The Right Mistake- Prologue

79 4 0
                                    

~~~~~~~~ Prologue ~~~~~~~~

Nagising siya dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa parte ng bintana na hindi na harangan ng kurtina. Masakit ang ulo at katawan, she opened her eyes.

Aray! Bakit parang minamartilyo ‘tong ulo ko. Naisip niya habang napapawahak dito.

She finally come to her senses dahil napansin niya na parang hindi familiar ‘yung lugar kung nasaan siya ngayon. She examined the place at wala pa sa kalahati ng kwarto ang nakikita niya ay napaupo na siya nang masigurong hindi nga niya ito kwarto.

Tinapik-tapik niya ang mukha niya. Nasan ako?

Iginala pa niya ang paningin and she never expect what she just saw.

A man lying beside her, on the same bed, with no top clothing and she’s not sure kung may pambaba ba ito o wala dahil nakakumot ito.

Pero nagkaroon na siya ng hinala, kaya naman…

“Aaaaaaaaaaaaah!!!” tili niya at pinaghahampas ang lalaking nakadapa sa tabi niya. “Walanghiyaka! Aaaaaaaaah!!!”

Naalimpungatang bumangon si Vincent, “Aray, a-aray ano ba!” at sinubukang pigilan ang nagwawalang babae.

Nahawakan ni Vincent ang kamay niya at doon lang naisip ni France na tingnan ang sarili, tama ang hinala niya. She’s also naked.

The Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon