Chapter 4

18.8K 527 31
                                    

Too much chikinini is not good in the health- Yasmine

YASMINE
#Chikinini

Napasinghap ako ng malalim ng magmulat ang aking mga mata. Habol ko ang aking paghinga. Namamawis ang katawan at noo ko. Ramdam na ramdam ko din ang tibok ng puso ko.

Dahil sa isang bangungot na aking napaginipan. Masamang panaginip.

Jusko!! Napanaginipan ko ang lalaking iyon na 'inaano' niya ako sa tagpong iyon! Nakakatakot!

Napaupo at kislot ako sa kilabot na aking naramdaman.

Dumako ang tingin ko sa labas ng bintana ko. Medyo madilim pa sa labas pero tumitilaok na ang mga manok ng aming kapitbahay.

Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko. Iwinaksi ang napanaginipan ko.

Tumayo ako at lumabas patungong kusina para magsaing. Nagluto na rin ako ng aming ulam.

Bumalik ako sa'kin silid para maligo at mag-ayos ng aking sarili.

Paglabas ko ng aking silid ay biglang may lumagapak na sampal sa aking pisngi, tumabingi ang mukha ko.
Kasabay din noon ay ang pagsabunot sa buhok ko.

"Gaga ka Yasmine! Ihing-ihi na ako kagabi at tumagal ka pa sa banyo gaga ka!" Narinig ko ang galit na boses ni Brendly.

Siya ang sumampal at sumasabunot sa'kin ngayon. Pilit ko siyang inaawat palayo sa'kin pero nakadiin ako sa pader. Medyo matangkad pa siya.

"B-brendly! T-tama!.." Dumadaing kong sambit habang patuloy nitong sinasabunutan ang buhok ko.

Napatigil lamang ito ng marinig ang pagbukas ng pinto ng silid nila Tiya.

"Hoy! Ayusin mo ang buhok mo!" Nanlilisik na duro nito sa'kin.

Tumango ako bago sinuklay ang buhok ko ng aking daliri. Basa pa ito pero ang hirap suklayin.

Dumaing ang mukha ko sa kirot na aking naramdaman.

"Yasmine? Anong nangyari sa buhok mo at magulo iyan?" Sumuyod ang tingin ni Tiya kay Brendly, na nasa unahan ko bago sa'kin. Nakakunot ang noo.

Napakurap ako. Nakita ko ang pasimpleng pagsulyap sa'kin ni Brendly, nagbabala ang tingin.

"H-hindi pa po kase ako nagsuklay." Tipid kong pagngiti kay Tiya.

Tumango naman siya bago niya kami inaya sa kusina. Sinaluhan na'min ang isang umaga.

Piniritong talong at tilapia ang aming ulam, na niluto ko kanina. Tinimplahan din ako ni Tiya ng kape.

Tahimik kaming kumakain ng mapatigil ako sa sinabi ni Tiya.

"Yasmine! Ano 'yang nasa leeg mo?" Nag-angat ako ng tingin at natingnan si Tiya.

Nakatitig ito sa bandang leeg ko. Kunot na kunot ang kaniyang noo. Maski si Tiyo ay tumingin din doon. Nagpatuloy ito sa pagkain pero nakita ko ang iling na pagngiti nito.

Nagtatakang nahawakan ko ang aking leeg. Kumunot ang noo ko.

"Bakit po, Tiya?" Tanong ko habang Pinapakiramdaman ang leeg ko.

Wala naman kakaiba sa leeg ko. Tumitibok pa naman ang pulso ko. Humihinga pa din naman ang lalamunan ko.

"Iyang nasa leeg mo." Pagmuwestra muli nito sa leeg ko, nahaplos ko iyon.

"Wala naman po kakaiba sa leeg ko, Tiya-"

"Gaga! May dalawang chikinini ka sa leeg mo!" Agad kong natingnan si Brendly ng isigaw iyon sa harap ko. "May tinatagong landi akala mo kung sinong santa santita sa bait!"

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon