CHAPTER 12

22 1 0
                                    



                                                   ~~~~~~~~ CHAPTER 12 ~~~~~~~~



"Gabi na, dito ka na magpalipas." nakatulala parin nang magsalita si France.

Mabilis pa sa alas kwatrong bumalik ito sa tabi niya. "Sabi mo, eh!" tuwang-tuwa nitong sabi.

Lumingon si France kay Vincent, "Umayos ka, ah." nagbabanta ang mata niya.

"Yes boss!" sabi nito at sumaludo pa. Hindi mawala ang tuwa sa mukha.

TINURO NI FRANCE ang isang kwarto, "Doon ako, at ikaw dito." nagbigay siya ng konting instructions kay Vincent. "H'wag kang pupunta sa personal place ko."

"Dito lang ako matutulog sa sofa? Parang hindi ako kasya." nailing na sabi ni Vin habang nakatingin sa kawawang sofa. Nakikita na niya ang kawawang future niya habang natutulog dito. "Hindi ba pwedeng tabi nalang tayo?" nakakunot pa ang noo niya.

Tinarayan na naman siya ni France. "Sabi ko umayos ka." with a serious aura.

"Oo na, boss." kinuha nito ang unan na iniabot ni France tapos ay inilagay ito sa sofa.

Then he unbuttoned his polo. Kaya naman biglang tumalikod si France.

"O bakit?" tanong ni Vincent.

"Wala." namumulang sabi niya. Buti nalang nakatalikod siya kaya hindi ito nakikita ni Vincent.

"Matutulog na ako." sabi nito at humiga na sa sofa. Nakasando naman ito at hindi na tinanggal ang pants. Polo, sapatos at medyas lang ang tinanggal nito para kahit papaano ay kumportableng matulog.

Lumingon na ulit si France, "Ah, sige." sabi nito na hindi nakatingin sa mata ni Vin.

Lumakad na siya papasok sa kwarto. Nilock ito at nahiga na sa kama.

Ano bang ginawa ko? Dapat hinayaan ko nalang siyang umuwi. Ang awkward na nandito siya.

Pero kawawa naman siya. Malayo ang Quezon City dito sa Tagaytay. Gabi na rin, delikado na. Sana nalang paggising ko nakaalis na siya.

Halos isang oras na siyang nakahiga nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Malamang si Vincent ito.

"France, tulog ka na?" narinig niyang nagsalita mula sa labas.

Hindi muna siya sumagot.

"France?" ulit nito.

Maya-maya'y hindi na ito nagsalita. Inisip nalang siguro nito na tulog na siya.

Lumipas ang kalahating oras at hindi parin siya makatulog.

Bakit kaya niya ako tinatawag?

Tumayo siya at lumapit sa pinto.

Titingnan ko lang kung tulog na siya.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at humakbang palapit sa lalaking pilit pinagkasya ang katawan sa maliit sa sofa.

Mukhang nakatulog na nga si Vincent. Kawawa ang ayos nito. Hindi magkasya sa sofa. Napakatangkad naman kasi. Nakataas ang hita nito at nakalaylay ang paa sa dulo ng sofa. Pinandagdag unan ang isang braso. Ang kabilang braso naman ay nakatakip sa mata nito.

Sorry, wala kasing isa pang kwarto. Nangingiting sabi niya sa isip. Nakakaawa ito pero nakakatuwa dahil napagtyagaang gawing higaan ang sofa niya.

The Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon