~~~~~~~~ CHAPTER 11 ~~~~~~~~
----------------------------
conversations are getting more exciting! :">
enjoy reading :D
--------------------------
Naging maselan ang paglilihi ni France. Lumala ang heartburn niya at madalas siyang mahilo at manghina. Dahil dito, she decided to take her long-term vacation leave. Hindi niya ginagamit ang VL niya ever since kaya naman naipon na ito. Nag-request siya sa department head nila ng two months leave.
"Bakit naman 2 months? At saka bakit ganyan ang hitsura mo, maputla at parang hinanghina ka." tanong ni Mrs. Jas.
Wala siyang choice kundi aminin dito ang totoo. Wala na rin siyang lakas para makipag-usap ng matagal. Ipinakita niya ang medical certificate niya.
Nagulat ito pero napalitan agad ng saya ang reaksyon, "Wow, congratulations! You're going to have a baby!" maluha-luhang sabi nito. Genuine ang tuwa nito para sa kanya. Anim na taon na kasing kasal si Mrs. Jas at ang asawa nito pero hanggang ngayon ay hindi parin ito nabibiyayaan ng supling.
Ngumiti siya rito, "Thank you, mam. Medyo maselan nga ang paglilihi ko eh, kaya kailangan ko po talaga yung 2 months na rest. Yun din po kasi ang sinuggest ng OB ko."
"No problem, mas mahalaga ang baby." nakangiti parin itong tinitingnan ang ultrasound na kasama ng med-cert na pinakita niya. "Nakakinggit naman. But I'm so happy for you, France."
"Masaya rin po ako," sabi niya, "Alam kong blessing ni God itong baby ko kaya iingatan ko siya."
"Ipapasa ko agad sa Manager itong request mo, pipilitin kong mapirmahan niya agad para makuha mo na bukas." sabi nito.
"Maraming salamat mam!" nakangiting sabi niya. "Ah, may ipapakiusap po sana ako. H'wag nyo na po sana sabihin sa iba ang sitwasyon ko."
Kumunot ang noo ng kausap niya, "Bakit naman?"
"May personal reason po ako. Please po mam, sana mapagbigyan ninyo ako." pakiusap ni France.
Sandaling nag-isip si Mrs. Jas. "O sige, ako na ang bahala. Pero may kondisyon din ako." seryoso ang mukha nito.
Kinabahan naman siya sa sinabi nito, "A-ano pong kondisyon?"
"Dapat ninang ako ng baby mo, ah!"
Nakahinga siya ng maluwag. Yun lang pala.
"Sige po! Plano ko rin nga kayong alukin niyan, eh."
"WHAT'S THAT?" tanong ni Vincent sa binabasa ni Mr. Robles.
Nilingon siya ng nakaupong manager, "VL lang, Doc. Yung isang empleyado kasi nag-request na gamitin yung naipon niya na vacation leave. 2 months agad e kaya dapat may pirma ko rin bago ma-approve."
"So, ano yan, will he go oversees kaya ganoon katagal?"
"Babae po ito, gusto lang daw mag-enjoy at bumisita sa pamilya."
"Matagal parin ang 2 months, pero trip niya 'yan, eh. Sino bang employee?" tanong niya.
"Sa accounting dep. Si Ms. Francheska Guevara."
"Si France?" gulat niyang tanong.
"Kilala nyo, Doc?" tumingin ito sa kanya.
"Yes but no. Not personally. Nakausap ko lang siya minsan." pagsisinungaling niya.
BINABASA MO ANG
The Right Mistake
FanfictionCruel, hate, wickedness, harsh, monstrous, sadist, heartless, etc. Some of the hundred words France can think whenever Vincent visits her simple boring mind. Para sa kanya, si Vincent ay isang tao na dapat ilagan dahil wala itong maidudulot na magan...