~~~~~~~~ CHAPTER 16 ~~~~~~~~
“BESSSSS!!!” excited na bungad ni Kaye sa kanya. Sinalubong naman niya ito ng yakap. “Namiss kita, as usual!”
“Namiss din kita, bess! Buti hindi ka naabutan nang malakas na ulan kanina!” gumanti siya ng mahigpit na yakap.
“Hindi naman umulan nung nagbyahe ako. O kamusta ka na dito?” tanong nito.
“Okay naman! Hindi na ako naduduwal sa umaga. Parang pwede na nga akong bumalik sa trabaho, eh.” masayang nagbalita si France.
“Gaga, ‘wag muna! Tapusin mo na ‘yung leave mo at saka mas okay na yung nagpapahinga ka lang.” parang may hinahanap ang mata nito, “Nasan si Boss?” bulong ni Kaye sa kaibigan.
“Nandyan sa loob, nagbabalat ng mangga ko.” sagot ni France. “Ba’t ba tayo nandito sa labas. Dun na tayo sa loob!” yaya nito.
Tila naiilang si Kaye dahil sa presence ni Vincent. Boss parin niya ito. Nakita niya itong nagtatapon ng pinagbalatan ng mangga.
“Hi, Kaye!” masigla nitong bati nang makita siya, taliwas sa inaasahan niya.
“Good afternoon po, Doc Vin.” aniya.
Tinawanan siya nito, “You don’t have to be formal, wala tayo sa trabaho.”
“Sige po,” nahihiya niyang sabi.
“At wag mo na akong i-po. Pakiramdam ko sobrang tanda ko.” tapos ay tumawa ulit ito.
Sabi ni France salbahe kausap si Doc Vin. Bakit parang napakagaan makipag-usap dito?
“Mabait naman pala kausap si Doc, ah.” bumulong siya kay France.
Naiiling na natatawa si France ng sumagot, “Kung nakita mo lang yung mga conversation namin dati.”
“Merienda is ready!” masiglang sabi ni Vincent.
Nalalabuan man sa sinabi ni France, hindi nalang nagtanong pa si Kaye dahil baka mapansin pa ni Vincent na pinaguusapan siya.
Bukod sa pinaglilihihang mangga at bagoong ni France, nagluto rin ng instant spaghetti si Vincent at naglabas ng pineapple juice. Naubos naman nila lahat.
Matapos kumain, nagpaalan si France dahil may kukunin daw ito saglit sa kwarto.
At iyon ang hinihintay na pagkakataon ni Vincent.
Pagkaalis nito ay agad siyang nagtanong kay Kaye.
“Ano’ng paboritong ulam ni France?”
“Po?” naweirdohan siya sa biglang pagtatanong ni Vin pero agad din naman siyang sumagot, “Ah kare-kare ang pinakagusto niya.”
“Okay. Isa pa, ah… ano ang favorite color niya?”
“Hindi ko sure kasi hindi siya mahilig magbase sa single color kapag may gustong bilhin. Pero mahilig siya sa combination ng white and orange.”
“Kakaiba, ah. Akala ko pink din ang gusto niya, eh.”
“Ay nako! Ayaw niya ng pink! Wala nga siyang pink na damit eh. Kung meron man, ginagawa lang niyang pambahay. Kadalasan niyang suot ay green at blue. Cool daw kasi.”
“Great! Thanks for the info.” mabilis na sabi ni Vincent nang makita niyang pabalik na si France.
“Anong pinag-uusapan niyo?” tanong nito.
“Tinanong ko lang kung okay pa ang hospital.” sabi ni Vincent dahil mukhang walang maisip isagot si Kaye.
“Ah. Anyway, Kaye eto pala yung t-shirt mo na napasama sa gamit ko.” inabot nito kay Kaye ang isang yellow shirt.
Tiningnan ni Kaye ang shirt at tinanggal sa pagkakatupi, “Nako! Hinahanap ko ‘to kanina, ito dapat ang isusuot ko. Buti nalang nasa iyo, akala ko nawala na eh.”
“Kahapon ko lang din napansin na hindi pala sa ‘kin yan.”
“Ayos lang no. Pa-CR pala,” sabi ni Kaye at tumayo na.
Naiwan silang dalawa sa sala. Binuksan nalang ni France ang TV. May magawa lang ba.
“France,” tawag nito sa kanya.
Lumingon naman si France at nagtatanong ang hitsura.
Tinuro ni Vincent ang mukha nito, particularly sa lips nito. “May dry part, baka matuklap.”
“Saan banda?” pinakiramdaman nito ang sariling labi. Pero unti-unting lumapit si Vincent sa kanya.
Rephrase!
Unti-unting lumapit ang mukha ni Vincent sa mukha niya. Parang… ikikiss siya nito?
Napaatras si France, “Huy, anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong nito.
“Ah… tatanggalin ko yung pagka-dry.” naka-lean forward parin si Vincent.
“Ano??” tinulak siya ni France sa noo para umayos na siya ng upo. “Tinatanong ko lang kung saan banda, sira.”
Ngumiti ng pilyo si Vincent, “I know, sinubukan ko lang kung makakalusot. Sayang!” pumitik pa ang kamay nito.
Hindi alam ni France pero natawa siya sa kinilos at sinabi nito. Parang nahawa si Vincent kaya tumawa na rin ito. Iyon ang naabutan ni Kaye na eksena.
Tiningnan nito ang palabas sa TV, drama iyon. Sumilip ito sa bintana, wala namang anything.
“Anong pinagtatawanan ninyo?” curious na tanong niya.
Kaso walang sumagot sa kanya at huminto nalang sila sa pagtawa, pero nakangiti parin. Nagpipigil lang ng tawa.
“Ang weird nyo. Patabi nga!” pina-move niya si France pakanan para makaupo siya.
Good for three naman yung sofa. Pero dahil umupo pa si Kaye, hindi na naiwasan na magdikit ang braso nila France at Vin. Pero wala namang umalis o umiwas. Pinilit nalang nilang itago ang awkwardness na nararamdaman sa isa’t-isa at nagfocus sa palabas sa TV.Alas-sais y medya na ng gabi. Tapos na silang magdinner bago pa mag-six. Nagpasya na ring umuwi si Kaye dahil may pasok pa ito kinabukasan.
“Ingat ka bess, ha?” hinawakan niya ito sa kamay.
“Oo, ikaw rin bess.” ngumiti ito sa kanya tapos ay tumingin kay Vincent, “Boss, ingatan mo ‘tong bestfriend ko ha?”
Tumango si Vincent at nakangiting sumagot, “I will.”
Hinatid na ni Vincent si Kaye sa sakayan ng tricycle. Pagbalik niya sa apartment ay wala na si France sa sala. Wala rin sa dining.
Kumatok siya sa kwarto nito. Pinagbuksan naman siya ng pinto.
“Matutulog ka na?” tanong ni Vincent.
“Hindi pa, may inaayos lang ako.” niluwagan ni France ang bukas ng pinto at bumalik sa ginagawa.
Inilatag niya ang comforter niya sa sahig na may nakalagay ng banig tapos ay kumuha ng dalawang kumot.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Vin.
“Pakikuha yung unan dun sa sala.” utos ni France.
“Unan ko ‘yun, di ba?”
“Oo nga, kunin mo sabi.”
Sinunod nalang niya ang utos nito.
“O,” inabot niya dito ang unan niya. Nilagay ito ni France sa nakalatag na comforter.
“Soaked parin yung folding bed mo. Dito ka nalang.”
Hindi makasagot agad si Vincent dahil 99.9% ay nagtataka talaga siya sa ginawa nito.
Tama ba ang nakita at narinig niya? Inilatag nito ang sariling comforter para may matulugan siya?
“Sure ka?” tanong niya.
“Bakit nagrereklamo ka pa ba? Ikaw na nga’tong—”
“O teka! Teka! Hindi naman nagrereklamo.” umupo ito sa bago nitong higaan, “Nasurprise lang ako sa ginawa mo.” nakangiting sabi nito sa kanya. “Thank you.” sincere nitong sabi.
