Chapter 27

14.7K 428 9
                                    

“Wala sa estado ng buhay ang pagiging matagumpay. Kailangan lang na matapang kang lumaban.”--Connor

YASMINE
#Ligtas

"Connor, nasaan na tayo?" Mahina kong tanong habang inaalalayan niya ako sa paglalakad. Medyo makirot ang gitnang hita ko, kase si Connor ay inuna muna ang pangangailangan niya kaysa ang kaligtasan na'min.

Namula sa hiya ang mukha ko.

Paano ba naman ako makakatutol kanina, e, sobrang bilis pa kay splash ang galaw niya kanina— nanggigil pa nga kahit nasa panganib na kami.

"I don't know, keep moving." Binagalan niya ang paglakad tsaka hinawakan na ako sa beywang ko para makasabay sa lakad niya.

"Humahabol pa kaya sila sa atin?" Napalingon ako sa likod ko at pinakiramdaman ang paligid pero tanging huni ng mga kuliglig ang naririnig ko, pati sa mga ibon.

"Maybe." Balewalang sabi niya na pinisil ang beywang ko, napakislot ako doon. Akma akong magsasalita ng bigla na lang umungol ang isang aso na di ko alam kung saan nagmumula.

"C-connor!" Hiyaw ko sa takot na mabilis napayakap kay Connor, tsaka isiniksik ko ng todo ang katawan ko sa kaniya, takot na takot ako.

"It's alright, Baby. I'm with you." Malalim niyang sambit na ramdam kong mahigpit ang yakap sa'kin.

Alam ko na ramdam niya ang panginginig ng katawan ko sa takot, habang hinahaplos niya ang likod ko para pakalmahin ako. Pinikit ko ang mga mata at dinama ang tibok ng puso niya, kay bilis ng pagtibok nito.

"B-bakit umungol ang aso?" Napatingala ako sa kaniya at huli na para bawiin ko sana ang tanong ko, kaso nakita ko na ang malawak na ngisi ni Connor, parang nang-aasar.

"Siguro may aswang o kaya naman ay wak-wak." Tumaas ang kilay niya tsaka mas lumapad ang pagkakangisi, na siyang kinalaki ng mga mata ko.

"C-connor!" Natampal ko ng mahina ang dibdib niya, kasabay noon ang mahina niyang halakhak na siyang nakakahalina sa tenga ko.

Nakatitig ako sa nakapikit niyang mga mata, na kung titigan maigi ay napakasingkit, napakatangos din ng ilong niya habang nakatagilid ito, tsaka iyong mapula niyang labi ay nakakaakit tingnan at damhin.

Nagmulat siya ng mga mata kaya nagtama ang aming mga paningin, nakakaakit din ang kulay panggabi niyang mga mata, hindi iyon nakakasawang pagmasdan. Nakagat ko ang ibabang labi ng mahuli niya akong pinagmamasdan siya.

"Are you seducing me, Baby?" Paos niyang sabi tsaka muli akong hinapit sa beywang, napasinghap ako at kumurap ang mga mata ko. Akma niyang ilalapit ang mukha ng mapadaing siya. "Fuck!"

Natanto kong dumiin ang kamay kong nakahawak pala sa sugat niya, kaya agad kong nabawi ang kamay ko.

"S-sorry—"

"Run!" Mabilis akong nahila ni Connor nang pinapaputukan kami ng mga humahabol sa'min, nakita nila kami ng hindi na'min naramdaman.

Hapong-hapo ako at habol ang paghinga ko nang biglang tumigil si Connor, nagtatakang tiningnan ko ito.

"B-bakit tayo huminto?" Napahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang tibok ng puso ko, kaybilis ng tibok.

"Magtago ka kung saan ligtas—"

"Paano ka? May tama ka sa balikat, Connor! Baka mapahamak ka!" Maagap kong sabat na mariin napailing, ngumisi siya tsaka mabilis hinalikan ang labi ko.

"Are you worried, my Wife?" Panunukso niya sa'kin, pero kakaiba sa pakiramdam iyong tinawag niya sa'kin, lalong bumilis ang puso ko.

"Oo, natatakot akong mapahamak ka." Mahina kong sabi bago umiwas ng mukha. "P-paano na ako kung iiwan mo—"

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon