CHAPTER 4

34 2 0
                                    

~~~~~~~~ CHAPTER 4 ~~~~~~~~

Kakatapos lang nilang mag-lunch, magkakasabay sila nila Craig, Kaye at Tristan. Sa cafeteria ng hospital lang sila kumakain kahit isang oras naman ang lunchbreak.

Dumating na rin ang magkakaibigang sila Hanah, Rose at Kathy na sa labas madalas mag-lunch. May hinahanap ang mga mata nito pagpasok sa pinto at kaagad na lumapit sa kanya nang makita siya.

“France,” napansin niya ang pag-aalala sa mga mata nito.

“Bakit, Hanah? May problema ka ba?” nag-aalalang tanong niya.

“Yung boyfriend mo kasi,” hindi nito alam kung tama bang ituloy ang sasabihin.

“A-anong nangyari kay Ryan?” lalo siyang nag-alala sa panimula ni Hanah.

“H’wag mo sanang masamain, sasabihin ko lang ang nakita ko ha. Nakita ko kasi siya doon sa resto na kinainan namin. May kasamang babae.”

Ano naman ngayon?Baka kaibigan o katrabaho lang niya iyon.

Tila nabasa naman nito ang naiisip niya kaya kaagad nitong sinabi na, “Maganda yung babae. Sobrang ganda at ang sexy ng damit.”

Napatingin siya sa mga kasama nito, tumango ang mga ito.

She laughed a little, “Wala naman silang ginagawang masama di ba? Baka kaibigan o katrabaho niya iyon. Don’t worry, alam kong hindi ako lolokohin ni Ryan. Lalo pa at kakapropose lang niya sa akin. At saka monthsary namin ngayon.” kampanteng sagot niya, “Pero salamat din sa pagsabi sa akin. Hayaan ninyo, tatanungin ko nalang siya kung sino ‘yun.” nakangiti niyang sabi at binuksan na ang desktop.

Hindi na niya napansin na nagkatinginan ang magkakaibigan na may pag-aalala sa mukha.

Sinundo ulit sila ni Ryan para ihatid sa tinutuluyang dorm.

“Mahal, kanina may nakalunchmeet pala ako. Nakita ko pa nga yung mga ka-opisina mo.” kwento nito habang nagdadrive.

Dahil sa sinabi ng fiancé ay gumaan na ang loob ni France, “Ganon ba? Okay, mahal!” masigla niyang sabi.

Napansin niya ang katahimikan ni Kaye. Kadalasan ay madaldal ito at ito ang nagsisimula ng usapan. Ngayon, parang may malalim itong iniisip at may problemang pilit sinosolve.

“Bess, bakit wala ka yatang imik ngayon?”  lumingon siya dito.

Hindi ito sumagot, parang hindi siya narinig nito.

“Bess… Uy Kaye.” kinalabit na niya ito.

“Oh?” nagulat pa nitong tanong.

“A penny for your thoughts?”

“Wala ito, wag mo nalang pansinin.” seryosong sabi nito.

Nagtataka man, hindi na siya nagtanong pa. Magkukwento naman ito kapag kailangan.

“MAHAL, sunduin kita, magpapatulong sana akong gumawa ng presentation. Ang dami ko kasing babasahin ngayon.” sabi ni Ryan sa kabilang linya.

“Sige mahal, basta dapat makauwi ako ng 9pm, ah.”

“No problem, papunta na ko diyan.” binaba na nito ang phone.

NAKARATING na sila sa condo ni Ryan. Galing sa sariling ipon ni Ryan ang pinambili ng condong ito. Pinagtrabahuhan niya para sa pamilyang plano niyang buuin.

The Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon