Chapter 15

17 2 0
                                    

"Sorry." I don't know what to say. He was too straight forward.

"Ganito, isang tanong, isang sagot." He said. "Mahal mo ba siya?"

I went silent. Gulong-gulo pa rin ako. Ayaw kong sabihin na mahal ko pa rin siya dahil alam kong masasaktan si Limuel.

"Silence means yes." He look away.

"Hindi siya madaling bitawan." Ganito naman ako palagi, sobrang ma-attach sa tao, kaya sobrang sakit din ng balik sa akin.

"Then, ipaglaban mo. Kung mahal ka niya, lalaban din siya." He said. "Ang advice ko na lang sa'yo eh bumitaw ka na kung ayaw na niya. 'Wag mo itulak ang sarili mo kapag ayaw na talaga."

"Hindi ka ba nasasaktan sa mga lumalabas sa bibig mo?" I asked him.

"Nasasaktan. Pero wala naman akong magagawa eh. Mawawala din 'to. Mas ayos kapag ganito lang tayo. Hindi nag-aaway, bonding bonding lang. Magkaibigan lang." He smiled. It was a genuine smile. No pain, no sorrow. It was a happy smile this time.

"Thank you. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." I hugged him tight before tapping his back.

"Hindi kita iiwanan kahit kailan." He kissed my forehead. That made me shock.

Did he just made a promise to me?

"Promise 'yan?"

"Promise." He smiled. "Tara na sa labas, baka hinahanap na nila tayo." He opened the door before pulling me out.

Naglakad lakad muna kami sa mga tindahan bago namin nakita sina Yza. Ang dami na agad bitbit ni Ella. Ganito talaga mga gusto noon eh, mga tyangge.

"Si Faith at Polo, kumain na lang nang kumain." Pagmamaktol ni Andi.

"Gutom na ba kayo? Di pa tayo naguumagahan eh." I said while looking on the ukay-ukay shorts.

"Tara Pares! May nakita ako doon oh!" Ella pointed near fast food stalls.

"Tara tara! Tomguts na ako." Pagrereklamo ni Lim.

And we really end up eating at the Pares stall. Grabe, ang sarap talaga. Hindi masyadong malapot 'yung sabaw kaya hindi nakaka-uta.

"Isa pa, Kuya! Pati eto lagyan mo din." Lim pointed at my plate. Hindi na ako umangal dahil gusto ko din naman.

Sira na naman diet natin, self.

"Uuwi na ba tayo pagkatapos natin dito?" Yza asked.

"Ewan. May gusto pa ba kayo gawin? Teka, asan muna si Faith at Polo?" Andi's brows furrowed.

"Hoy! Nandiyan lang naman pala kayo! Kanina pa namin kayo hinahanap!" I almost jumped when Polo suddenly appeared on my side. "Iniwan niyo kami ni Quiel!"

"Eh hindi din naman namin kayo mahagilap kanina!" Sabat ni Ella.

"Kumain lang kami ng lugaw ni Quiel." He sat besides Faith who's sitting besides Andi.

"Hindi pa nakakabili si Casey ng damit. Mamaya maya tayo umuwi."

"Hindi naman ako bibili." I told Limuel.

"Marami kasing bagay sa'yo eh."

"Fine." I rolled my eyes.

"Yown! Oh dalian niyo na kumain diyan!" He urged us to eat faster.

Pagkatapos naming kumain, hinatak agad ako ni Limuel sa bilihan ng mga damit. Ang dami ngang magaganda. Alam niya talaga ang mga bagay na damit sa'kin.

"Eto maganda, tingnan mo." He gave me a pastel yellow top. It looks so cute.

It's Raining Memories (FRIENDS SERIES #1)Where stories live. Discover now