Chapter Fifty Three

8.4K 260 25
                                    

Hindi naman na kumontra si Mommy sa amin ni Jez at naging masaya na lang.

Nagplano sila nila tita Siena ng gender reveal party para daw sa baby pero pansin ko hindi nila napag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Jez. Hindi ko rin naririnig na binabanggit ni Jez.

Nag-oover think na naman tuloy ako.
Ayaw ba ni Jez magpakasal sakin?

Tapos naalala ko rin si Veer nabanggit niya na si Neri yung nagbigay ng love na kailangan ni Jez.

Does they really like me or the baby?

"Klaisse, halika na. Umuwi na tayo." aya ni Mommy sa akin dahil tapos na rin ang munting party.

"Mom, can i sleep here with Jez?" i made my voice small and cute. Kulang na lang mag puppy eyes ako para pagbigyan ako ni Mommy.

Tumingin muna si Mommy kay Jez at muling tumingin sa akin.

"Para kayong bumalik nang mga bata kayo. Hindi kayo mapaghiwalay na dalawa." nakangiting pahayag niya.

Hinawakan nya sa balikat si Jez at marahang hinimas iyon.

"Mag-iingat kayo dito. Jez, ikaw na bahala ha?" bilin pa ni Mommy sa kanya.

"Yehey! Thank you, Mom! Hehe" masayang sambit ko at yumakap sa braso ni Jez.

Umakyat na rin kami sa kwarto niya at sabay na nag-shower.

We're both tired because of the mini party but i'm not sleepy yet.

"Jez.." i poked her cheek to wake her up.

"Uhmm.." ungol niya lang, nakapikit pa rin.

"Jez." mahinang tawag ko ulit sa kanya.

"Sshhh.." suway niya naman at niyakap ako ng mas mahigpit.

"Jez.. Hindi pa ako inaantok. Usap muna tayo." may mga gusto kasi akong itanong sa kanya.

Sabi niya naman kung may gusto akong malaman magtanong lang ako.

"What are we going to talk about?" she asked in her hoarse voice.

"Kailan mo ako balak pakasalan?" sandali siyang hindi nakaimik sa diretsong tanong 'ko.

Unti unti niyang dinilat ang mata at kahit madilim ay malinaw ko pa rin nakikita ang muka niya dahil sa pumapasok na ilaw galing sa buwan.

"Paglabas na lang ng baby natin, Klaisse." i was a bit disappointed with her answer.

Si Renz nga gusto niya ako pakasalan agad agad pero bakit si Jez pinapatagal niya pa? Hindi pa ba sya sigurado sa akin?

"Tsk.." she chuckled and held my waist closer to her.

"I don't like what you are thinking." she gently cupped my face and force me to face her.

"Ayuko lang madaliin, Klaisse. Medyo gahol na rin kasi sa oras. I want to prepare a grand wedding for us. I want you to be the most beautiful bride in the history. Sigurado naman na akong kahit ilang taon pa lumipas tayo pa rin kaya hindi ko minamadali ang kasal." napangiti na lang ako sa mahabang paliwanag niya..

Pero gusto ko pa rin makasal na sa kanya.

"Wag ka na mag-isip ng kung ano. Mahal kita." she said and gently claimed my lips.

I grab her nape, pulling her closer to me and deepen our kiss.

"Uhmm.." napaungol ako nang bahagya niyang kagatin ang labi 'ko.

"Aren't you tired?" nakangiting tanong niya pero alam kong tatanggihan niya ako sa gusto ko.

"Bakit? Pagod ka na?" balik tanong ko sa kanya.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon