KATHRYN'S POV
Naalimpungatan ako ng marinig kong may nagbukas ng pinto..
Pasuray-suray si Daniel na nahiga sa tabi ko. Ang baho nya.. Bakit ba kasi to naglasing?
Tiningnan ko ang oras at past 12 am na pala. Alam naman nyang may pobya ko sa lasing diba?
Ganito kasi yun.. Noong second year high school ako, wala akong sundo nun dahil nasiraan daw yung driver namin kaya pinagawa nalang.. Hindi naman ako makapagtaxi dahil takot ako sa mga driver baka kung ano pang gawin sakin. Kaya naglakad nalang ako. Nung nasa may kalsada na ko paliko sa kanto may naabutan akong mga lasing na nag-aaway tapos binaling nila sakin yung mga galit nila. Eh diba nga lasing, hindi na nila alam yung ginagawa nila. Buti nalang nakita ko ni Khalil non, yung bestfriend ko nung nga panahon na yun, pero ngayon nasa States na sya para magtrabaho dun at ayun nga sya yung nagtanggol sakin. Tapos yung nangyari pa sakin nung nakaraang gabi na muntik na kong gahasain nung lasing. Tanda nyo pa sa previous chapter?
Di ko alam na tumutulo na pala yung luha ko.
"*sob*" di ko namalayan napalakas na pala yung hikbi ko.
Nagulat ako ng biglang bumangon si Daniel at binuksan ang ilaw. Narinig nya siguro yung hikbi ko.
"Kathryn.. Bakit ka umiiyak??" tanong nya sakin na may pag-aalala, actually di naman sya masyadong lasing eh yung tipong nakainom lang.
"Wala.. *sob*" sabi ko sa gitna ng paghikbi ko. Etong luha na to. Tulo ng tulo.
"Kathryn alam ko pag may problema ka.. "
"Eh kasi naman*sob*naglalasing ka*sob*alam mo naman na*sob*takot ako sa lasing diba*sob*" napahagulgol na ko, babaw ko ba?? Kasi diba pag nasa espiritu na ng alak di na alam kung ano yung ginagawa.
"Sshhh.. Sorry na, di ko na uulitin." sabay yakap nya sakin.
"Natatakot tuloy ako sayo."
"Wag ka ng matakot.. Wala akong gagawin sayo. Alam ko pa yung ginagawa ko." pag-alo nya sakin.
At ayun nakatulog na din kami.
Paggising ko.. Wala si Daniel sa tabi ko. Nasan kaya yon?
Pumunta na ko sa banyo para sa daily routine ko, At paglabas ko nakita ko sya sa kama na nakaupo.
"Ready ka na ba? " cold nyang tanong.
"Teka, di ba muna tayo magbe-breakfast?" tanong ko din.
"Hindi na, sa daan nalang." sabi nya.
"Sige wait lang." inayos ko na yung mga gamit namin para makaalis na kami.
"Okay na.. " sabi ko sa kanya. Nagtataka talaga ko sa kanya ngayon, kagabi lang ayos kami ah.
Wala akong kibo habang nasa byahe kami. "San mo gustong kumain?" cold pa rin tanong nya. "Ahh.. Sa bahay nalang tayo kumain." sabi ko habang nakalingon sa may bintana.
"Okay." Yaan na nga sya. Aalamin ko nalang kung bakit sya ganyan pagdating namin sa bahay. Malapit lang naman yung byahe 30 minutes lang mula sa hotel.
Pagdating namin sa bahay, agad syang pumasok sa kwarto ni-hindi man lang ako tinulungan magakyat ng gamit.. Kaya no choice, ako na lang nagbuhat.
Pagkatapos ko mag-ayos ng mga gamit, andito pa rin si Daniel nakahiga sa kama at natutulog, may hangover siguro?
Naligo nalang ako ulit dahil pinawisan ako kakabuhat ng mga baggages namin napaka-gentleman naman kasi ni Daniel.
Bumaba na ko sa kusina para magluto ng breakfast, past 9 am na din kasi at di pa kami kumakain.
Nagprito lang ako ng hotdog,ham,bacon,egg at nagsaing para sa breakfast. Haha puro prito noh? Di ako sanay magluto eh. Sorry naman.
Umakyat na ko sa kwarto namin para ayain syang kumain, at alam nyo ba kung bakit magkasama kami sa kwarto?? Pano kasi yung magaling naming mga magulang nilock yung dalawang kwarto at yung master's bedroom lang ang binuksan para daw hindi kami maghiwalay ng kwarto at wala din kaming yaya, para daw malaman namin kung pano mamuhay ang dalawang mag-asawa. Tsk! Kung alam lang nila na ang magaling nilang anak ay nakatopak.. At di ko man lang alam kung bakit.
"Daniel.. *poke* Daniel.." gising ko sa kanya.
"Hmmm.." ingit nya sabay takip ng unan.
"Daniel.. Kain na tayo." sabi ko sa kanya.
"Tss.. Ikaw na lang kumain." sabi nya na medyo naiinis pa.
"Bahala ka nga.." nakasimangot na sabi ko sa kanya.
Bumaba na ko para kumain mag-isa. Tss.. nakakainis di ko alam kung ano problema nya. Pwede naman syang magsabi sakin eh. Ano ba nya ko?? Hmp!
Habang kumakain ako.. Nakarinig ako ng footsteps mula sa hagdan, malamang sya na yan. Gutom na siguro kaya bumaba.
"Oh Bakit bumaba ka?? Kala ko ba ako nalang kumain mag-isa.." nakasimangot kong sabi sa kanya. Para kong nakipag-usap sa hangin na wala man lang sumagot.
Pagkatapos naming kumain umakyat na agad sya papunta sa kwarto namin at ako naman naghugas na ko ng pinggan. Pagkatapos kong linisin ang kusina pumanhik na rin ako para makapagpahinga dahil pagod rin ako sa mga nagyari. Magtutuos tayo Daniel Padilla.
-end-
BINABASA MO ANG
ARRANGED MARRIAGE with Mr. Padilla
LosoweIsang taong nakapagpabago ng lahat sa buhay ng isang babaeng akala nya ay walang kwenta ang mabuhay sa mundong ito. Hindi ko inaasahan na ang isang ARRANGED MARRIAGE pala ang magiging tulay sa mga pangarap ko. From worst life to happy ending. You c...