“Welcome. Basta diyan ka lang sa lugar mo.” pumanhik na siya sa sariling kama.
Hindi naman niya kailangang gawin ito para kay Vincent. Hindi niya rin alam pero nakakaramdam siya ng awa dito. Nag-eeffort kasi ito at nagtitiis matulog sa sala. Magdedecember na, malamig na talaga at lalo siyang naaawa kay Vincent pag nakikita itong nakabaluktot dahil sa ginaw.
Hindi tulad sa sala, mas warm ang temperature sa loob ng kwarto niya dahil sa makapal na kurtina at mas close yung lugar.
Good boy naman siya, eh. Kawawa naman kaya dito nalang siya.
Isang linggo na silang magkasama ni Vincent sa apartment na ito. Parang nakasanayan na nila ang isa’t isa simula kanina, hindi na sila nagtatalo.
Sana magpatuloy pa ‘yun sa mga susunod pang araw.
“Matutulog ka na?” tanong ni Vincent. Nakahiga na ito at nakikipagtitigan sa kisame.
“Hindi pa naman ako inaantok. Maaga pa.” seven PM palang naman kasi.
“Magkwentuhan muna tayo.” suggest nito.
“Ano naman ang pag-uusapan natin?” interesting sa pandinig ni France ang sinabi nito.
Magandang idea siguro ‘yun. Kahit medyo matagal na kasi kaming magkasama, halos wala parin kaming alam tungkol sa isa’t isa.
“Tungkol lang sayo at sa akin. Magkwento ka tungkol sa sarili mo.”
Napageneral ng sinabi nito, “Ano bang gusto mong malaman tungkol sa ‘kin?” tanong niya.
Nag-isip ito saglit, “France. Bakit France ang pangalan mo?” tanong nito.
Hindi mapigilan ang magkahalong tuwa at lungkot ni France sa tanong ni Vin. “Ngayon lang may nagtanong sakin niyan.”
“Bakit parang… tumamlay ka? May nasabi ba akong masama?” nag-aalalang tanong ni Vincent.
“Wala, naalala ko lang ang nanang ko. Siya kasi ang nagpangalan sakin nun. Big dream niya ang makapunta sa Paris, France kaya yun ang naisipan niyang ipangalan sakin. Kaso hindi na natupad yung dream ni nanang. Nagkasakit at namatay kasi siya bata palang ako.”
“Parehas pala tayo, wala na rin ang mom ko since I was five.”
“Ikaw, bakit Mc Vincent, hindi Mc Donald?” korning tanong ni France. Dumapa siya sa kama horizontally at nakaharap kay Vincent.
“Ewan, ‘di ko alam kung sinong nakaisip nun. Pero okay na sakin ‘to kesa tunog fastfood.” natatawa niyang sabi. Tumawa rin naman si France.
Nagkaroon ng ilang minutong pause sa pagitan nila. Magsasalita na sana ulit si Vincent para magbukas ng bagong topic nang biglang magsalita si France.
“Eh… si baby, ano’ng gusto mong ipangalan sa kanya?”
Dahil sa sinabi ni France ay sumeryoso ang mukha ni Vincent at humarap sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala na tinatanong niya ito tungkol sa magiging anak nila.
“Hmm. Nevermind pala.” biglang binawi ni France ang sinabi, “Hindi pa naman alam ang gender, eh.” umiwas ito ng tingin dahil naiilang siya sa titig ni Vincent sa kanya.
Ngumiti si Vincent, sayang dahil hindi na nakatingin sa France. Bakas sa mukha ni Vin ang kaligayahan dahil sa simpleng tanong na iyon ni France.
“Kapag alam na natin ang gender niya, pag-usapan ulit natin ito.”
“Ah… sige.” sabi nalang niya. “M-matutulog na pala ako. Inaantok na a-ako.” nabubulol na sabi ni France. Nagkumot na siya at umayos ng higa. “H’wag mo nalang patayin yung ilaw.” pagreremind nito.
“Sige, good night, France.” hindi man nakatingin sa kanya si France, nakangiti parin siya dito.
“Good night,” nagtalukbong na siya at nagkunwaring matutulog na.
BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanfictionCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...