DANIEL'S POV
Tulog si Kathryn nang pumunta ko sa kwarto. Baka naman kasi magalit pag ginising ko. Hahayaan ko nalang syang matulog at pupunta muna ko sa office. Nag-iwan nalang ako ng note para malaman nya kung nasaan ako.
Pagdating ko sa parking lot.. Parang may pamilyar na kotseng nakaparada dito.
Binalewala ko nalang ang nasa isip ko at pumasok na sa office. Past 11am na pala.. ngayon lang ako tumingin sa orasan. Kumain na kaya si Kath? Di bale uuwi nalang ako ng maaga para masigurado ko.
Habang naglalakad ako papunta sa room ko, madadaanan ko muna kasi yung cubicle nina Kath, Julia and Miles bago dumating sa office ko. Kaya pag pumapasok si Kathryn alam ko kung kailan sya late at kung kelan sya hindi pumasok.
"Ahm.. Julia (M) pakidala yung mga papers na hindi natapos ni Kath sa office ko. Thanks! " utos ko kay Julia ng madaan ako sa Cubicle nila.
"Hi Sir! " sabi ni Julia (B) na nagpapacute. Di ka cute. Wag kang feelingera.
Di ko nalang sya pinansin at binuksan ko na ang pinto ko.
"Sir tek-" sabi nya pero di ko na sya pinansin.
Bigla naman kumabog ng malakas ang dibdib ko at tumigil ang paghinga ko.
"S-Sophia? "
Okay sya nga yun. Nakaupo sya sa table ko at para talagang hinihintay ako.
"Hi Hon.. Long time no see. " sabi nya ng may mapang-asar.
"Anong ginagawa mo dito? " bitter na tanong ko sa kanya.
"Di mo man lang ba ko i-we-welcome back? " naglungkot-lungkutan naman yung mukha nya. Hindi bagay.
"Makakaalis ka na. " bakit ganun? Wala ng spark. Siguro nga naka-move on na ko sa kanya. Oo ganun kabilis.. Siguro nga madaling mahalin si Kathryn.
"I miss you.. " malambing na sabi nya habang nakabackhug sakin.
"Hindi mo man lang ba ko namiss? " namiss nga ba kita?
Bigla namang bumukas ang pinto kaya bigla kong inalis yung kamay ni Sophia sa bewang ko pero huli na dahil nakita na nya.
"Ahm.. Sir, sorry to disturb. Eto na po yung mga papers na inutos nyo kay Julia." Sabi niya habang nagmamadaling umalis. Hinabol ko naman sya para magpaliwanag.
"Miles!!.. Yung nakita mo. Wala lang yun. "Sabi ko habang nagkakamot ng batok. Baka mamisunderstand nya yung nakita nya. Malaman pa ni Kathryn.
"Guilty Sir? No need to explain, tsaka di ko naman po kayo isusumbong kay Kath. Alam ko naman pong kaya nyo ayusin yung gusot nyo. Yun lang po. " at tuluyan na syang umalis. Sasabihin ko naman talaga kay Kathryn hindi ko naman to ililihim sa kanya.
Bumalik na ko sa office at nakita ko si Sophia na pinapakealaman yung laptop ko. Binaba ko kasi yung bag ko kanina nung dumating ako kahit na nagulat ako dahil nakita ko sya.
"Sino to? " tanong nya.
Kinuha ko mula sa kanya yung laptop ko at pinatay ito. Nakawallpaper kasi yung picture ni Kathryn sa laptop. Yun yung nakita nya.
"Sino yon? " sya.
"My Wife.. " Oras na rin naman para malaman nya na may asawa na ko. Para tumigil na rin sya dahil malaking gulo to pag may nakakita samin.
"So.. wala na pala kong pag-asa.. " sabi nya.
"Alam mo na yung sagot don at oras na galawin mo si Kathryn, magkakamatayan tayo kahit babae ka pa. Makakaalis kana. Pakisara nalang yung pinto paglabas mo. " sabi ko at umupo na sa swivel chair.
BINABASA MO ANG
ARRANGED MARRIAGE with Mr. Padilla
عشوائيIsang taong nakapagpabago ng lahat sa buhay ng isang babaeng akala nya ay walang kwenta ang mabuhay sa mundong ito. Hindi ko inaasahan na ang isang ARRANGED MARRIAGE pala ang magiging tulay sa mga pangarap ko. From worst life to happy ending. You c...