Chapter 29

14.6K 390 6
                                    

YASMINE
#Confirmed

"Ako na ang iigib ng tubig." Maagap na pigil sa'kin ni Connor, tsaka kinuha ang dalawang balde sa kamay ko.

"Kaya ko naman!" Pag-irap ko na kinangisi lang niya bago ako kinorner. Napakislot ako sa pagdikit niya sa'kin.

"Tsk. Bawal sa'yo." Sambit niya na mas nilapit ang mukha sa'kin, napakurap ako at tinukod ang dalawang kamay sa pagitan na'min.

"Wala ka pa dito nagbubuhat na ako ng balde!" Singhal ko sa kaniya. Nakakainis, e! Ewan ko ba..

Mahina siyang tumawa tsaka hinawakan ang baba ko at mahinang pinisil bago niya hinalikan ng mabilis.

"Huwag na matigas ang ulo." Suway pa niya ng hindi ko siya pansinin nang akma akong lalabas ng pigilan niya bago pinaupo sa bangko.

"Bakit nga kase." Pagsimangot ko na sinamaan siya ng tingin. Seryoso na siyang nakatitig sa'kin mga mata, bago siya lumuhod sa harap ko tsaka marahan niyang pinisil at hinawakan ang mga palad ko.

"You're pregnant. Masama sa anak na'tin ang magbuhat ng mabigat."

Natigilan ako at tulala sa narinig ko. Hindi pa nagproseso sa isip ko ang kaniyang sinabi nang may tumapik sa pisngi ko, napakurap ako.

"B-buntis ako?.." Naisambit ko na tumitig kay Connor, tumango at ngisi siya sa'kin bago ako pinatayo.

"Yes, Baby. We'll having a child." Hinalikan niya ang noo ko bago ako tingnan muli, kita ko agad na parang namumula ang mga mata niya.

"Umiiyak ka ba?" Biglang namutawi sa labi ko, pumikit muli si Connor ng ilang segundo bago tumitig sa mga mata ko, sabay pagkibit- balikat niya.

Ngumiti ako ng makitang namumula pa din ang mga mata niya, pigil ang pagluha niya na hindi ko alam.

"I'm just happy and proud of myself." Pinagdikit niya ang aming mga noo. "Are you happy, Baby?"

"Oo. P-pero natatakot din ako, Connor." Mahina kong sambit at ramdam ko na hinahaplos niya ang tiyan ko, napapikit ako sa hatid noon.

"Huwag kang matakot, nandito naman ako sa tabi mo, Baby."

Tumango ako kase alam ko na nandiyan nga si Connor sa tabi ko. Alam ko na hindi niya ako pababayaan. Kami ng Baby niya.

"Kaya ba ganito na lang ang nararamdaman kong ugali?" Bigla kong naalala ang inasta ko kanina.

"Yeah. Maybe you've experienced Premenstrual syndrome." Sagot niyang kinakunot ng noo ko.

"Ha? Ano iyon?" Pagtataka ko.

"The physical and psychological malaise experienced by many women between ovulation and the onset of menstruation."

Nakatitig lang ako sa mga labi ni Connor habang nagsasalita siya. Parang nais kong sunggaban ang mapupula niyang mga labi.

"Premenstrual syndrome and pregnancy are alike. Like you will experienced severe mood swings. You will be happy in a minute, and then feeling crying the next moment. You will also felt that your breasts swell and become tender, your hormones go up and down. Especially hormones that cause of extreme emotional responses during your pregnancy."

Nakakaakit ang malalim na boses ni Connor habang nagsasalita siya sa mga salitang hindi ko masyadong maintindihan. Kay gwapo niyang pagmasdan sa mga mata ko ngayon.

"P-paano mo nalaman—Doctor ka nga pala." Tanging nasabi ko.

Nakita ko naman ang malapad niyang ngisi sa harap ko tsaka inilapit ang mukha sa'kin at marahan na pinisil ang chin ko.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon