Special Chapter

14.1K 389 13
                                    

"Calling Doctor Hunstman, to ER now please!"

Mabilis naman nakarating ng Emergency Room si Doktor Connor.

"What's the status of the patient."

Tanong nito na agad dumalo sa ilang Nurses na binibigyan ng first aid ang pasyenteng babae. Dinama nito ang heartbeat gamit ang stethoscope.

"She got 3rd degree burn. And the patient was pregnant, Doc!"

"How many months?"

"Seven months and ten days, Dok."

"Call the family of the patient."

"Wala siyang pamilya, Doc. Dinala lang siya ng mga taga Barangay."

"Then, prepare the OR."

"It's too risky, Doc—"

"I'll take the risk."

"Yes, Doc! I'll prepare the OR!"

Ilang minuto ay nasa loob na ng Operating Room ang pasyente. Kalma lamang si Doktor Connor habang tutok na tutok sa gagawing pag-oopera sa pasyente.

"Anesthetic?"

"Ok. You may start, Doc."

"Blood pressure?"

"Normal, Doc."

"Scalpel."

Napakapeligroso ang gagawin niyang operasyon at 20% ang tiyansa kung makakaligtas ang mag-ina. But still, he take the risk dahil mayroong nag-uudyok sa kaniya na gawin ang operasyon, na mailigtas ang mag-ina.

**

*Cchhuupp!*

"B-bakit mo ko hinalikan?!"

Sigaw ng walong taong gulang na batang babae habang nagpupunas ito sa may sala ng bahay ng pamilya ni Connor Hunstman.

Ngumisi-ngisi lang ang labing dalawang taong gulang na binatilyo ni Connor, na si Cyannor.

"Kase magiging asawa kita."

Nais umiyak ng batang babae pero sinamaan lamang nito ng tingin ang binatilyong kaharap. Matangkad ito kumpara sa kaniya kaya kung gusto nitong suntukin ang binatilyo ay wala din siyang laban dito.

Isa pa ay nag-aaral ito ng taekwondo kasama ang Daddy nito.

"Ang bata pa na'tin para sa ganiyan! Pero dahil sa hinalikan mo ko mabubuntis ako! Huhu!"

Humihikbi ang batang babae. Iniisip nito ang bagay na iyon sa murang edad. Iyon kase ang sabi ng kaniyang Nanay Lolit.

"Pananagutan naman kita. Magpapakasal tayo sa simbahan." 

Seryosong saad ng binatilyo. Sigurado na ito na ang batang babae ang magiging asawa niya.

"Mag-aaral pa ako! Magiging teacher ako!" Inis na hiyaw ng batang babae. Nais na niyang batukan ang binatilyo.

"Magiging businessman ako kaya di mo na kailangan pang magtrabaho. Ako na ang bahala sa'yo." Madiin na pagkakasabi ng binatilyo. Nakatitig ito ng matiim sa batang babae.

"Matagal pa iyon! Makakalimutan mo din ako!"

"Ninakaw ko ang first kiss mo kaya ako na ang magiging asawa mo." May pinalidad sa tono ng boses ng binatilyo ni Connor II.

Lumapit ito sa batang babae at saka mabilis na hinalikan muli ang labi nito bago umalis ng walang lingon-lingon. Natulala ang bata.

Ten years later.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon