CHAPTER SEVEN

412 6 0
                                    

KATHRYN'S POV

Pagdating namin sa Mall, kumain muna kami sa Jollibee. Haha, adik no? Batang Jollibee kami eh. Ayun nga bago mag-gala kumain muna kami.

"Uy Kath baka magalit samin asawa mo ha?" Julia. Kanina pa silang dalawa tanong ng tanong tungkol don. Hays.. Iritang-irita na ko.

"Paulit-ulit Juls? Di nga ako hahanapin nun. Wala namang pake yun sakin eh." ako.

"Waaahh!! LQ teh?!!" singit nitong si Miles.

"LQ ka jan.. Q lang walang L." sabi ko.

"High Blood ka Kath.. Bakit ba kasi nag-away kayo?"

"Wala lang yun, wag nyo na intindihin.. Mababaw lang." nagkibit balikat nalang silang dalawa at nagpatuloy na kami sa pagkain.

"Nood muna tayo ng sine.." suggest ko pagkalabas namin ng Restaurant.

"Tara.. " sang-ayon nila.

Pagkatapos namin sa sinehan, nagshopping naman kami. Midnight sale kasi ngayon. Kaya free ka magshopping kahit anong oras, kami namang mga shoppaholic, go lang ng go. Pagkatapos namin magshopping ng kung anu-ano..

"Julia, what time is it? " Julia.

Tumingin sya sa wrist watch nya at biglang nanlaki yung mata.

"10:30 na pala, di natin namalayan ang oras." sabi nya. Nagulat naman ako dun at the same time natakot pero agad ding napawi yun dahil baka tulog na si Daniel ng mga oras na to. Agad kong dinukot ang cellphone ko sa dala kong bag at pagkakita ko dito.. Deadbat! Patay..

"Juls, Miles mauna na ko umuwi sa inyo ha. Sigurado naman ako na tulog na si Daniel nyan." pagpapaalam ko sa kanila.

"Ah sige Kath, ingat ka ha.." nagbeso na kami at lumabas na ko ng Mall.

Dumiretso agad ako sa kotse ko at nagsimula ng magdrive pauwi. May sari-sarili kaming sasakyan kaya okay lang na iwan ko sila dun. Maiintindihan naman nila yung mga oras na ganito.

Pagdating ko sa bahay.. Nakita ko agad si Daniel na nakatayo sa pinto at nakahalukipkip pa habang nakasimangot.

"San ka galing?" medyo galit yung tono nya.

"Nagmalling lang kami nila Julia.." cold kong sagot.

"Alam mo ba kung anong oras na?" sya.

"Bakit dala ko ba yung orasan?" pabalang na sagot ko sabay upo sa sofa, kailangan mong magtapang-tapangan Kathryn kahit ngayon lang.

"Sumagot ka ng maayos!!" pasigaw na yung tono nya.

"Pagod ako, kaya pwede ba? Bukas nalang tayo mag-usap. " Sabay talikod ko sa kanya at akyat sa kwarto.

"Bakit ka ba nagkakaganyan Kathryn?" sumunod din pala sya.

"Wala.." sabay higa ko sa kama at pinikit ko na ang mga mata ko. Ang hirap nya talagang pakisamahan. Kanina lang cold sya sakin sa opisina ngayon naman kala mo sya tatay ko kung magtanong. Grrrr!! Nakakainis ka talaga Daniel Padilla. Nakarinig nalang ako ng footsteps sabay lagabag ng pinto. Wag na sana syang bumalik.

DANIEL'S POV

Oo nga pala di pa ko nakakapagpakilala. *Ehem* My name is Daniel John Ford Padilla, you can call me DJ if close tayo at gaya nga ng nabasa nyo sa mga previous chapter kasal na ko kay Kathryn Chandria Manuel Bernardo isang babaeng di mo maintindihan kung bakit asar na asar sakin. Haha maybe kasi lagi ko syang pinagtitripan. Ang bilis nya kasing mainis. At tungkol naman sa company, actually hindi naman talaga ako ang boss dun ACTING CEO lang ako gaya nga ng sabi ni Kathryn at magiging ganap na CEO lang ako kapag naka-1year na ang marriage namin ni Kathryn. Tungkol naman sa lovelife ko, May mahal akong babae. Sya si Sofia Andres, hindi ko alam kung bakit ko minahal si Sofia siguro ganon talaga pag True Love hindi mo ma-explain yung nararamdaman mo para sa minamahal mo. Ayun nga dahil sa Lintik na Arranged Marriage na yan naghiwalay kami ni Sofia pero hindi ko naman masisi si Kathryn dahil wala naman syang kasalanan dahil kagagawan to ng mga magulang namin at kaya naman ako pumayag ay para makuha ko ang mana ko. Pag nakuha ko na yung mana ko at naging CEO na ko, aayusin ko na yung tungkol samin ni Sofia.

ARRANGED MARRIAGE with Mr. PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon