Special Chapter (Levie &Marve)

10.2K 274 2
                                    

MARVE

"Waiter!" Tawag pansin ni Dok Levie sa isang waiter na agad naman dumalo sa lamesa namin.

"Yes, Sir?"

"Two bottles of Remy Martin XO." Order niya na agad naman sinulat ng waiter. Bumaling sa'kin si Dok Levie. "And one glass of orange juice—"

"Kuya, may Tanduay Ice ba kayo?" Agad kong binalingan ang waiter na agad tumango sa'kin.

"Yes, Ma'am. What flavor do you want?"

"Blue Illusion. Dalawang bote. Salamat!" Bulalas ko bago nginitian ang mga matang nakatingin sa'kin.

Sa totoo lang ay sobrang pagkailang ang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi nila ako kalevel, parang out of place, kumbaga.

Kailangan ko ng medyo matapang na inumin para lumakas ang loob ko. Baka inaakala ni Dok Levie ay hindi ko sila kayang sabayan. Juice lang sana ang oorderin niya para sa'kin pero sasabayan ko sila. Kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako umiinom ng alcoholic beverage.

Pumasok lang sa'kin ang Tanduay Ice, ngunit hindi pa ako nakakainom niyon. Pati lasa ay di ko alam.

First time 'to kaya susulitin ko kasama ang super crush kong Doktor!

Ilang minuto ay dumating ang waiter dala ang inorder na'min. Kinuha ni Dok Levie ang dalawang bote at saka nito nilagay sa harap ko.

"Here."

"Salamat." Pagngiti ko bago kinuha ang isang bote na sobrang lamig. Tinitigan ko pa iyon nang may dumantay na palad sa hita ko. Kinilabutan ang kalamnan ko sa pagdaiti ng palad ni Dok Levie.

"Cheers?" Taas nito sa hawak niyang baso na may alak.

"C-cheers!" Bulalas kong pagngiti sabay taas din ng bote. Nakipagtoss si Dok Levie sa bote ko bago niya inisang tungga ang alak niya. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko. Habang ako naman ay nanlalamig ang palad na nakahawak sa bote, unti-unti iyon lumalapit sa bibig ko. "Ack!"

Napaubo ako ng makapasok sa lalamunan ko ang lasa ng Tanduay Ice. Napanginig pa ako sa lamig nito.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Dok Levie at saka hinaplos pa ang likod ko. Nakangising nakatingin naman ang lahat sa'kin, tumikhim ako.

"A-ayos lang. Nabigla lang ako sa lamig." Matipid kong pangniti. Mariin naman akong tinitigan ni Dok Levie, na parang tinatanto kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Huwag mong biglain." Sabi niya na kinatango ko. "First time mo ba na uminom?" Tanong niyang muli.

"Oo—hindi, a!" Mariin na pag-iling ko. Mahina naman siyang tumawa.

"Tsk." Sambit niya habang umiiling na nginisihan ako. "Cheers." Nakipagtoss siya sa'kin bago tinungga ang alak niya. Tinungga ko din ang Tanduay Ice ko.

Lumapit pa sa tabi ko si Nurse Romel at saka nakipagtoss din sa'kin.

Medyo nasanay na ako sa lasa nito kaya hindi ko namalayan ay naubos kong tunggain ang dalawang bote. Medyo tinatablan na din ako ng hilo dahil sa alcohol nito.

Habang si Doktor Levie naman ay nakailang order na ng iniinom nito at mukhang lasing na din. Pati ang mga kasama na'min dito sa lamesa, ang dalawang kapareha nga ay nasa dance floor na at humahataw ng lasing.

"N-nashaan ba cr dito?!" Tumayo ako at muntik nang matumba kung hindi dahil sa mga brasong yumapos sa beywang ko. Kay Dok Levie iyon.

"Let me take you there, Chub."

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon