CHAPTER SIXTHEEN

407 3 0
                                    

DANIEL'S POV

Flashback..

Nandito ko sa office ko habang binabasa ang mga papers na pinasa sakin ng secretary ko. By the way.. Acting CEO pa rin ako dito kahit na inlove na kami sa isa't-isa ni Kathryn, dahil gusto pang mapatunayan nila Mama't-Papa at ng mga In-Laws ko kung kaya ko na ba talagang mag-handle ng company. Habang nagbabasa ko tungkol sa new projects na gagawin biglang pumasok si Miles na humahangos. Kinabahan naman ako.

"Sir.. Si Kathryn po. Si Kathryn po.." -hindi nya masabi kung ano ba ang dapat sabihin kaya lumabas nalang ako sa office ko at dali-daling nagtatakbo sa cubicle nila.

Nakita ko naman si Kathryn na nakapatong ang ulo sa lap ni Julia habang ginigising ito.

"What happened?" I ask while carrying my wife. Shit! Anong nangyayari sa kanya?

"Sir.. She's on her way po to take a medicine because she said to us that she suddenly felt dizzy and then she collapsed." Julia explained.

"I thought.. She's already okay before we go to the company. Nagkulitan pa nga kami eh." Sabi ko. Akala ko talaga okay na sya.

"Alam mo Sir lagi ko nga po napapansin si Kathryn these past few days na laging mainitin ang ulo, nahihilo, tapos ayaw nya po kumain." Sabi ni Miles..

"Hindi kaya.. " Julia.

"Buntis si Kathryn?" Miles.

"Ano ka ba? Di ko na nga tinuloy eh." Julia.

"Enough of that. Wag na kayo magtalo. Kahit naman buntis sya, nandito naman ako. Di ko sya pababayaan." Sabi ko.

"Sorry Sir." They said in chorus.

At the Hospital..

Nandito kami ngayon sa labas ng ER.. Alalang-alala na ko.. Lord ano po bang nangyayari? Buntis po ba talaga sya? Sana naman po walang masamang mangyari sa kanila ng baby kung totoo nga pong buntis sya.

Naghihintay kami nina Julia at Miles dito sa labas, dumating naman na sila Jerome at Diego dito na ngayon ay inaalo si Julia dahil kanina pa sya iyak ng iyak at si Miles naman kampante lang na nakaupo habang katabi si Jerome.

Sabay-sabay kaming napatayo nang biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang Doctor na nakangiti.

"Your wife is absolutely fine. Dapat nga di nyo sya dito dinala. Haha" sabi ni Doc na nakangiti.

"What do you mean Doc? " naguguluhang tanong ko.

"The obygyne would be here in a minute.. Congratulations! " sabi ni Doc tapos tinapik ako sa balikat.

"Thank you Doc! " I said wearing a smile in my face.

"Wow ah. Talas mo pre. Nakabuo na agad? " sabi ni Diego na nang-aasar.

"Im very happy for you Sir and also for Kathryn. Haha" sabi ni Miles.

"Ninang kami ha? " sabi ni Julia.

"Aba syempre naman.. Tayo pa? " sabi ni Diego na parang siguradong-sigurado na.

"Priceless.. " nasabi ko nalang. Di man malinaw ang pagkakasabi ng Doctor pero malinaw na malinaw sakin na magkakaanak na ko.

Nandito ko ngayon sa loob ng room ni Kath. Sila Julia may binili lang sa labas. Kinausap na rin ako ng OB ni Kath and guess what? Confirmed. Magiging Daddy na ko. Sabi din ng OB na kailangan ingatan yung pinagbubuntis ni Kath. Kasi daw posibleng magkamiscarriage, and natural lang daw yung pagiging moody, pagkamahilohin at hindi pagkain ni Kath. Marami pa daw akong isasakripisyo sa pagbubuntis nya. May pagkaweird daw talaga ang mga buntis. Sabi din ng OB nya kaya patient lang daw.

On the other side, hindi maalis ang ngiti ko sa labi. Kahit gano pa kahirap ang danasin ko. Haha lalim eh. Basta para sa mag-ina ko. Im not giving up. Padilla yata to!

-end of  flashback-

Nakauwi na nga pala kami ni Kath at nandito kami sa kwarto. Nakahiga. Oww and by the way she's three weeks pregnant. Haha muntik ko ng makalimutan.

"Babe.. Palagay mo magiging perfect kaya tayong parents sa baby natin?" Tanong nya out of nowhere.

"Baby.. Di man tayo maging perfect atleast ginawa natin yung best natin. Diba nga may kasabihan na 'Do your best and God will take the rest.' Kaya tiwala lang."

"Ang galing naman ng babe ko. May alam ka palang ganyan? Akalain mo yun? Haha" pang-aasar nya.

"Ikaw talaga.. " sabi ko sa kanya at tumingin sa wall clock. 6:30pm na pala. Ang bilis ng oras.

"Baby gusto mo na bang kumain? " tanong ko sa kanya.

"Hmm.. Inaantok kasi ako eh. " sabi nya.

"Kath.. Wag ka na magdahilan. Kakain ka o kakain?" Haha wala ka ng choice.

"Dj naman.. " sabi nya na nakapikit. Hay, ito talagang baby ko. Para syang spoiled brat.

Wala na kong choice kundi buhatin sya at dinala sa kitchen. May yaya na nga pala kami. Dito nalang pinadala nina Mama si Manang Myrna since nalaman nila. Tuwang-tuwa nga ako sa reaksyon nila. Gustong-gusto na talaga nilang magka-apo.

"Dj ano ba!" Sabi ni Kath habang iniuupo ko sya. Ang galing talaga ng babae na to. Dumukdok daw ba sa dining table.

"Manang ano pong niluto mo?" Tanong ko kay Manang.

"Nagluto ako ng sinigang at adobo. Iinitin ko lang." Sabi nya.

"Ah hindi na po. Ako nalang po jan. Magpahinga nalang po kayo. Sabayan nyo na din po kami sa pagkain." Sabi ko.

"Hindi na anak. Tapos na rin naman akong kumain. Sige na at ako nalang jan." Pagpupumilit pa rin ni Manang.

"Ako nalang po. Magpahinga na po kayo." Sabi ko.

"O sya sige. Kathryn. Kumain ka anak ha.. Wag matigas ang ulo. Alalahanin mo yung anak mo." Paalala nya bago umalis. Si Manang talaga.

Ininit ko na yung ulam at naghain ng kanin. Si Kath nakadukdok pa din. Hay nako ang kulit nya talaga.

"Baby.. Kain na tayo. Tayo ka na jan." Sabi ko sa malambing na tono.

"Hmm.." Tugon nya. Nakatulog na agad. Ganyan ba talaga ang mga buntis. Bukod sa antukin na matigas pa ulo.

"Kath.. Kailangan mo kumain. Bawal ka malipasan ng gutom." Sabi ko sa kanya. Narinig nya siguro ko kaya tinayo nya yung ulo nya.

"Oo na po. Kakain na po ako Sir. " masungit na sabi nya.

"Kath. Concern lang ako sa inyong dalawa ni Baby. Kailangan ka pa bang pilitin sa pagkain. Alam mo naman sana kung pano alagaan sarili mo." Sabi ko na medyo pasigaw. Umalis nalang ako kesa may masabi pa kong iba.

Ang hirap talaga intindihin ng mga babae.

KATHRYN'S POV

Nagalit na agad, ano bang hindi nya maintindihan sa ayaw ko kumain dahil wala akong gana. Di ba nya maintindihan yun. Tsk! Hinawakan ko nalang ang hindi pa halatang tiyan ko at kinausap ito.

"Baby, don't be mad at your Daddy ha. Ganyan lang talaga sya. I will try to understand him nalang. " sabi ko at kumain na. Sumubo ako kahit konti lang para naman may laman yung tiyan ko kapag natulog ako. Dun nalang muna ko matutulog sa sala dahil hindi pa naibibigay ni Mommy yung keys ng guest rooms.

Nahiga na ko sa sofa bed pagkatapos kong kumain. Medyo masakit nanaman yung ulo ko. Hinilot ko nalang yung sentido ko hanggang sa dalawin na ko ng antok.

-end-

ARRANGED MARRIAGE with Mr. PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon