Chapter 18

17.6K 453 32
                                    

"I don't care her status. All I care is my heart falling for her."---Connor

YASMINE
#Nagkaaminan

"Connor..." Hindi ako mapakali dito sa kinauupuan ko habang nililibot ang paningin ko sa paligid. Ilang minuto na kase ang lumipas ay hindi pa din nakakabalik si Connor.

Wala nang may dumadaan na sasakyan at sobrang dilim na dahil gabi na din. Walang may makakatulong kay Connor, at hindi din naman ako makakahingi ng tulong sa labas dahil naka-lock ako dito sa loob ng sasakyan.

Nabuhayan ako ng loob ng makita si Connor na lumabas mula sa kung saan. Bumukas ang pinto at pumasok siya pero natigilan ako nang makita na hawak niya ang brasong may hiwa at dumudugo iyon. Tumutulo sa damit niya at sa sahig ng sasakyan.

Basang-basa din ang buo niyang katawan. Alam ko na nanlalamig siya.

"Connor!" Agad ko siyang dinaluhan at akmang hahawakan ang braso niya pero tinabig niya ang kamay ko.

"I'm fine." Malamig niyang sabi nang hindi ako tinitingnan bago siya tumalikod sa'kin.

Muli na naman namumuo ang mga luha ko sa'kin mata, sa ginawa ni Connor. Sa kalamigan na pinakita niya sa'kin. Ibang-iba kanina lang.

"S-suotin mo itong jacket. Gamotin ko din iyang sugat mo..." Nag-aalala kong sabi at hindi ako mapakali sa sugat niya na mahaba. Baka mainpeksyon iyon dahil sariwa pa.

"I'm fine." Malamig ang boses niya. Hindi man lang ako sinusulyapan, nasasaktan ako sa ginagawa niya.

"Baka mapaano iyang sugat mo---"

"I said, I'm fine!" Malakas niyang bulyaw niya na kinakislot ko sa'kin kinauupuan.

Nakatingin sa'kin ang malamig niyang mukha at ang mga mata niyang walang emosyon.

"G-galit ka ba dahil sa sinabi ko?" Lakas loob kong tinitigan ang mga mata niya, ayaw kong kumurap.

"May dapat ba akong ikagalit sa sinabi mo?" Nakipagtitigan siya.

"Nagsinungaling ako." Iyong dibdib ko ay ang bilis ng pintig. "Dahil maling-mali ang nararamdaman ko!" Pigil na pigil ang luha ko.

Nakatitig lang sa'kin si Connor at ganoon pa rin ang pinapakita niyang lamig sa harap ko.

"Hindi totoo ang nararamdaman mo para sa'kin." Kahit nanlalamig ang katawan niya ay mas malamig pa ang pinapakita ng mga mata niya.

"Totoo ito! May gusto ako sa'yo, Connor!" Gumaralgal ang boses ko. Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya pero nawala din agad.

"Bakit kailangan mo pa'ng magsinungaling?"

"Kase wala ka naman pagtingin sa'kin at dahil may nobya ka na." Pagkasabi ko noon ay agad akong nag-iwas ng tingin pero mabilis akong kinabig ni Connor, nagkatitigan kami.

"Gusto kita, Yasmine." Iyong mga mata niya ngayon ay puno ng emosyon at hindi na din malamig, kaysa doon sa pinakita niya kanina.

"May nobya ka na. Ayokong magkasiraan kayo dahil lang sa nararamdaman ko."

"I'm single." Seryoso niyang sabi. "We're separated last week." Patuloy niya ng mahalata ang pagtataka sa mga mata ko.

"D-dahil ba sa'kin?" Kinakabahan kong tanong na baka ako ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.

Ito iyong kinatatakot ko na makasira ako ng isang relasyon. Sekreto lang dapat iyon at sino ba naman ako para gustuhin din ni Connor o pag-aksayahan ng oras niya.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon