"Block!" Inis na sigaw ko habang nanonood kami ng UAAP Volleyball game.
Nandito ako ngayon sa condo ni Ella, best friend ko. She was already my best friend ever since high school. Kahit marami kaming differences sa isa't isa, nakuha pa rin namin mag-thrive ng magkasama. After she got hired on a law firm, our spare time on hanging out became tight. That's why I'm here on her condo. Konti na nga lang eh, dito na rin ako titira.
"Pucha, ingay mo naman!" Binato ako ni Ella ng libro.
"Nananadya ka na ha! Nag chi-cheer lang naman ako dito oh!"
"Eh 'di mo ba nakikita dito na nagbabasa ako? Boba! Sigaw ka nang sigaw diyan ha. Baka 'pag nagkita na uli kayo ni Limuel eh mapipi ka diyan. Uuwi na nga pala siya ano- Aray!" Binato ko siya ng sandals ko. 'Yon, sapul.
Pinag-krus ko ang braso ko bago pa niya makita kung paano unti-unting pumula ang mukha ko, hindi dahil sa kilig. Kun'di dahil narinig ko na naman ang pangalan nya.
Limuel...
"Tangina, sakit ah." Napahawak siya sa ulo niya kung saan tumama 'yung sandals. Hahampasin pa sana niya ako ng libro nang makita niya akong paiyak na.
"Hay nako, Cassianna." Napasapo siya sa noo niya bago kumuha ng beer sa cooler. "Eto na naman tayo." Inabutan niya 'ko ng beer at tissue bago umupo sa tabi ko. "Hanggang kailan ka ba magiging ganito?"
"Ewan ko. Baka 'till death do us part." I rolled my eyes before I sofly chuckled.
"Malamang naka move on na 'yon. Ilang taon na rin naman siya sa US 'di ba?" Inabutan niya 'ko ng burger.
"Kahit na." I wiped my face. "Sinabi ko naman sa'yo 'yung sinabi niya 'di ba?"
Years flew. Many things have changed. Many things have already left my mind. But some things remained.
Memories...
Memories keeps flashing at me like it was a curse. Nakatatak pa rin sa memorya ko ang lahat ng nangyari. Pati na rin ang mga salitang binitawan niya bago kami magka-hiwalay. Hindi ako pinapatulog ng lahat nang 'yon, lalo na ngayon, uuwi na siya.
Uuwi na siya, Casey.
Gusto kong sumigaw at tumalon dahil sa saya. Pero sa bawat pagtalon ng puso ko dahil sa excitement, naririnig ko ang mga salita niya.
'Sana hindi nalang kita nakilala'
Tumulong muli ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
'Sana 'di ka na lang dumating sa buhay ko. Sana hindi ka na lang binigay sa'kin'
I hate it when it rains. But the only rain I love is when it rain memories of him and I... still happy.
It's raining memories on how he's secretly making moves on me. How he declared his love for me. How we held each other's hearts.. And how I dropped his.
Or did I really?
Paano na? Paano na kita haharapin Limuel?
O hahayaan mo nga bang magharap tayong dalawa?
~
YOU ARE READING
It's Raining Memories (FRIENDS SERIES #1)
RandomFRIENDS SERIES #1. After breaking her bestfriend's heart, Cassianna Revilla found herself chasing after him. But why?