Chapter 12

17.3K 434 6
                                    

Curing people is the treasure for the doktor.-- Doctor Connor.

YASMINE
#MedicalMission

"Tubig po, Doktor Menares."

"Thanks, Yasmine!"

Naupo ako saglit sa isang stool para magpunas ng pawis. Nakangiting napalibot ang tingin ko sa buong paligid, dito sa loob ng Auditorium. Puno at okupado ang lahat ng upuan.

Mayroon para sa mga bata, sa mga matatanda at sa ibang nakakatanda. Sinusuri ang kalagayan at binibigyan din ng gamot, may libre pa na mga groceries na nakapaloob sa eco-bag.

Nandito kami ngayon sa lungsod ng Isabella, sa liblib na parte na malayo sa kabihasnan. Tanging pagsasaka lang ang kabuhayan dito.

"Yasmine? What are you doing here?" Napakislot ako sa pagkagulat nang may malalim na boses ang biglang may nagsalita sa likod ko.

"D-doktor Connor..." Mahina kong sabi pagkalingon ko, napatayo na ako. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang titig na titig sa'kin kabuuan.

Naiilang ako sa mga mata niya na para bang tagos sa'kin kaibuturan. Nakasuot kase ako ng kulay pink na bestida na hanggang tuhod ko ang haba. Pinahiram lang naman sa'kin ni Doktora Rhusia. Sa kaniya ang damit.

Ayoko sanang isuot ito kase hindi ako sanay pero nagtampo naman sa'kin si Doktora Rhusia, kaya sinuot ko. Inayusan pa nga niya ang mukha ko, nakalugay din pati ang mahaba kong buhok. Naninibago ako sa'kin ayos.

"Sinong nagsama sa'yo dito?" Tanong niya sa mahina ngunit may diin sa kaniyang boses, napakurap ako. Parang sasakmalin ako ni Doktor Connor sa klase ng mga titig niya.

Nakaputi naman siyang polo na pinarisan ng abuhing pantalon at itim na sapatos. Tanging itim na mamahaling relo ang suot niya sa kaliwang kamay. Nasa leeg ang kaniyang Stethoscope. Ang gwapo niyang pagmasdan sa ayos niya.

"She's with me."

Napatingin ako kay Doktora Rhusia, na inakbayan ako bigla. Nakangisi itong nakatingin kay Doktor Connor.

"You shouldn't brought Yasmine here." Mapanganib na sambit ni Doktor Connor. Pero parang hindi naman natinag si Doktora Rhusia, ngumiti lang ito ng kakaiba.

"Why? I have no helper assistant. So, Yasmine was suited for the position." Balewalang sabi ni Doktora Rhusia. Nakatingin siya dito habang si Doktor Connor ay nakatitig lamang sa'kin, hindi ako nilulubayan ng titig.

Nakita ko ang marahas na paghinga ni Doktor Connor, bago siya tumalikod. Doon ay lihim akong napabuga ng hangin. Pero ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Nanlalamig din sa kaba ang mga kamay ko.

"Yasmine." Nakangising binalingan ako ni Doktora Rhusia.

"Bakit po, Doktora Rhusia? May ipag-uutos ka ba?"

Nakita ko ang pag-iling niya bago pisilin ang balikat ko. "Huwag ka'ng umalis sa tabi ko at baka may mag-snatch sa'yo dito mula sa'kin."

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. "Hindi naman po ako mamahaling bagay para nakawin." Matipid kong pagngiti sa kaniya. Hindi din ako gold.

Nagulat ako nang biglang tumawa ng mahina si Doktora Rhusia. Pinisil-pisil pa niya ang balikat ko bago pinisil ang magkabilang pisngi ko, namula ako. "You're such a naive, Yasmine. But I like you more!" Lumapad muli ang ngisi niya, niyakap pa niya ako. "You're a gold in someone's eyes."

Bulong ni Doktora Rhusia, hindi ko naman maunawaan ang sinabi niya.

Bumalik na kami ni Doktora Rhusia sa kaniyang lamesa. Mga bata at matanda ang kaniyang sinusuri. Tagabigay at tapon ako sa mga nagamit at kailangan niya.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon