KATHRYN'S POV
Habang nasa kotse kami. Nasa backsit si Khalil at ako naman ay nasa passenger sit.. Ayaw kasing pumayag ni Daniel na magkatabi kami ni Khalil. Ewan ko ba sa lalaking to. Ano namang masama eh magpinsan/bestfriend naman kami. Siguro nagtataka kayo kung bakit naging magbestfriend kami ni Khalil. Kasi nga only child lang ako diba? At dito na sya tumira simula nung mag-21 sya dahil kaya naman daw nya mamuhay mag-isa. Actually, may sarili syang condo at dun sya tumitira, wala lang sya dun pag nagbabakasyon sya sa US.
"Kath.. nanjan ba sila Tita? " tanong bigla ni Khalil.
"Ah wala eh.. may bussiness flight kaninang madaling araw. Alam mo naman yun, bussiness na yung anak nun eh." Sabi ko.
"Kathryn.. " warning ni Daniel.
"Oo na po Daddy.. " asar ko.
"Hey.. Nandito pa ko oh.. " sabi ni Khalil.
"Ah kala ko kasi kinuha ka na ng kapwa mo alien." Sabi ni Daniel.
"Daniel.. " warning ko din.
"Opo Mama.." asar din nyang sabi. Sabay nagtawanan kami. Masaya din naman pala syang kasama kahit na puro si Sophia laman ng utak nya. Haha erase. Ano ba naman tong utak na to? Kung ano-ano pumapasok.
"Bf san ka nga pala tutuloy.. " tanong ko.
"Ahh.. dun nalang sa condo ko. May jetlag pa ko eh." Sabi nya.
"Ah okay.. " sinabi ko kay Daniel kung saan yung address ng condo ni Khalil at dun na namin sya hinatid.
"Bye Gf.. Bibisita nalang ako senyo pag may time. " busy person din kasi yang tao. May sariling kompanya.
"Bye din Bf.. Take your time. Don't skip your meal okay? " sabi ko.
"Yes Boss.." nag-salute pa sya.
9:30 am na ng makarating kami sa bahay pero si Daniel kanina pa nakabusangot.
"Oh. Daniel bakit kanina pa sambakol mukha mo jan? " tanong ko.
"Wala.. " cold nyang sagot habang paakyat ng hagdan.
Sinundan ko naman sya hanggang sa makapasok sya sa kwarto namin. Hindi pa rin kasi binabalik nina Mommy yung keys ng ibang kwarto.
"Daniel alam ko kung may problema ba saten o wala." Sabi ko.
"Ano bang meron sa pagitan nyo nung Khalil na yun at ganon nalang kayo magyakapan?" Sabi nya na parang nag-iinit yung ulo.
"Uy... Nagseselos.." asar ko sa kanya.
"Hindi ah.. Bakit naman ako magseselos?" Sya.
"Defensive.. " asar ko ulit.
"Sagutin mo na yung tanong ko." Cold nya ulit na sabi. Bipolar talaga.
"Hmm. Sa isang kondisyon.. " sabi ko.
"Ano nanaman?" Iritable nyang sabi.
"Ikaw magluluto.." sabi ko.
"Sige ba.. " mayabang na sabi nya. Talaga lang ha. Tingnan natin.
"Explain." Utos nya.
"Oo na.. Una sa lahat wala kang dapat ipag-aalala dahil Bestfriend ko lang si Khalil, nothing more, nothing less. Okay? And one more thing.." pabitin na sabi ko. Nakita ko namang parang kinabahan sya.
"Ano na? Pabitin eh." Curious na sabi nya.
"FirstLove ko sya." Nabigla sya sa sinabi ko.
"H-hah?? " nauutal na sabi nya.
"Hahaha.. Just Kidding.. Pinsan ko sya noh. Khalil Bernardo Ramos. Kapatid ni Papa yung Mama nya. Hahaha." Sabi ko. Nakita ko namang nakahinga sya ng maluwag dun. Haha. Sarap mantrip.
"Lakas mo ding mantrip noh? " sabi nya habang papalapit sakin. Nagtatakbo naman ako sa pinto at bigla nya kong hinabol.
"Ayan na ko.. " sabi nya habang nakasenyas yung kamay na parang kikilitiin ako.
Bumaba naman ako sa hagdan habang nakasunod pa rin sya.
Nag-ikotan lang kami ng nag-ikutan sa sofa.
"Hahaha.. di mo ko mahahabol." Sabi ko.
"Sinong nagsabi? " sabi nya na nakangiting parang may binabalak.
Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko at napaupo sa sahig.
"Hin....di a..ko m-ma..k-ka...hi..nga." uutal-utal kong sabi habang hinahabol ko ang hininga ko.
"Anong nangyayari sayo? " kinakabahang tanong ni Daniel.
"K-Ku..nin m-mo y-yung.. i-inha..ler k-ko s-sa b-bag ko na..ka..baba lang sa ta..b-ble." Sabi ko. Ang hirap huminga. Hingal na hingal na ko. Nagtatakobo na sya sa taas at bumalik na dala-dala yung inhaler. Binigay nya sakin ito at agad kong ginamit.
"Haaa.. " sabi ko dahil nakahinga na ko ng maluwag.
"Ayos ka na ba? " tanong ni Daniel at binuhat ako papunta sa sofa.
"Oo. Medyo nanlalambot lang.." sabi ko.
"Hooo!! Kinabahan ako dun ah. Sa susunod wag ka na magpapagod ah. " paalala nya.
"Ikaw kasi eh! " pagsuko ko.
"Sorry na.. Magpahinga ka muna sa kwarto. Magluluto lang ako." Akmang bubuhatin na nya ko ng pigilan ko sya.
"Wagna.. kaya ko naman eh. " sabi ko.
"I insist. " binuhat na nya ko papunta sa kwarto at hiniga sa kama. Hinalikan nya ko sa noo at umalis na.
DANIEL'S POV
Kinabahan ako kanina nung nakita ko si Kath sa kalagayan na yon. Ang hirap palang tingnan sya pag inaatake sya ng asthma. Ano kayang gamot dun para mawala na?
Habang nagluluto ako. Naisip ko nanaman si Sophia. Ano na kayang kalagayan nya ngayon?
Ang saya-saya namin dati ng biglang boom! Dinala sya ng mga magulang nya sa ibang bansa para doon ipagpatuloy ang career nya. Sobra kong nasaktan non dahil sa dami ng mga babaeng pinaglaruan ko sa kanya ko nagseryoso at tumino. High School palang ako crush ko na sya pero hindi ko masyadong pinansin ang nararamdaman ko kaya naging Playboy ako, kung sino-sinong mga babae ang nahalikan ko pero hindi ko sila kinakama. Ano ko tanga? Baka mamaya magkasakit pa ko pag nangyari yun. At ng nagcollege na ko niligawan ko na sya at nalaman ko non na crush din pala nya ko. Ang saya-saya ko nung mga oras na yun pero siguro nga hindi kami para sa isa't- isa dahil aaminin ko sa inyo mukhang nahuhulog na ko kay Kath. Sisiguraduhin ko muna tong nararamdaman ko bago ko aminin sa kanya.
-end-
A/N: Ang bilis ba? Sorry.. Gusto ko na kasi silang magmahalan para sweet na. Don't forget may KB pa jan. Haha
BINABASA MO ANG
ARRANGED MARRIAGE with Mr. Padilla
RandomIsang taong nakapagpabago ng lahat sa buhay ng isang babaeng akala nya ay walang kwenta ang mabuhay sa mundong ito. Hindi ko inaasahan na ang isang ARRANGED MARRIAGE pala ang magiging tulay sa mga pangarap ko. From worst life to happy ending. You c...