Chapter 24

15.3K 445 16
                                    

“Huwag husgahan ang taong hindi mo naman kilala.”—Yasmine

YASMINE
#Nobya

"Ikaw ba ang pumatay kay Congressman Kelvin Recto?" Nakita kong natigilan si Connor. Sumeryoso din ang mukha tsaka marahas na bumuntong-hininga.

Ayoko man pagdudahan si Connor ay siya lang alam ko na kayang paslangin si Congressman. May duda ako na hindi sadya na nandoon din siya sa Bar. May pakay siya doon.

Kabilang si Congressman Recto, na may kawalanghiyaan na ginagawa sa lipunan. Kung kaya't pinaslang gaya noong nangyari kay Konsehal Piñas.

Si Connor. Siya agad ang naisip ko. Gusto ko lang malaman para maprotektahan ko din si Brendly. Kung may nais mang magtangka sa buhay niya ay alam ko kung sino iyon.

"Pinagdududahan mo ba ako, Yasmine?" Seryoso ang tingin niya. Titig na titig sa mga mata ko.

"M-medyo. Ikaw lang kase ang alam ko na makakagawa noon at nandoon ka sa Bar." Mahina kong sagot. Hinawakan niya ang magkabilang palad ko at pinisil iyon.

"May plano akong patayin siya." Hindi ako kumibo dahil inaasahan ko na ang sasabihin niya. "But I'm not the one who do it."

Patuloy niya na kinataka ko, napakurap pa ako at napakunot noo. "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ako ang pumaslang kay Recto. May nauna sa'kin." Tinitigan kong maigi ang mga mata niya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Kita kong walang bahid ng konsensya doon.

"Kung hindi ikaw, sino?" Muli kong nakita ang marahas na paghinga ni Connor. Parang may iniisip siya.

"Maybe one of our enemies." Nabahala ako sa sinabi niya.

"M-marami kayong kaaway?" Tumango siya sa'kin.

"Yes, from Dark Market and even in the Business." Hayagan niyang sagot. Napansin ni Connor ang pagkabahala ko kaya agad niya akong kinabig sa kaniya, napakurap ako.

"M-malalagay ba sa panganib sila Tiya kapag ginawang witness si Brendly." May nginig sa boses ko. Hinawakan niya ang chin ko at pinatitig sa kaniya, seryoso siya.

"I'm here to protect your family and no one can hurt them." Dinala niya ako sa kaniyang dibdib at napayakap ako ng mahigpit sa kaniya, naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. "I will protect the family of my future wife." Muli akong napakurap at may namumuong luha sa mga mata ko. "Especially you, Yasmine."

"C-connor..." Gumaralgal ang boses ko. Agad din pinunasan ni Connor ang takas na luha sa magkabilang mata ko. Nginisihan niya ako.

"Tsk. You're starting to be a crying lady." Mahina kong natampal ang likod niya. Agad din akong napakalas nang matanto na nandito pa kami sa gitna ng daan.

"I-ikaw kase pinapaiyak mo ko!"

"Kailan kita pinaiyak?"

"Ngayon lang dahil sa saya." Nakangising pinisil niya ang chin ko.

"Good. So, let's go. Malalate na tayo sa trabaho." Tumango ako.

Nakangiting magkahawak kamay na lumakad kami papunta sa kaniyang sasakyan.

Pagakarating sa Hospital ay doon na kami nagkahiwalay ni Connor.

Naiilang pa ako dahil paglabas na'min ay pinagtitinginan kami ng mga empleyado. Hawak kase ni Connor ang isang kamay ko at hindi binitawan, nang makapasok kami sa loob ng Hospital.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon