Chapter 19

18.2K 462 13
                                    

"Buong puso kong isinuko ang aking sarili sa taong mahal ko."---Yasmine

YASMINE
#InitSaLamig

Hindi ko namalayan ang pagpikit ng mga mata ko at nakaidlip ako dito sa kinauupuan ko. Dahil na din siguro sa lamig at nakaramdam na ng gutom.

Naalimpungatan lang ako sa tunog ng kulog na pakiramdam ko ay tumatama sa itaas na bubong ng sasakyan.

"Y-yasmine... Y-yasmine..."

Agad kong natingnan si Connor na sinasambit ang ngalan ko. Umusog ako ng makitang nakapikit ang mga mata niya. Habang umuungol siya.

"C-connor..." Sinalat ko ang noo at leeg niya nang maramdaman kong sobrang init niya. May lagnat siya!

Agad kong pinasuot sa kaniya ang jacket niya na hindi ko naisuot kanina sa katawan niya, kaya tuloy nilagnat.

"C-connor..." Mahina kong tinapik ang pisngi niya, tsaka pinahiran ng palad ko ang ilang pawis sa noo niya.
Sumisingaw ang init mula sa katawan niya na siyang kinabahala ko.

"Y-yasmine..." Nakapikit na sambit niya nang bigla siyang yumapos sa'kin at sumubsob sa dibdib ko.

Siniksik niya ang katawan sa'kin kaya napayakap na din ako sa kaniya. Ilang sandali kami sa ganitong ayos ng maramdaman kong naging normal na ang paghinga niya.

Napapikit ako at lihim nagdasal. Umangat ang palad ko at muling sinalat ang noo niya, mainit pa pero hindi na gaano kainit. Maingat kong sinuklay ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabon sa noo niya.

Nakasampok pa din ang makapal niyang mga kilay kahit nakapikit ang mga mata. Iyong mga mata naman niya ay nakaaliw pagmasdan habang nakapikit ito. Agaw pansin din ang matangos niyang ilong. Medyo nakaawang ang namumula niyang labi na kinatigil ko doon.

Layuan mo ang tukso, Yasmine!

Umiling ako at mariin kong pinikit ang mga mata para hindi ko makita ang makasalanang kagwapuhan ni Doktor Connor.

Sa pagpikit ko ay tuluyan na din akong nakaidlip. Naalimpungatan ako ng may gumagalaw sa leeg ko. Si Connor na hinahalikan ako sa leeg, habang nakadagan siya sa'kin!

"C-connor! May lagnat ka!"  Sambit ko na pilit siyang tinutulak. Dinama ko ang noo at leeg niya na mainit pa din. Hindi siya nakainom ng gamot at walang gamot kaya hindi humuhupa ang lagnat niya.

Hindi pa din nagbabago ang buhos ng ulan sa labas. Parang lalo pa iyatang lumalakas, na may kasamang kulog.

"Gagaling ako kung tutulungan mo, Yasmine..." Paos niyang sambit.

Namumungay ang mga mata niyang tinitigan ako. Puno ng pagnanasa ang mga mata niya, na siyang kinaba ko.

"P-paano?" Pagmaang-maangan ko kahit may kutob na ako sa pinapahiwatig ng kilos at mga mata niya. Kinakabahan ako ng husto.

Hinawakan niya ako sa'kin beywang. Pinagapang niya din ang isang palad mula sa binti ko paakyat sa hita ko, tsaka niya pinisil ng mariin.

"Do you trust me?"

"Oo." Mabilis kong pagtango.

"Then, make love to me, Yasmine." Natigilan ako kahit inaasahan ko na ang hihingin niya. Iba pa din pala kung harapan niyang sinasabi ang bagay na iyon sa mukha ko.

Natatakot ako at kinakabahan sa maaaring lumabas sa labi ko. Alam kong may nararamdaman ako kay Connor, mahal ko na nga siya. Pero ang bagay na hinihingi niya ay napakahalaga sa'kin.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon