CHAPTER 2

80 4 0
                                    

~~~~~~~~ CHAPTER 2 ~~~~~~~~

“Dr. Samuel Del Veo, our chairman, the owner of this institution was unfortunately diagnosed with pancreatitis. He needs to have enough rest.” Malungkot na balita sa kanila ni Mrs. Jas, ang head ng Accounting Department.

Matagal na nilang nababalitaan na hindi maganda ang kundisyon ng Boss nila pero hindi nila akalain na aabot ito sa pagkakataong hindi na ito makakapamahala ng maayos.

“Eh mam, sino na po ang mamamahala ng hospital?” tanong ni Craig, katrabaho nila.

Sabagay, hospitals are considered as companies. Hindi pwedeng mabakante ang pwesto ng boss nila.

“Eto nga ang mas malaking balita. Iba muna ang makakasama natin bilang chairman. Ang anak ni chairman Samuel. Si Dr. Mc Vincent Del Veo.”

“Parang ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. May clinic o nag-reresident ba siya dito?” si Craig parin ang nagtanong.

“Sa pagkakaalam ko wala at hindi. Wala siyang clinic dito at hindi pa siya naging resident doctor dito. Sa Boston niya nakuha ang pagiging MD niya pero pagkauwi dito ay nag-aral siya for management sa kagustuhan na rin ni chairman.

“Anyway, next month ay makikilala na rin natin ang bagong chairman. Considered nalang muna na on leave ang boss natin.” mahabang paliwanag nito.

Tumango silang lahat.

“Okay, good. By the way, happy birthday Ms. Guevara!” bati ni Mrs. Jas kay France. Pati ang iba ay bumati na rin ng malaman na birthday niya ngayon.

“Wow! Thank you po!” di maalis ang ngiti na nagpasalamat niya sa Head at sa officemates niya. Inimbita na rin niya ang mga ito na kumain mamaya after work. May mga hindi makakasama dahil na rin sa personal na dahilan, pero may iba rin namang game dahil makakalibre.

“HAPPY BIRTHDAY TO you! Happy birthday to you! Happy birhtyday, happy birthday… Happy birthday to you!” kinantahan siya ng mga katrabaho kasama na si Kaye. Her best friend also bought her a cake at hihipan na nga niya ang candles nito ngayon.

Pumalakpak ang lahat nang mamatay ang mga kandila sabay tanong ng, “Anong wish mo?”

“Secret nalang! Baka hindi magkatotoo, eh.” tumatawa niyang sabi habang sinisimulan na rin i-slice ang cake.

Sana maging masaya kami ni Ryan at makabuo ng magandang pamilya.Ang hiling niya.

“Ayaw pa’ng sabihin, sige ka hindi talaga yan magkakatotoo!” pabirong sabi ni Kaye.

“Tse!Ikaw talaga, bess. Alam mo naman na ‘yung wish ko.” kumindat pa siya dito.

“Aaaayyy! Oo nga pala! Engaged na ang lola mo!” tili nito, di maitago ang excitement na kinuha ang kamay niya at tiningnan ng malapitan ang gold ring na may maliit na dyamante sa harap. “Ang ganda naman!Mahal to?”

Pinitik niya ito sa ilong, “Hindi ko alam no. Hindi ko naman kailangang presyohan!” nailing niyang sabi.

“Ikakasal ka na pala!” si Hanah.

Tumango si France.“Kagabi lang siya nag-propose. Wala pa namang detalye yung kasal.” sagot niya.

“Kelan ang plano nyong date?” tanong ni Tristan.

“Baka next year na.”

“Kaya ka pala blooming, ah!”

“Halata ba?” natatawa niyang tanong at hinawakan pa ang feeling niyang namumula niyang pisngi.

The Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon