~~~~~~~~ CHAPTER 14 ~~~~~~~~
"Anyway, I'll go straight to the point. I want the two of you get married. ASAP." mariing sabi ng dad niya.
Just as I thought. Naisip ni Vincent.
Tila inaantok ang mga matang tumingin siya sa babaeng katabi niya.
Maganda naman ito. Kitang-kita ang kinis ng malaporselanang balat dahil sa sexy dress na suot nito. Halata rin na gusto siya nito.
But sad to say, wala itong dating sa kanya.
Para kay Vincent, parang nakasalubong lang niya ito sa daan at hindi kapansin-pansin kahit na nga nag-effort ito sa itsura nito ngayon.
"Dad, I don't have time for this." Vincent simply declared.
Dahil sa sinabi niya, parang puputok ang ugat ni Samuel sa sintido. Pero mabilis nitong pinigil ang galit at huminga muna ng malalim bago nagsalita muli.
"Son, you're not getting any younger. You're already thirty kaya dapat lang na maisip mo ang pagpapamilya." mahinahon nitong sabi.
"Dad, I'm ONLY thirty. I don't need to rush things, especially settling down." sabi rin niya na binigyang diin ang salitang only.
"Alam mo, anak. Mahina na ako, anytime ay pwede na akong mawala. Bago mangyari iyon, gusto ko namang makita na nasa maayos kang kalagayan. May pamilya at may mga anak. You know, I can't wait to see my grandchildren from you. You're my unico hijo, kanino pa ba ako hihiling?" talagang pinagbubuti ni Samuel ang pagpilit sa anak.
Naaliw naman si Vincent sa mahabang sinabi ng ama niya.
Ngumiti siya at nagsalita. "Sino ba'ng may sabi na wala akong planong magpamilya? Ayoko lang madaliin pero pwede naman kung gugustuhin ko. I actually have a girlfriend."
Ang totoo, sinasabi lang niya ito para patahimikin ang ama sa pagpilit sa kanya at para na rin ipakita na hindi nito kailangang kumuha ng babaeng ipapakasal sa kanya. Lalo at hindi naman niya gusto.
Nakita niya na hindi na maipinta ang hitsura ni Jessica matapos niyang sabihin na may girlfriend siya. Tila nainis ito dahil nagmukha itong cheap sa harap ng mag-ama.
Nagulat naman ang matanda sa sinabi niya. Pero umaliwalas din ang mukha nito. "Talaga? Hindi mo yata naikwento sa akin ang tungkol sa babaeng iyon." natutuwang sabi nito.
"Ah, excuse me Tito Samuel. I forgot I have an appointment to attend." palusot ni Jessica at sopistikadang lumakad palayo sa kanila.
Nang umalis ang bisita nila, itinuloy ng mag-ama ang pag-uusap.
"Well, hindi pa naman kami matagal pero I think she's the type of a woman na seseryosohin ko." simpleng sabi niya.
"Saang pamilya ba siya galing?" agad ay tanong nito.
Ayun na nga. Tulad ng inaasahan, hindi maiiwasan na pag-usapan ang estado ng buhay ng babaeng mapapangasawa niya, kung sakali.
Walang maisip si Vincent na family background ng imaginary girlfriend na inimbento niya. Nag-panic tuloy ang utak niya. Hindi niya ito napaghandaan.
Wala naman kasi siyang girlfriend o dine-date ngayon. Nabuntis meron. Pero syempre hindi niya muna sasabihin iyon sa ganitong usapan.
Si France! Ano ba ang tungkol sa kanya? Pambihira, wala rin pala akong ideya sa pagkatao niya. Ito nalang sana ang pagbabasehan niya ng description na masasabi kay Samuel.

BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanficCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...