~~~~~~~~ CHAPTER 5 ~~~~~~~~
“France, nakita ko yung boyfriend mo last night sa bar, he’s kissing someone.” Craig said early in the morning. Kakaupo lang niya nang sabihin nito ang balita.
Hindi siya nakapagbaon ng mahabang pasensya ngayon. Una sa lahat, dalawang araw na silang hindi nagkikita ni Ryan mula noong gabing muntik nang may mangyari sa kanila ng sapilitan. Pero afterall, naniniwala parin naman siyang hindi magagawang mambabae ni Ryan. They never had an issue like that.
At disenteng tao si Ryan, hindi niya magagawa iyon. Siguradong nagkakamali lang sina Hanah at Craig.
“Craig, I think that’s not Ryan.”
May pagtataka sa mga mata ni Craig, parang nagtatanong ito kung bakit hindi naniniwala si France sa sinabi niya. “You know I never lie, France.”
“You just had mistaken that person to my boyfriend.” hindi na friendly ang tono ni France. Wala talaga siya sa mood na makipag-usap tungkol sa mga ganitong bagay lalo na’t wala namang kabuluhan.
“Pero Fra—”
“Please… Stop.” madiin niyang sabi habang nakatingin kay Craig at sumenyas na iwan muna siya. Naubusan na siya ng pasensya.
“Okay, but I warned you already. Please do your part kung gusto mong maging maayos ang relationship nyo ng fiancé mo.” seryosong sabi nito. Pero hindi na siya pinansin ni France at naglagay pa ng earphones.
Sinimulan niyang mag-encode sa PC to redirect her attention. Ayaw niyang maka-encounter ng karagdagang bad vibes.
“TELL ME, alam kong may problema ka.” puna ni Kaye sa kanya.
Nagkataong magkasabay ang off nila ngayon kaya parehas lang silang nasa bahay. Kanina pa napapansin ni Kaye na may gumugulo sa isip ni France. Correction, ilang araw na pala niyang napapasin na may pinagdadaanan ang best friend niya. Hindi na nya matiis na hindi ito samahan sa problema. Madalas itong tulala at bihira ng makipagkwentuhan sa kanya.
“Wala to, bess.” matamlay niyang sagot.
“Heeemmm… H’wag maglihim!” umupo ito sa tabi niya, “Here,” inabutan niya ito ng chocolate nag tig-2pesos. Kakabili lang kasi niya sa tindahan. Baka sakaling madagdagan nito ang endorphins ng best friend niya.
“Kaye,” sabi ni France na tila sinasabing ‘not now, please’.
“Alam mo, bess. Kung may problema ka, nandito ang best friend mo. Kahit ano pa yan, hindi ko hahayaan na dalhin mo lahat ng bigat ng mag-isa. Let’s talk about it. H’wag mong iwasan ang problema dahil hindi yan masosolve kung patuloy mo lang tatakbuhan.” hinawakan nito ang kamay niya, “Tell me, is it about him?”
Alam niya na ang tinutukoy nito ay si Ryan. Sa tingin niya kailangan na niyang ilabas lahat ng pagtitimpi at luhang naipon sa loob niya. Kailangan niya ng makakasama sa problemang ito, kailangan niya ng makikinig. Dahil siya mismo, sa sarili niya, hindi alam kung pano ito haharapin.
She nodded. Kaye touched her hands warmly.
“Kwentuhan mo ako,” sabi nito na mahinahon at naghihintay ng kwento mula sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim at ilang sandali pa ay nagsimula na siyang magsalita. “L-last time we’re together,” hirap niyang sabi, hindi alam kung itutuloy pa. “Ahrm,” she cleared her throat. “Muntik nang may mangyari samin.” napayuko siya pagkasabi niyon.

BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanfictionCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...