Chapter 17

17.5K 414 10
                                    

"Kailangan magsinungaling para walang may masaktan. Pero puso mo naman ang sugatan."---Yasmine

YASMINE
#Damdamin

Hindi ko alam na ang mamamatay tao na si Doktor Connor ay isang matulungin din pala na tao. Nakita ko kanina na limang libong peso ang ibinigay niya doon sa mga bata. Sobrang tulong na iyon sa kanila.

Kung siguro iba si Doktor Connor ay baka mga fifty pesos o isang daan lang ang maibibigay noon sa mga batang gusgusin na iyon.

Kaya lalo din dumagdag ang paghanga ko sa kaniya. May dahilan din kung bakit niya pinatay si Konsehal, dahil sa mga nagawa nitong mali sa lipunan.

Hindi ko dapat basta husgahan ang nasaksihan ko noon dahil may dahilan naman at kapuslanan.

"Ihahatid na kita." Biglang sabi ni Doktor Connor, makalipas ang ilang minutong katahimikan dito sa loob ng sasakyan. Tanging tunog ng ulan na bumabagsak sa sahig ang ingay at tunog ng nakakangilong kulog mula sa kalangitan. Pakiramdam ko nga ay nasa itaas lang ng bubong nitong sasakyan tumatama ang kulog.

Napalingon ako sa kaniya. "Delikado na magbiyahe sa ganitong kalakas na ulan. Baka madisgrasya tayo."

Nag-aalala kong sabi na kinatitig lang sa'kin ni Doktor Connor nang ilang segundo bago tumingin sa labas.

"You're right, Yasmine." Sabi niya bago siya may pinindot nang makita akong hinahaplos ang magkabila kong braso dahil sa matinding laming.

Nakita ko din na hinubad niya ang suot niyang jacket bago siya umusog sa kinauupuan ko. "Wear this."

"H-hindi--- Uhm!" Pinutol ng halik niya ang labi ko. Ilang sandali ay binitawan din niya, tsaka siya na ang nagpasuot ng jacket sa'kin katawan.

"Mukhang hindi titila ang ulan." Sabi niya nang sumandal siya sa upuan at pinapagalaw ang mga daliri sa manibela na hawak niya.

"Oo nga, brown-out din 'yata sa labas." Sabi ko nang makitang madilim ang ilang tindahan. Pati ang mga poste sa gilid ng daan ay wala ding ilaw, kaya sobrang dilim.

Iyong tanging ilaw na'min ay mula sa ilaw nitong sasakyan. Wala nang mga tao ang lumalabas, maski sasakyan ay wala na din dumadaan dito sa daan.

Narinig ko kanina sa balita na may bagyo daw at mayroon pa'ng paparating na isa dito sa loob ng Bansa. Mayo na kaya tag-ulan na din.

"Nagugutom ka na?"

Napatingin ako kay Doktor Connor nang magtanong siya. Agad din akong umiling pero kasabay naman noon ay ang paghuni ng tiyan ko.

"Tsk." Palatak niya tsaka tumaas pa ang makapal na kilay bago ngumisi sa'kin. "Your tummy can't lie."

"P-pasensiya!.." Tumagilid ako para itago ang pamumula ng mukha ko. Napapikit ako sa hiya sa harap niya.

"Let's go somewhere were can find restaurant or something to eat." Sabi niya bago pinausad ang sasakyan sa unahan.

"Huwag na baka madisgrasya tayo sa sobrang dilim ng paligid." Pagkontra ko dahil inaalala ko ang kaligtasan na'min. Mahirap magpatakbo ng sasakyan sa ganitong kadilim na daan, gabi na din kase.

"I can handle my car." Napalingon siya sa'kin. "I'm also hungry." Sabi niya at itinuon ang pansin sa unahan.

Diyos ko... Ilayo Mo po kami sa kapahamakan dito sa gitna ng daan sa bumubuhos na malakas na ulan.

Taimtim kong pagdasal habang nakapikit ang mga mata ko. Pagmulat ko ay napatingin ako kay Doktor Connor, nang makitang nakatitig na pala siya sa'kin, kanina pa siguro.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon