Kathryn's POV
Pinagmamasdan ko lang ang gwapo ko asawa habang naka-apron na nagluluto. Ni-request ko nga pala sa kanya ang specialty nyang kaldereta. Magaling nga pala syang magluto. Nag-aral sya. Akala ko puro pa-deliver lang alam nya eh. Haha. Kaya ngayong buntis ako, lubus-lubusin na. ^_^
"Babe, matagal pa ba yan?" tanong ko. Ewan, nagcrave ako ngayon sa luto nya. Parang ang sarap ng kalderata tapos lalagyan ng madaming ketchup. Yum! Yum! Yum!
"Saglit nalang to babe. Wait lang. " sabi nya habang nakaharap sa niluluto nya. Nakatalikod sya sakin dahil nakaupo ako sa mesa at nakapasalumbaba. Tinatamad ako eh. Haha
Naglagay na sya ng plato sa table, sinunod na nilagay nya yung kanin at ulam. Wow! Amoy palang yummy na. Hmm..
Napakunot naman ang noo ko."Bakit isa lang yung plate?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang sya at kumuha na ng pagkain. Hmp! Sya lang naman pala ang kakain. Asar!
Humalukipkip nalang ako at nakasimangot na tumingin sa iba.Nakita ko namang tumatawa lang sya. May gana pang tumawa. Nagugutom na nga ako eh.
"Babe aaahh.." Sabi nya habang nakatapat sakin yung kutsara.
"Ayoko." Sabay lingon sa kabilang bahagi. Para di ko sya makita. Syempre pakipot muna. Haha. Pero kakain pa rin naman ako, sa gutom ko na to.
"Babe. Eat. Akala ko ba nagugutom ka na.." Sabi nya. Ano ako aso? Ini-eat eat nya na lang.
"Kakain na ko. " sabi ko at tatayo na sana para kumuha ng plato pero pinigilan nya ko.
"What?" Takang tanong ko. Ayaw nya talaga kong pakainin.
"Stay. I'll feed you." Sabi nya at tinapat ulit yung kutsara sa bibig ko. Sinubo ko na rin naman kesa humaba pa ang usapan. Infairness, ang sarap ah.
"Masarap?" Tanong nya.
"Masarap.. lalo na pag lalagyan ng ketchup. " sabi ko na medyo pabitin. Laughtrip yung mukha nya.
"Ha?" Tanong nya na parang nandidiri.
"Sige na Babe.. " pakiusap ko. Sumunod naman sya pero nakakunot pa rin ang noo. Ang sarap kaya nun. Sinubuan nya na ko pagkalagay nya.
"Hahaha.. Ang sarap. ILoveYou!" Sabi ko. Ngumiti naman na sya.
"I Love You too.." Sabi nya at tinuloy na ang pagsubo sakin. Kahit na mukhang nandidiri pa sya. Di ko nalang pinansin.
**
Nagising ako ng 3am dahil sobrang sakit ng ulo ko. Aww! Eto nanaman yung morning sickness ko. Grabe, pahirapan nanaman to.
Ang hirap kaya ng nahihilo, akala mo katapusan na ng buhay mo. Hay.. Ang hirap ng naglilihi, walang oras na pinipili.
Eto namang katabi ko, ang himbing ng tulog. Di man lang naramdaman na bumangon ako. Hayy.. Sana matapos na tong stage na to.
"Dj.. " tawag ko.
"Hmm.." Sabi lang nya at natulog na ulit. Tulog mantika talaga to. Daig pa naglilihi din eh.
Napatayo naman agad ako dahil naramdaman kong parang bumabaliktad yung sikmura ko.
"Aaaacckk!" Suka lang ako ng suka pero wala namang lumalabas. Nagtoothbrush lang ako pagkatapos at lumabas na rin ng banyo.
Parang umiikot yung paningin ko. Juice ko! Napahawak nalang ako sa pader habang sapu-sapo ang ulo ko. Hindi ko na yata kayang maglakad pabalik sa kama. Tsk! Umiikot mundo ko.
BINABASA MO ANG
ARRANGED MARRIAGE with Mr. Padilla
RandomIsang taong nakapagpabago ng lahat sa buhay ng isang babaeng akala nya ay walang kwenta ang mabuhay sa mundong ito. Hindi ko inaasahan na ang isang ARRANGED MARRIAGE pala ang magiging tulay sa mga pangarap ko. From worst life to happy ending. You c...