Chapter 1

63 2 0
                                    

~~~~~~~~ CHAPTER 1 ~~~~~~~~

 “MAHAL, SUSUNDUIN KITA, ha. Just wait for me,” sabi ni Ryan sa kabilang linya.

“Okay, mahal” sagot naman ni France habang naka-ipit ang cellphone niya sa tainga at balikat dahil nag-aayos siya ng mga gamit sa cubicle niya.

“Naabutan kasi ako ng traffic dito sa intersection. D’yan na ko in 15 minutes.”

“No need to rush, basta mag-ingat ka. Baba mo na ‘to, nagdadrive ka pa, eh.” natatawang sabi niya.

Gumanti ito ng mahinang tawa, “Okay, mahal. Love you!”

“Love you too.” pagkasabi ay ibinaba naniya ang phone.

“Hanep! Super keso naman!” kinikilig na sabi ni Kaye na naghihintay sa kanya. Makikisabay na rin kasi ito pauwi, tutal magkadorm naman sila ni France.

“Mag-boyfriend ka na rin kasi para may sarili kang dahilan ng kilig mo!” pilyang suggestion niya.

“Nako, alam mo namang ayoko pa nang boypren boypren na ‘yan. Saka na kapag napagtapos ko na sila Mon-mon at Lily,” she’s talking about her two siblings na umaasa sa kanya para makatapos ng pag-aaral. Si Mon-mon na graduating nang high school at si Lily na grade 5 palang.

“Baka naman tumanda ka nang dalaga niyan. Matagal pa bago makatapos si Lily.” kinuha na niya ang bag niya at sumenyas na maglakad na sila.

Sumunod naman ng lakad si Kaye, “Pag nakatapos si Mon-mon pwede na kong mag-boyfriend para pag nakatapos si Lily, pwede naman na akong magpakasal. O di ba! At isa pa 23 palang naman ako, ba’t mo ba ako minamadali?”

Nginitian siya ni France, papasok na sila sa restroom.

“Kasi, masarap ma-inlove.” sabi niya with her eyes glowing. “Lalo na kung katulad ni Ryan ang makakatuluyan.” proud na sabi niya kay Kaye.

Nakakaproud naman talaga si Ryan.Maputi ito at gwapo. Makinis din ang balat nito, 5’ 11” ang height. Tama lang ang tangkad nito para sa kanya. Higit sa lahat; mabait, masipag, magalang at mapagmahal, lalo na sa pamilya at mga kapatid.

“May oras para diyan. Saka hindi naman ako nagmamadali no. Nakakatakot din kasi magkamali. Ikaw, malay mo hindi pa pala si Ryan ang para sayo.”

Nagulat naman siya sa sinabi ng kaibigan, “Three years na kami ni Ryan. Mahal namin ang isa’t-isa. Mabait siya, masipag at higit sa lahat, iginagalang niya ako bilang babae. Aba, bihira na yata ang ganoon ngayon. Gentleman by all means!”

“Kunsabagay.Edi ikaw na masaya!” pabirong sabi nito.

Nag-ayos mabuti si France. Sinuklay ang lagpas bewang at natural straight na buhok at nilagyan ng clip. She also applied some powder and lipbalm. Simpleng mukha ng kagandahan pero walang makakatanggi na head-turner siya. Makinis at maputi ang balat na parang koreana but she is a full Filipino. Bisaya ang ama at Manileña ang ina, at tulad ni Kaye, may dalawang kapatid din siya na kailangan niyang pag-ipunan ang pang-college.

Si Kaye naman ay may ganda at kutis chinita. Obviously, singkit ang mga mata niya at sutla ang makinis na balat. Maganda rin siya kahit maikli lang ang buhok. May pagkaboyish kasi ito pero sa kabila noon, marami parin itong manliligaw tulad ng bestfriend niya.

Lumabas na sila ni Kaye para hintayin si Ryan sa tapat ng Hospital na pinagtatrabahuhan niya bilang accountant. Maya-maya pa’y may bumusina nang kotse papalapit sa kanila. Ang Honda Civic ni Ryan na pinag-ipunan nito mula nang magkatrabaho.

The Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon