~~~~~~~~ CHAPTER 9 ~~~~~~~~
"Aaaaaaaaaaaaah!!!" tili niya at pinaghahampas ang lalaking nakadapa sa tabi niya. "Walanghiya ka! Aaaaaaaaah!!!"
Naalimpungatang bumangon si Vincent, "Aray, a-aray ano ba!" at sinubukang pigilan ang nagwawalang babae.
Nahawakan ni Vincent ang kamay niya at doon lang naisip ni France na tingnan ang sarili, tama ang hinala niya. She's also naked.
"AAAAAAAHHHHH!!!! Hayop ka talaga! Bastos! Wala kang ginawa kundi bastusin ako!!!" lalong nagwala si France.
"Ano ba? Hwag mo kong hampasin!" dahil nasasaktan na rin, nilagay niya ang dalawang kamay ni France sa likod nito at hinawakan ng mahigpit.
"Bitiwan mo ko! Rapist ka!" naiiyak na sigaw niya. "Anong ginawa mo sakin, bakit ako walang... w-walang damit!" gusto mang manghampas ay hindi na nito magawa.
"Bakit walang damit? Nag-jack en poy tayo." pagloloko nito.
"Hayop ka! Sinira mo'ng iniingatan kong prinsipyo!" naghihinang sabi niya.
Wala na. Wala na ang iniingatan ko. Ipinagkait ko sa fiancé ko pero basta nalang nakuha ng hayop na 'to ang dangal ko! Anong klaseng babae ba ako?! Naiiyak niyang sabi sa sarili.
"Teka, wala kang natatandaan?" seryosong tanong nito at unti-unting lumuwag ang pagkakahawak sa mga kamay niya.
"A-anong... anong ibig mong sabihin?" curious na tanong niya sa pagitan ng pag-iyak.
"Hindi mo naaalala kung paano tayo umabot sa ganito?"
"Walangh'ya ka, magwawala ba ako kung alam ko!" dahil nakawala na ang kamay niya, hinampas niya ulit ito sa dibdib at mukha.
Pero mabilis din nakuha ni Vincent ang mga kamay niya at tila nakaposas siya nitong hinawakan sa tapat ng dibdib niya.
"Bastos ka talaga!" sigaw ulit ni France nang maramdaman ang kamay nito na dumidikit sa dibdib niya.
"Sorry! Ayaw mo kasing kumalma, eh."
"Pano ako kakalma? Sinira mo ang buhay ko!!!"
"Hindi ko ginawa iyon! Kung gusto mo pananagutan nalang kita para matahimik ka na! Ikaw 'tong pumilit sakin na may mangyari tapos ngayon sisigawan mo ko? Malay ko bang virgin ka pa!"
Namula naman si France sa hayagang sinabi ni Vincent. Hindi siya makapagsalita.
"Sorry... Kung gusto mo pananagutan kita." suhestyon nito.
"Ano? Ganon lang ba kadali yon? Ganoon lang ba kasimple ang magpakasal para sa 'yo?"
"Kesa naman magwala ka at baka masiraan ka ng bait kakaisip sa pagkawala ng virginity mo."
"Bitawan mo ko."
"Ayoko, hahampasin mo na naman ako."
"Bitawan mo sabi ako eh!" mas malakas niyang sabi saka tumingin ng matalim kay Vincent. "Uuwi na ko!"
Binatawan siya ni Vin. Kinuha niya ang kumot at itinakip sa katawan.
"Di mo na kailangang gawin yan, nakita ko na 'yan eh."
Umamba ng suntok si France.
"O, biro lang!" mabilis na sabi ni Vincent at umilag.
Nagbibihis si France nang magsalita ulit si Vin.
"Ihahatid na kita. Hindi mo kasi sinabi ng maayos ang direction ng bahay mo kaya dito kita nadala."
"Hindi na. Marunong akong umuwi."

BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanfictionCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...