Chapter 22

16K 392 5
                                    

"Walang iwanan sa pamilyang nagmamahalan."---Yasmine

YASMINE
#SinongSalarin?

Mabilis kong hinanap ang banyo. Saktong napaliko ako dito sa isang pasilyo kaya agad kong nakita ang banyo. Pumasok ako sa loob.

Nagsabon akong maigi at binanlawan ang mga kamay ko nang matapos ako. Nagpupunas ako ng mga kamay nang biglang dumilim ang buong paligid, na siyang kinasinghap ko.

Napakapa ako sa pader para lumabas. Sobrang dilim ng paligid at wala akong may maaninag. Naririnig ko sa labas ang singhapan ng mga tao.

Tinunton ko ang dinaanan ko kanina nang biglang may humawak sa beywang ko, sabay kaladkad nito sa'kin. "B-bitawan mo ko!"

Pagpupumiglas kong bulalas habang pinapalo ko ang kamay nitong nasa beywang ko. Nakadama ako ng panganib pero kailangan kong lumaban. Akma kong kakagatin ang braso nito ng matigilan ako.

"Yasmine!" Sa boses pa lang niya ay natigilan ako.

"C-connor?" Napatingala ako para aninagin ang kaniyang mukha, saktong lumiwanag ang buong paligid. Nakatitigan ko ngayon ang kulay bughaw niyang mga mata.

"What are you doing here?" Kunot noo niyang pagsita sa'kin. Napakurap ako bago umayos ng tayo.

"Hinahanap ko si Brendly. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Hinagod ko ang kabuuan niya at ganoon pa din ang suot niya nang maihatid ako kanina. Nakasuot na siya ngayon ng kaniyang leather jacket.

Akma siyang sasagot nang mabulabog kami ng isang hiyaw.

"Ah!! May patay sa silid na iyon!!"

"Brendly!" Sambit ko ng makitang si Brendly ang babaeng tumitili. Agad ko din siyang nilapitan at pinakalma.

"Yasmine! May patay doon sa silid! Hindi ko alam kung sino ang may gumawa!" Takot niyang bulalas habang niyuyugyog ang balikat ko nang makilala niya ako.

"Kumalma ka muna, Brendly!" Pinaupo ko siya sa isang bangko, saktong binigyan ako ni Connor ng mineral water na agad kong ibinigay kay Brendly. "Inumin mo muna."

"A-anong ginagawa mo dito at paano ka nakapasok?" Kinuha niya ang tubig bago ako tinitigan. Nanginginig ang boses niya sa kaba.

Napatingin ako kay Connor bago hinanap ng mga mata ko si Condor. Pero hindi ko na siya makita kaya napaharap ako kay Connor.

Seryoso lamang siyang nakatitig sa'kin habang magkasalikop ang mga braso niya sa dibdib.

"Kaano-ano mo si Condor Hunstman?"

"He's my cousin." Tipid niyang sagot.
Tumango naman ako pero nagtataka pa din ako kung ano ang ginagawa niya dito. May ka-date ba siyang babae? Sinong kasama niya?

"Ah---"

"Wala akong babae." Napakurap ako ng diretsahan niyang sabihin iyon sa harap ko. Na para bang nababasa ang laman ng iniisip ko.

Umiwas ako at napatingin na muli kay Brendly, na ngayon ay palipat- lipat ang tingin sa amin ni Connor.

"Sabi ni Trixie ay nandito ka daw kaya hinanap kita dito. Gabi na at sobrang nag-aalala si Tiya Agnes sa'yo, Brendly."

Mataman ko siyang tiningnan na kinaiwas niya ng mukha. Iyong mga kamay niya ay pansin kong nanginginig kaya kinuha ko tsaka pinisil-pisil para pakalmahin siya.

"N-nasa kabilang silid kami ng kabarkada ko ng biglang nagbrown-out. Sa takot nila ay kumaripas sila ng labas at naiwan akong mag-isa. Lumabas din ako at kinakapa ang madaanan ko nang may bumunggo sa katawan ko. Hindi ko alam kung sino dahil sobrang dilim. N-noong bumalik ang liwanag ay nagimbal na lang ako ng makakita ng dugo mula sa nakabukas na pinto!.."

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon