Chapter 1

23.2K 490 23
                                    

Make love in the morning is good than night.--Doctor Connor.

YASMINE
#Binabagabag

"Yasmine! Pakilinis naman dito. Salamat!" Agad akong napatango kay doktora Lenny, nakangiti ang mukha ko dahil bawal ang simangot.

"Opo, doktora!" Agad akong pumasok sa opisina nito ng makalabas siya.

Sinimulan ko ang paglinis ng buong silid. Walis at punas ang aking ginagawa.

Nagpahid ako ng pawis sa'kin noo ng matapos ako.

"Yasmine, kindly clean my office. Thank you." Malumanay na utos sa'kin ni doktor David.

May edad na ito ngunit gwapo pa rin. May asawa at mga anak na rin siya.

"Yes po, dok!" Ngumiti ito sa'kin bago tinapik ang aking balikat.

Pumasok ako sa opisina nito at naglinis doon. Punas at walis din ang aking ginagawa. Bawat sulok ay walang lampas sa'kin.

Ito na ang nakasanayan ko sa tuwing pumapasok ako dito, sa mahigit isang buwan pa lang ako nandirito sa hospital. Isang pribadong ospital.

Kilala ang Hunstman Medical Hospital sa buong Bansa dahil sa magagaling na mga Doktors dito. Ikalima nga ito sa pinakamagaling na hospital sa buong mundo.

Hindi lang sa mga Doktors kundi pati na rin ang serbisyo. Pantay ang bawat trato. Mapa mahirap o mayaman man. Lahat ay inaasikaso.

Isang buwan pa lamang ako dito pero kilala ko na agad ang mga naging achievements ng hospital na ito.

Nakahilera sa isang silid ang mga certificate of achievements at tropeo doon sa loob na nakuha ng hospital dito sa Bansa at sa iba pang Bansa, sa labas.

Nakakaproud lalo pa at dito din ako nagtatarabho bilang Janitress.

Nakaasign ako dito sa fifth floor. Buti na lang at konti lang ang aakyatin ko. Kase kung nakatalaga ako sa mas mataas pang floor ay sasakit na ang mga paa ko, kahit may elevator pa.

Pagsapit ng tanghalian ay nagpunta na ako sa locker room para magpalit ng damit.

Nagbabaon ako ng extrang damit para pamalit. Para hindi ako tuyuan ng pawis dahil sa klase ng aking trabaho.

Masaya ako sa'kin ginagawa. Pero kung minsan ay tinatanong ko rin sa'kin sarili kung hanggang dito na lang ba ako?

Kung habang buhay ba ay magiging Janitress na lang ako.

High School graduate ako. Sa mga inaapalayan kong trabaho ay tinitingnan agad kung College graduate ba ako.

Iyon ang basehan sa negosyo at trabaho ngayon, na dapat ay ibasehan din nila sa kung ano ang kakayahan mo o kahusayan mo sa trabaho.

Eh, anong magagawa ko kung mahirap lamang ako?

Kung hindi ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko, lalo na at ulilang lubos na ako?

Nakatira ako ngayon sa Tiyahin ko na may asawa at dalawang anak, na kapos din sa buhay?

Pero ganoon pa man ay maswerte pa rin ako dahil nakapagtrabaho ako dito sa maganda at kilalang hospital.

Maipagmamalaki ko pa sa aming kapitbahay.

Naririnig ko nga minsan ang mga chismis sa'min na nakakainggit daw ako kase dito ako nakapagtrabaho.

Kase iyong ibang mga kadalagahan doon ay nagtitiyaga lang sa mga 'insik- insik' na may maliit na sahod.

Iyong ibang graduate sa College nga ay tambay muna dahil hinihintay ang tawag sa kanilang inaplayan. Hanggang sa puputi na lamang ang mga buhok sa kahihintay.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon