Chapter 32

13.5K 345 3
                                    

YASMINE
#Intruder

Lunes ngayon kaya pumasok na sa Hospital si Connor. Isang linggo din kase nagleave, kung kaya ay kailangan na niyang magduty.

Habang ako naman ay pinaresign na ng tuluyan ni Connor sa trabaho, kase para din daw sa kalusugan ni Baby. Ayaw niya na mahirapan ako kahit gusto ko man ay sinuway niya pa din.

Dalawang araw na din ako dito sa bahay ni Connor. Humingi siya ng permiso kila Tiya Agnes na dito muna ako at pumayag naman sila.

Buong araw ay wala akong ginawa kundi ang manood ng tv o kaya ay matulog, parang tinatamad kase akong gumalaw at mabigat ang katawan ko. Prutas lang kinakain ko.

"Ma'am! Bawal kayong pumasok!"

"Fuck you! Do you know who I am?!"

"Mahigpit na bilin ni Boss na huwag kayong papasukin at bawal na kayong pumunta dito!"

Napatingin ako sa malaking bintana nang makarinig ng mga boses sa labas, malapit sa gate.

Nakita ko ang dalawang tauhan ni Connor na pilit tinataboy ang isang babae na pilit papasok sa gate.

Lumabas ako para alamin kung ano ang nagyayari.

"How dare you two to treat me like this!" Hiyaw muli ng babae. Masama nitong pinanlisikan ng mga mata ang dalawang tauhan ni Connor.

"Kuya, bakit hindi niyo papasukin dito at baka may kailangan siya?" Napalingon sa'kin ang dalawang tauhan pati na din ang babae.

"Pinagbabawal ni Boss Connor, Miss. Baka kami malilintikan." Sabi ng isa na nakahawak sa gate.

"Wala naman siya dito—"

"Who are you?" Napatigil ako sa pagsabat ng babae na kinatingin ko dito, nakataas ang kilay nito habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

"Ako si Yasmine." Lumapit ako sa isang tauhan ni Connor na malapit sa'kin. "Kilala niyo ba siya?" Pagkalabit ko na kinalingon nito.

Nakita kong nagkatinginan sila ng kasama niya bago tumingin sa'kin.

"Ex girlfriend ni Boss Connor, Miss." Nagdadalawang isip pa ito na sabihin sa'kin, bigla ay nakaramdam ako ng inis pero kumalma ako.

"Umalis ka na, wala dito si Connor." Hinarap ko ang babae.

"At sino ka para sabihin iyan sa'kin?" Tumaas lalo ang kilay nito. Pansin ko na mataray ang babae.

"Magiging asawa ni Connor." Tumaas ang boses ko kase medyo naiirita ako sa pananalita ng babae.

Nakita kong natigilan ito pero masama ang pagkakalisik ng mga mata nito, parang susugurin niya ako.

Maya-maya ay tumawa ito at nang-iinsulto pa ang tono nito. Nakatingin lamang ako sa babae.

"Bitch! Hindi mo makukuha si Connor mula sa'kin! He's mine!" Sabi nitong nanlilisik ang mga matang  nakatitig sa'kin at dinuduro pa ako.

"Umalis ka na kase nag-eeskandalo ka na dito, Miss." Mahina kong sabi.

"Gaga! Hindi mo ba alam kung sino ang kinakausap mo, ha?!" Galit na pagduro nito sa'kin, kinakalampag pa niya ang gate ng sobrang ingay.

"Hindi kita kilala—"

I'm Kelly Palomares! The soon to be Mrs. Hunstman!" Parang baliw na pagmamayabang nito sa harap ko.

Sumenyas ako sa dalawang tauhan ni Connor na paalisin na ang babae bago ako tumalikod. Naririnig ko ang galit nitong sigaw pero hindi ko na pinansin, pumasok ako sa loob.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon