~~~~~~~~ CHAPTER 8 ~~~~~~~~
"Mahal, anong date ang gusto mo?" tanong ni Ryan sa kanya. Kasalukuyan silang nagpaplano para sa kasal nila.
"Kahit ano," sabi lang niya.
Tinitigan siya ng nobyo dahil naninibago ito sa kanya. Naisip tuloy ni Ryan na baka hindi pa siya napatawad nito ng buo.
"Bakit parang ang tamlay mo? May sakit ka ba, mahal?" hinawakan pa nito ang noo niya para tingnan kung mainit. "Wala ka namang lagnat." sabi nito.
"Masakit lang ang ulo ko, pasensya na."
"Okay lang. Magpahinga ka kaya muna? Sa susunod nalang ulit natin ituloy yung pagpa-plan?" suggest nito.
"Mabuti pa nga siguro, hindi ako makapag-isip sa sakit ng ulo, eh. Pasensya na talaga, mahal."
Matamlay itong ngumiti. "Tara na, ihahatid na kita." alok nito at sumunod naman siya.
Ang totoo, hindi naman talaga masakit ang ulo niya. Wala lang siya sa focus para mag-isip ng mga detalye para sa kasal nila. Madami siyang naiisip na hindi naman niya dapat bigyan ng panahon para isipin.
Aminado siya, si Vincent ang kadalasang laman ng isip niya ngayon. Dahil sa galit at inis na nararamdaman niya dito. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit sa utak niya ang scenario ng mga pagkikita nila. Noong birthday niya, noong ipakilala na ito bilang boss nila at yung nangyari kagabi.
Mali 'to. Kahit ano pang dahilan, hindi ko dapat siya iniisip. Pati pagpaplano namin ni Ryan sa kasal namin naaapektuhan.
Alam niyang nalungkot si Ryan kanina dahil hindi naging maayos yung pagpaplano nila. Kaya naman nakaisip siya ng paraan para makabawi sa nobyo.
"BESS, SAMAHAN mo 'ko." kausap niya ito sa phone dahil may pasok ito ngayon.
"Basta after work. Saan ba?" tanong nito.
"I-surprise ko sana si Ryan. Nasira ko kasi yung date namin kanina kaya babawi ako. Dadalhan ko lang siya ng mango float." kasalukuyan na nga siyang naghihiwa ng mangga para sa graham cake mango float na madalas niyang ibigay kay Ryan.
"Sige bess, walang problema."
"PANO MO ba nasira ang date nyo?" tanong ni Kaye. Nasa taxi sila papunta sa condo unit ni Ryan.
"Wala kasi ako sa focus kanina. Hindi ako makapag-cooperate ng maayos sa pagpaplano namin." paliwanag niya.
"Sino ba kasi ang iniisip mo?" pilyang tanong nito.
Naamoy kaagad ni France ang gustong iparating ng kaibigan.
"Anong sino? Wala lang talaga ako sa mood kanina. Masama pakiramdam ko." pagsisinungaling ulit niya.
"Ngayon ka lang nawala sa mood sa date niyo ah. Baka naman naiisip mo si..."
"Kaye."
Hindi na sumagot si Kaye dahil tinawag na siya ni France sa pangalan, pero halatang gusto nitong tumawa sa reaksyon ng kaibigan.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin sila sa building kung saan naroon ang condo unit ni Ryan.
Masaya silang nagkukwentuhan habang nasa elevator. Excited na rin si France na makita ang fiancé at ibigay ang ginawa niyang graham cake. Medyo matagal na rin kasi mula nung huli niya itong iginawan nito.
BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanfictionCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...