Chapter 31

14.7K 393 7
                                    

YASMINE
#Home

"Hahaha! My gosh! Anong itchura 'yan, Kapatid ko?!"

Kanina pa 'yan sinasabi ni Erin at kanina pa din niya tinatawanan si Connor, habang nasa likod ko siya nakadikit at nagtatago.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Connor at di magawang mahuli ang kapatid niya dahil sa ako ang pananggala ni Erin kay Connor.

"Mahuli lang kita tapat ka sa'kin." Seryosong pagbabanta ni Connor na lalong kinatawa ni Erin.

Kahit ako ay napapangiti din sa itsura ni Connor, puno kase ng putik ang katawan niya at pati mukha niya ay mayroon din. Pero gwapo pa din.

Nandoon pa sa unahan ang magulang ni Connor na kinakausap ang may-ari ng palayan. Nasira din kase ng ilang metro ang mga palay na nadaanan ni Connor sa paghuli sa mga palaka.

"S-sorry.. k-kalasanan ko ang nangyari.." Paghikbi ko na agad kong kinayuko, nahihiya ako sa kanila.

"Don't be sorry, Baby. It's not your fault." Pang-aalo ni Connor nang hawakan niya ako sa beywang at pinatingin sa kaniya.

Ngumisi siya habang hinahaplos ang tiyan ko. Napakurap ako sa kaniya.

"H-hindi mangyayari ito kung hindi dahil sa'kin.."

"Our baby want this. So, I'll do everything for him and for you. Kahit tumambling pa ako sa daan kung iyon ang magpapasaya sa'yo."

Saad niyang nakangiti sa'kin na agad ko naman sinimangutan dahil sa parang binibiro pa niya ako.

"Binibiro mo naman ako, e."

"No, Baby. Gagawin ko talaga iyon para sa inyong dalawa. Kaya tumahan ka na sa pag-iyak." Pinahid ng palad niya ang mga luha ko, napatango ako sa kaniya.

"Nakakainggit naman kayong mga palak— oops! Sorry!" Napatakbo si Erin sa mga magulang nila nung akma siyang kakalabitin ni Connor.

"Hayaan mo na ang kapatid mo." Paghaplos ko sa balikat niya.

"Tsk. She's brat and annoying." Sabi ni Connor pero hindi naman galit ang mga mata niya para sa kapatid.

Napangiti ako at aaminin ko na medyo naiinggit ako kay Connor, kase may kapatid siyang nang-aasar pero mahal siya. Buo ang pamilya niya.

"Dad, naayos mo na?" Napatingin ako kay Ginoong Hunstman na seryosong nakatingin kay Connor.

"Done. Fix yourself, man. Nakakahiya sa asawa mo." Nakakatakot na utos ng Ama ni Connor, saglit akong sinulyapan bago bumalik kay Connor ang tingin nito.

Asawa mo.. Parang naantig ang puso ko sa sinabi ni Ginoong Hunstman.

"Thanks, Dad. Babayaran ko naman kaso naunahan mo lang ako."

"Tsk. Let's go home." Lumakad si Ginoong Hunstman papunta sa dala nilang sasakyan.

"Anak, maligo at magbihis ka agad para hindi ka sakitin. Nakung bata ka talaga!" Mahinang pagtapik ni Ma'am Carolina sa pisngi ni Connor.

Ramdam ko iyong pagmamahal niya para sa anak niya, para kay Connor. Kapag naging nanay na din ako ay mamahalin ko din ang anak namin ni Connor, ang pamilya ko.

"Opo, Mom. Saan nga pala kayo galing?" Tanong ni Connor.

"Galing kami sa Tita Dahlia mo. Opening kase ng isang Branch niya ng flower shop sa Laguna, kaya imbitado ang buong pamilya— bakit hindi kayo nakapunta ni Yasmine?" Sumulyap sa'kin si Ma'am Carolina na kinangiti ko.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon