~~~~~~~~ CHAPTER 7 ~~~~~~~~
Ika-61st birthday ni Dr. Samuel. Inimbitahan nito ang lahat ng staff ng hospital na walang pasok sa date at oras na ibinigay nila. Malas ang mga staff na nasa medical field na on-call o may duty. Isang malaking handaan ang gaganapin sa mansion ng mga Del Veo at ito ang kaihilingan ng matanda. Malapit kasi ang loob nito sa mga admin at staff. Mabait itong boss at palangiti rin kaya naman nalungkot ang lahat ng magkasakit ito.
“Pupunta ka?” tanong ni France kay Kaye.
“Aba, syempre!” masiglang sagot ni Kaye na mukhang excited pa sa party na ito.
“Bakit naman?”
“Anong bakit? Madaming dahilan noh. Una, handaan to, madaming pagkain. Pangalawa, si Doc Samuel ang humiling na pumunta tayong lahat. Pangatlo, nandun si Doc Vin!” matinis nitong sabi sa pangalan ni Vin na parang nakainom ng suka ang itsura dahil kinikilig na naman.
“Lakas ng tama mo kay boss, ah.”
“Ay, halata na ba?” maarteng sabi nito na inayos pa ang buhok na hanggang leeg lang naman.
“Sobra,” natatawang sagot niya.
“Ikaw ba hindi? Di ba nung una natin siyang nakita, grabe din kilig mo sa kanya! Sus. Kunwari pa to!”
Akala mo lang. Ang totoo, hindi talaga maganda ang una naming pagkikita. At sigurado akong naaalala niya yun!
“Basta pupunta tayo!” sabi ni Kaye.
“Parang tinatamad ako, eh. Ikaw nalang kaya?” umiiwas si France dahil siguradong magkikita sila ng boss niya dito. Kung sa hospital ay hindi sila nagkikita, dito malabong makaiwas siya.
“Ano? Hindi pwede noh! Sasamahan mo ko whether you like it or you super like it!” tinapos na ni Kaye ang usapan at nagtalukbong ng kumot para hindi na siya kumontra.
Naiiling na nahiga na rin si France.
Bahala na nga.
“Hindi pa pwede! Ano ba Ryan bitawan mo ‘ko!” nasasaktan siya sa madiin na hawak nito sa balikat niya.
Parang sinapian ng masamang espirito, he held her wrists tightly and forcedly kissed her. Nagpumiglas si France dahil nasasaktan na rin siya. Gulu-gulo na rin ang buhok niya.
“Ano— ba! Ryan tigilan—m-mo— to!” sigaw niya sa tuwing napapakawalan nito ang mga labi niya.
Pero imbis na makinig, tila lalong sinapian ng demonyo ang fiancé niya. Pumwesto ito sa tapat niya at idiniin ang sariling katawan sa kanya. Napadausdos siya sa pagkakaupo at halos napahiga na sa sofa.
“Ryan, please!” pagmamakaawa niya. She felt so hopeless. Hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakahawak at pagkakadagan sa kanya ni Ryan.
Hindi parin ito tumigil at habang tumatagal, parang lalo itong nagiging agresibo. Itinaas ni Ryan ang dalawang kamay niya at hinawakan gamit ang kaliwang kamay nito, habang binubuksan ang butones ng blouse niya.
Wala na siyang magawa kundi ang umiyak.
“H’wag… please… t-tama na…”
“France… France! Francheska! Gumising ka na!” malakas na sabi ni Kaye habang niyuyugyog siya para gumising.
Dumilat si France na patuloy umiiyak kahit nagising na.
BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanfictionCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...