Chapter 30

14.8K 402 30
                                    

YASMINE
#ManghuliNgPalaka

"Congratulations, Misis. You're one month and eight days pregnant."

Nakangiting saad ni Doktora Ruello, matapos ang naging pagsuri sa'kin. Nandito kami ngayon sa Clinic niya.

Isa siyang OB-Gyne, na kilala ni Connor. Naging kaklase niya ito.

Pinisil ni Connor ang palad ko na kinatingin ko sa kaniya. "Te Iubesc." Sabi niya na namumula ang mata.

Ngumiti ako at pinisil din ang palad niya bago ibalik ang tingin kay Doktora, nakangiti siyang nakatingin.

"This prescription is for your vitamins to take everyday. Eat healthy foods, drink water everyday, avoid alcoholic beverage, sleep eight hours a day or take a break or nap, a light exercise like walking should be fine every morning, and of course, don't stress yourself. Okay?"

Sunod-sunod ang pagtango ko sa sinabi ni Doktora Ruello.

"Opo, Doktora. Salamat po." Malugod kong sabi na kinangiti at tango din ni Doktora, bago balingan si Connor sa tabi ko.

"Mister, How you should treat your pregnant wife? First,  Encourage and reassure her that you always be in her side. Second, Ask her what she needs from you gaya ng kung ano ang gusto niyang kainin o iyong pinaglilihian ni Misis. Third,  Show affection. Hold her hands and give hugs na ipadama sa kaniya ang pagmamahal mo. Fourth, Help her make changes to her lifestyle. Fifth, Try to eat healthy foods, which can help her eat well para healthy din si baby. Six, Encourage her to take breaks and naps upang hindi mastress si Misis at hindi din maapektuhan si baby. Seven, Some women may want less sex, kaya Mister kung ayaw ni Misis makipagsex sa'yo ay huwag mong pilitin, okay? And lastly, Take walks together. Huwag mong hayaan na nakaupo lagi si Misis at gumala-galaw din upang hindi siya mahirapang manganak sa due date niya. Maliwanag ba ang lahat?"

Pinisil ni Connor ang palad ko bago tumango kay Doktora. Ilang mga tips pa ang sinabi at pinayo niya para sa pagbubuntis ko nang magpaalam kami sa kaniya.

Lumabas na din kami ni Connor, matapos makapagbayad sa cashier.

"Ang dami palang bawal at dapat na sundin sa pagbubuntis ko." Naisambit ko nang makapasok sa loob ng sasakyan, nakaupo din si Connor.

"Kaya sundin mo ang mga sinasabi ko para sa baby na'tin." Natigilan ako ng haplusin ni Connor ang tiyan ko habang nakatitig sa'kin ng matiim.

Ngumiti at tumango ako bago ilagay ang isang palad ko sa ibabaw ng palad niya, nagkatitigan kaming dalawa. Pansin ko noon na medyo may umbok ang tiyan ko kapag maligo, kaya pala.

"Opo, Dok!" Pagsalute ko pa sa kaniya, kumunot lang ang noo niya.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya nang hindi inihiwalay ang titig sa'kin. Nag-isip naman ako.

"Gusto kong kumain ng palaka!" Bulalas ko na nagniningning pa ang mga mata ko, natatakam ako sa palaka kaya napalunok din ako.

"What the hell! Bawal kang kumain nun at nakakasama 'yan sa kalusugan mo." Sobra ang pagkakunot ng kaniyang noo, parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Napasimangot ako at umirap sa kaniya tsaka tumalikod.

"Gusto kong kumain ng palaka!" Bulalas kong pagkontra, parang malalagutan ako ng hininga kapag hindi nakakain ng palaka.

"It's not a healthy food—"

"Exotic food means long life!" Hiyaw ko na bumuhos na ang mga luha ko sa inis para kay Connor.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon