CHAPTER 3

33 4 0
                                    

~~~~~~~~ CHAPTER 3 ~~~~~~~~

“Wow! Ang galing naman ng mahal ko. Congratulations!” she greeted her fiancé dahil napromote ito bilang assistant manager.

“Thank you, mahal! Sa wakas, unti-unti nang natutupad ang mga pangarap natin.” inakbayan siya nito and kissed her on her cheeks.

“Yes, mahal. Konting tiyaga pa and we’ll finally be there.”

“Mga anak, halina kayo at nang makakain na tayo.” Ryan’s mother called them mula sa pagkakaupo sa sofa. Magcecelebrate kasi sila ngayon dito sa bahay nila Ryan para sa pagkaka-promote nito.

Tumayo na sila at sumunod sa hapag.

Habang kumakain, hindi maiwasang mapag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal nila Ryan at France.

“Kayo ba ay handa na talaga?” tanong ng mama ni Ryan.

“Syempre naman, ma.” sagot ni Ryan, tumingin pa ito sa finace at ngumiti.

“E ikaw hija?” humarap ito kay France.

“Handa na po ako tita Claire.” nakangiting sagot ng soon to be bride.

“Mabuti kung gayon. Aba, mahirap magpabigla-bigla. Ang ibang mag-asawa ngayon ay mabilis pa sa alas kwatro kung maghiwalay. Palibhasa’y hindi handa at hindi kilalang mabuti ang isa’t-isa.”

“H’wag kang mag-alala, mama. Magiging katulad ninyo kami ni papa. Strong!” tapos ay tumawa ito, “Di ba, mahal?” hinawakan pa nito si France sa kamay, inilapit sa mukha at hinalikan.

“Sana’y ganyan kayo hanggang pagtanda, mga anak. Natutuwa akong masaya kayong magkasama.” sabi ng papa ni Ryan. “Ryan, hijo. H’wag mong paiiyakin ‘yang asawa mo. Napakaganda pa man din.”

“Tito Nilo naman, binola niyo pa po ako.” biro niya.

“Kuuy, hindi kita binibiro, ha ne’. At saka dapat papa na rin ang tawag mo sa akin at mama dito kay Claire. Magiging manugang ka na namin, ah.”

Na-touch siya sa mainit na pagtanggap ng pamilya ni Ryan sa kanila. Mula’t sapul ay wala itong naging reklamo basta’t mahal ni Ryan ang kasama nito.

“Sige po, papa, mama.” Sagot niya. Kind ‘a strange, siguro dahil ngayon lang niya tinawag ng ganoon ang kanyang future in-laws.

NAKAUPO SA VERANDA at nakatingin sa maliwanag na kalangitan dulot ng buwan at mga bituin. Nakasandal si France sa balikat ng taong mahal niya at sabay silang nangarap para sa nalalapit na hinaharap.

“Ilang anak ba ang gusto mo, mahal?” tanong ni Ryan sa kanya.

“Depende kung ilan ang kakayanin.” napahagikgik niyang sagot, “Ikaw ba mahal?”

“Gusto ko bumuo tayo ng isang football team!” biro nito.

“Ano?! Grabe ka naman, mahal.” Umayos siya ng upo, “Hindi naman ako baboy, no. I think three would be fine.”

“Tatlo? Sige, okay na rin ‘yon. Magastos ang magkababy. At saka meron na akong forever baby dito, oh.” sabi ni Ryan tapos ay tinusuk-tusok siya sa killikili at sa balakang na siyang nagpatili at nagpapadyak sa kanya.

“Ano ba, mahaaal!!! Tama naahahaha!” sigaw nya na hindi mapigilang tumawa.

Sa wakas ay tumigil naman ito at nagseryoso.

“Mahal,” kinuha nito ang kaliwang kamay niya kung saan nakasuot ang singsing. “Gusto na kitang makasama.”

“Ako rin naman,” she gave her a light kiss on his cheeks.

“I love you, mahal.” niyakap siya nito.

“I love you too, mahal.” Hinigpitan niya ang yakap niya sa taong ito na mahal na mahal niya.

Pag-uwi ni France ay naalala niya ang pamilya ni Ryan. Buo at masaya.

Nakakainggit.

Wala na kasing chance na maging buo pa ang pamilyang meron siya. Ang nanay niya na namatay sa aksidente noong labing-apat na taong gulang palang siya. Ano kaya ang buhay niya ngayon kung buhay pa ito. Malaking parte ng pagdadalaga niya ang hindi na niya ito nakasama. Wala siyang makausap tungkol sa mga bagay na tanging mga babae ang nakakaintindi.

Lumaki siyang kasama ang ama at dalawang kapatid. Ang tatay niya na sobrang istrikto at over protective. Talagang bahay-eskwela lang siya noon nung nandoon siya sa Samar. Bihira makipag-saya o party. Ang JS prom niya ay sapilitan pa at kaya lang siya pinayagan ay dahil ipinagpaalam siya ng mga kaibigan.

Ang kapatid niyang si Elmer ay 1st year college na ngayon. At siya ang tumutustos sa pag-aaral nito. Buti na lang at scholar si Elmer kaya projects at miscellaneous lang ang binabayaran niya. Si Melody naman ay 2nd year high school, tulad nila ni Elmer, masipag din itong mag-aral at mabait na anak at kapatid. Kaya naman pinag-iipunan na rin niya ang pangcollege nito sa gusto nitong kurso. Para hindi na ito masyadong mahirapan tulad niya. Bukod sa pagiging scholar dahil naging varsity siya sa swimming ay nag-working student din siya para hindi kapusin sa panggastos ng mga projects.

Nanang, kung nandito ka rin sana. Siguro sasamahan mo ako sa pagpaplano ng kasal ko. Siguro magiging kakwentuhan kita kapag may masaya o malungkot na balita ako tungkol sa ‘min ng taong mahal ko. Nanang, kung nandito ka sana. Mas masaya siguro ako.

Nakatulugan na ni France ang pangangarap na iyon.

The Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon