~~~~~~~~ CHAPTER 13 ~~~~~~~~
"ANO? PUMUNTA SIYA dito???" hindi makapaniwalang tanong ni Kaye. Sinabi na kasi niya dito ang tungkol sa pagpunta ni Vincent sa apartment niya. "Pano niya nalaman na nandito ka?"
"Sabi niya basta inalam daw niya. Akala ko nga sinabi mo sa kanya, eh."
"Hindi no! Wala akong pinagsasabihan." pagtatanggol nito sa sarili.
"At alam din niya na..." hindi na niya itinuloy ang sasabihin, sa halip ay hinawakan nalang niya ang puson niya.
"Ano???" tila nasisiraan naman si Kaye sa mga ibinabalita ni France. Napasuklay-kamay pa ito na parang sasakit ang ulo.
"Alam daw niya lahat. At alam din niya sa sa kanya itong baby."
"Umupa ba siya ng detective? Bakit ang dami niyang alam tungkol sayo, unless siya mismo ang nagmamanman sayo."
Naisip ni France na imposible 'yun.
"Sa tingin ko hindi. Pero marami siyang paraan para malaman 'yun. Malay mo pinabantayan niya ako dahil natatakot siyang ipamalita ko ang tungkol sa kasalbahihan niya."
"Pero hindi ko pa talaga maabsorb na pumunta siya dito dahil nalaman niyang buntis ka."
"Nako, h'wag mo nang pag-aksayahan ng panahon na isipin 'yan. Kung anuman ang dahilan niya, siguradong para 'yun sa sariling ikabubuti niya."
Mariin ang paniniwala ni France na gusto lang siyang manmanan ni Vincent para sa sarili nito, para masiguro nito na hindi siya gagawa ng issue o paninira lalo na ngayong buntis siya at ito ang ama.
"MAY TAO ba diyan?" sabi ng pamilyar na boses lalaki sa kabilang linya.
"Ha? Sino ka ba?" tanong niya kahit may kutob naman siya kung sino ito.
"Si Vincent 'to, I'm on my way." sagot nito.
"San mo nakuha number ko? At on the way saan?" takang tanong niya sa pinagsasabi nito.
"D'yan sa apartment. May tao ba diyan?" ulit nito sa unang tanong.
"Wala, kakaalis lang ni Kaye. Bakit ka pupunta dito? Manggugulo ka-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nitong pinatay ang phone.
"Bastos, pinatayan ako." inis niyang sabi.
TOK! TOK! TOK!
Napalingon siya sa pinto.
Bumalik ba si Kaye?
Mabilis siyang lumapit sa pintuan para buksan ito.
And as usual, nagulat na naman siya nang makita si Vincent sa harap niya. "Ikaw?!"
"Oo, di ba tumawag pa ako." sabi nito.
"Sabi mo on the way ka palang." kunot-noong sabi niya.
"At nandito na ako! Tadda!!" sabi ni Vincent na parang naghihintay ng welcome hug dahil nakabukas ang mga braso nito.
Tinaasan lang siya ni France ng kilay.
"Wala man lang pa-welcome." tampong sabi nito at basta nalang tumuloy sa loob ng bahay.
"Welcome'in mo muka mo." napaka-unfriendly ng tono ni France.
"Ang sungit mo talaga. 9 months ka bang ganyan? Tsk."
BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanfictionCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...