Chapter 36

13.7K 365 4
                                    

YASMINE
#SheSafe

"Mga gunggong! Hanapin niyo! Malalagot tayo ni kay Miss Kelly kapag nakatakas ang babaeng iyon!"

Napatakip kami ng labi nang makitang malapit sa tinataguan na'min ang apat na mga lalaking may baril, palinga-linga sila sa paligid.

"Papatayin ba na'min ang kasama niya, Boss?"

"Patayin niyo! Iyong babae ang kailangan na'tin!"

Napatingin ako kay Marve nang kalabitin niya ako. Kita ko sa mga mata niya ang takot.

"Kilala mo ba sila?" Bulong niya na agad kong kinailing.

"Hindi, pero ex-girlfriend ni Connor ang tinutukoy nilang Miss Kelly." Pagkompirma ko kase siya lang naman ang alam ko na may galit sa'kin. Tiyak na nais niya akong saktan para makuha muli si Connor.

"Tinawagan mo na ba si Doktor Connor? Anong sabi niya?"

"Naputol ang pag-uusap na'min. Susubukan— naiwan ko pala ang cp ko sa taxi sa sobrang pagmamadali kanina!" Mahina kong bulalas na kinatingin niya sa cp niya.

"Lowbat ako at expire na 'yong load ko! Buwisit talaga!" Pagpadyak niya sa inis na pareho na'min kinatigil.

"Nandito sila, Boss!"

"Takbo, Marv!" Hiyaw na'min at napatakbo nang biglang may nagpaputok sa kinatataguan na'min.

Napaliko siya sa kaliwang daan at susunod na din sana ako nang bigla akong matapilok, dahilan para matumba ako sa sahig.

"Ah.." Daing ko nang makaramdam ng kirot sa magkabilang tuhod ko. Napapikit ako, ayokong tingnan ang mga tuhod ko kase pakiramdam ko ay dumudugo iyon.

"Y-yasmine!"

"Ah!" Hiyaw ko nang biglang may humila sa buhok ko at kinaladkad ako patayo. "Bitawan mo ko!" Pagpumiglas ko at pilit binabawi ang buhok ko mula sa hawak ng lalaki.

"Tumigil ka kundi pasasabugin ko bungo mo!"

Naitikom ko ang labi nang tutukan ako nito ng baril sa ulo ko. Ngumisi ito ng makita ang takot sa mukha ko.

"M-maawa po kayo sa'kin, buntis ako.." Pagmamakaawa ko habang nag-iisip kung paano ako makawala sa hawak ng isang lalaki.

Papalabas na kami sa makitid na eskenita. Sumenyas ako kanina kay Marve na huwag niya akong sundan at baka siya ay mapahamak din.

Sobrang init dito sa labas kaya walang mga tambay ang gumagala at hindi ako makakahingi ng tulong mula sa kanila. Ang tanging pag-asa ko ay ang makawala sa hawak ng lalaking ito.

"Saklolo! Tulong!" Hiyaw ko ng malakas dahilan para maalerto ang lalaki, dahilan din para may pagkakataon akong kagatin ang braso nitong nakahawak sa'kin.

"Pota!" Daing nito at nabitawan ako kaya binigay ko ang buong lakas para tumakbo mula dito.

Napahiyaw ako nang biglang may humila sa'kin kasabay ng pagtakip nito sa bibig ko.

"Hm!!"

"It's me, Baby." Agad akong napatigil sa pagpupumiglas ko ng marinig ang pamilyar na boses.

"C-connor.." Napatingala ako sa kaniya. Napaluha ako kasabay ng pagharap ko at yakap sa kaniya. "Salamat at nandito ka.." Garalgal na ang boses ko dahil sa tuwa.

Walang pinagbago ang nararamdaman kong kasiyahan at kapanatagan habang nasa tabi ko siya. Ligtas na ligtas ako sa mga bisig niya, sa kaniyang presensya.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon