Chaper 15

25 0 0
                                    

~~~~~~~~ CHAPTER 15 ~~~~~~~~

HINDI MAIWASANG maisip ni France ang tungkol sa set-up nila ni Vincent. Parang mali talaga, eh.
Nagmumuka kaming mag-asawa samantalang hindi naman kami kasal. Ni wala nga siyang gusto sa akin.
E ikaw, gusto mo ba siya? Piping tanong ng kabilang parte ng isip niya.
Hindi, ah! Defensive na sagot ng kabila.
Sus. E bakit parang nanghihinayang ka pa na wala man lang siyang gusto sayo?
Hindi ako nanghihinayang at hindi ko siya gusto. Gumaan lang ang loob ko sa kanya dahil mabait ang mga pinapakita niya ngayon!
Nagtatalo ang magkabilang parte ng isip niya. Pati sarili kasi niya ay di na niya maintindihan minsan.
“Anong iniisip mo?” tanong ni Vincent. Kanina pa ito nakatingin sa kanya at nalilito rin kasi ito sa pabago-bagong reaction ng itsura nya kahit wala naman siyang kausap.
“Ha? Ah, wala!” sagot niya.
“Halatang meron. Share mo naman!”
“Wala nga, eh. May dumaan lang kanina sa isip ko.”
“Ano yung dumaan?” makulit nitong tanong.
“Ang kulit mo, wala ‘yun. Wag mo nang pansinin.”
“Ang hilig mong magsabi ng wala kahit meron naman. Tulad nung nagtago ka sa CR.” natatawang sabi ni Vincent.
Namula naman si France sa sinabi nito. Pinaalala pa nito ang katangahan niya noon.
“Okay, sasabihin ko na.”
“Makikinig ako.” lumapit pa ito sa kanya at pumormang interesado sa mga sasabihin niya.
“Hindi ka ba naiilang sa set up natin?” tanong niya.
Kumunot ang noo ni Vincent, “Anong nakakailang?”
“I mean… Arrh!” nahihiya siyang sabihin ang nasa isip.
Parang nabasa naman ni Vincent ang nasa isip niya, “Okay, huwag mo nang sabihin.” sabi nito.
“Nagets mo na?” tanong niya.
Tumango si Vincent at sinabing, “Kung naiilang ka dahil magkasama tayo dito sa apartment mo, hindi mo na kailangang mag-alala.”
Na-curious naman ngayon si France at hindi maintindihan ang gusto nitong i-point out. “Panong hindi na dapat mag-alala?”
“Kung nag-aalala ka sa iisipin ng mga tao, pwede naman nating sabihin sa kanila na live-in palang tayo and when you deliver the baby, that’s the time na magpapakasal na tayo.” parang balewala nitong sabi.
“A-nong si-na-sa-bi mo?” mabagal na tanong ni France. Tila hindi nito nagustuhan ang ideya ni Vincent.
“That simple. Live in for now, then wedding tomorrow.”
“Ganon lang kadali ‘yon para sayo?” hindi makapaniwalang tanong ni France. Hindi niya lubos maisip na ganito lang kababaw ang tingin ni Vincent sa matrimony ng marriage.
“At least wala ka nang problem when it comes with your dignity. H’wag kang mag-alala, pwede naman kitang pakasalan talaga para na rin hindi lumaking bastardo ang anak ko.”
Ouch!
Sobrang sakit nun, ah.
He said it clear. Pwede niya akong pakasalan para maitago ang kahihiyan ko at para lang mabigyan ng pangalan ang magiging anak niya sa akin.
Hindi na kinayang magsalita ni France. Sinampal na siya ng katotohanan na iyon lang ang kayang i-offer ni Vincent sa kanya.
Pero kung tutuusin dapat na nga siyang magpasalamat dahil hindi nito aabandunahin ang anak sa kanya at ililigtas pa siya sa posibleng kahihiyan. Pero hanggang doon lang. Hanggang papel lang.
Bakit, France. Umaasa ka na ba ngayon na higit pa roon ang i-offer ni Vincent? Na paninindigan ka talaga niya? Na magugustuhan ka niya at eventually, mahalin?
Natawa siya ng mapait sa sariling naisip. Siguro’y masyado ng naapadalas ang pag-iisip niya. Baka nakakasama na ito sa utak niya.
“France?” tanong ni Vincent.
Bumalik ang isip niya sa katotohanan. Oo nga pala at may itinatanong ito sa kanya.
“Ah, sumasakit ang ulo ko,” pagsisinungaling niya, “Okay lang ba magpahinga na ako?” matamlay na nagtanong pa siya pero naglakad na siya palayo rito.
Tiningnan lang siya ni Vincent at hindi na sinubukang habulin o samahan siya. Dahil ito mismo, may malalim na naiisip. Parang ngayon lang niya narealize ang deeper meaning ng mga nasabi niya.
Ubod ka ng tanga, Vincent! Kung anu-anong sinasabi mo nang hindi mo pinag-iisipan. Napakayabang mo kasi, akala mo kaya mong solusyunan lahat!
Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa katangahan niya.
Alam ko nasaktan ko ang ego niya.
Naalala ni Vincent ang isinagot nito sa kanya dati noong sabihin niya na pananagutan nalang niya ito …

“Ano? Ganon lang ba kadali yon? Ganoon lang ba kasimple ang magpakasal para sa ‘yo?”

…Sa tono ni France noon, naramdaman ni Vincent na nasaktan ito dahil parang hindi niya pinapahalagahan ang sacrament of marriage.
Hindi totoo ‘yun. Malaki ang respeto ko sa kasal. Pero hindi ko rin alam kung bakit sinabi ko ‘yun sa ganoong paraan. Parang hindi naman ako nagsisi sa mga sinabi ko noon, eh.

The Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon