala-ala nya ang mga nangyari nang gabing iyon...
Bubuksan na sana niya ang pinto para umalis na kaso...
"Ikaw!" narinig niyang sigaw ni France. Lumingon siya rito at natawa nang makitang nakapikit parin ito.
Baka nananaginip na.

BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanfictionCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...