It's been a hell week again. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Limuel. Hindi rin nag-oopen ang mga kaibigan ko about sa kaniya kapag kausap ako. Siguro dahil alam nilang hindi maganda ang nangyari sa amin ni Limuel noong isang linggo. Wala lang din akong ginawa kung hindi hayaan na lang siya. Ifo-focus ko na lang ang sarili ko sa relasyon namin ni Corey at sa pag-aaral ko. Malapit na ang finals kaya dapat ay mag-ayos kaming lahat, kung hindi ay hindi din kami papasa ng 4th year. Sayang naman kung ganoon."Okay ka na?" Ella suddenly asked.
Siya lang ang nagtatanong sa'kin about sa nangyari. Palagi din siya sa condo ko at doon kami nag-aaral ng sabay. Ayaw talaga akong lubayan.
"Hindi." Diretso ko siyang sinagot. Hindi naman talaga ako okay.
"Okay lang 'yan, basta 'wag ka na mag-yakag ng inom, Casey, maawa ka naman sa'kin." Pagsusumamo niya.
"Hindi na nga. Malapit na ang Finals e, ayokong bumagsak 'no." I chuckled.
Tumahimik siya bigla. I also saw her looking at floor na para bang may iniisip na kung ano.
"Bakit?" I asked her.
"Huh?" Napatingin siya sa'kin.
"Anong problema mo?"
"Wala." She smiled. She almost fooled me with that smile. Ang galing niya talagang magtago ng emosyon, pero hindi sa'kin.
"Hindi mo 'ko maloloko." I made a face before sitting near her.
"Wala. Konting problema lang. Ayos lang ako." She keeps denying it.
"Sino ba 'to, tatay mo na naman? O 'yung pinsan mong barumbado?" I asked her.
"Package 'yon 'di ba? Syempre pareho." She chuckled.
"Hayaan mo sila. May araw din 'yang mga 'yan." I tried to comfort her. "Kaya dapat maging abogado ka ha? Galingan mo, nandito lang ako palagi." I smiled at her.
Napaawang ang labi ko nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko siya naririnig na umiiyak pero mahigpit ang yakap niya. "Sorry, Casey."
"Bakit? Para saan?" Napakunot ang noon ko.
"Wala." Humiwalay siya ng yakap saka tumayo at kinuha ang mga gamit niya. "Uuwi muna ako. Tumawag ka lang kapag gusto mo ng kausap ha? Mag-aaral lang ako sa condo." She smiled at me.
"Sige. Ingat ka." Hinatid ko siya sa pinto.
Humiga na lang ako sa kama at tumitig sa kisame. Sinubukan kong matulog dahil wala akong tulog simula kagabi, pero ayaw talaga akong dalawin ng antok. Napa-bangon ako nang mag-ring ang cellphone ko at tumatawag si Daddy.
"Hello, Dad?"
[Hello, anak. Kamusta? Malapit na pala finals niyo?]
"Uh, yes, Dad."
[Oh. Okay, I just want to wish you a good luck. Nandito ako sa Illinois ngayon e, business meeting. Good luck, anak. You can pass to 3rd year and you will be a Flight Attendant. Mahal na mahal kita, anak. Kung may problema ka, sabihin mo lang sa Daddy, ha? Hindi ka pababayaan ng Daddy.]
I teared up a bit because of what he said. "Thank you po. I love you so much, Dad. I'll be a Flight Attendant. I promise you that."
[You're really more like your mom. Sige na, I need to go.]
"Bye, Dad. Take care." Pinunasan ko ang luha sa mukha ko pagkatapos patayin ni Daddy ang tawag.
I suddenly felt different about him. Siguro nga bumabawi na talaga siya sa lahat ng pag-kukulang niya sa'kin. How I wish buhay pa si Mommy at Cedric. I missed them so much.
YOU ARE READING
It's Raining Memories (FRIENDS SERIES #1)
RandomFRIENDS SERIES #1. After breaking her bestfriend's heart, Cassianna Revilla found herself chasing after him. But why?